EPISODE 4 PAGE 1- FLIRT ANYONE BUT NOT THE MAN WHO BELONG TO A QUEEN

592 20 3
                                    

MARGARETTA'ˢ POV

Nagtataka ako kung bakit hindi na madalas matulog si Phoenex dito sa bahay, at kapag tumawag ako sa bahay nila, sinasabi ni tita na akala niya nandito sa bahay si Phoenex.

Saan kaya nagsusuot ang ibon na 'yon? Tinawagan ko sa condo niya wala din sabi no'ng nag-aalaga sa pusa niyang si Thenix.

Sabado ngayon at Family Dinner nang Monteclaro kaya magtitipon-tipon kami sa bahay nang lolo at lola ko sa Monteclaro side.

Bumaba na ako at naabutan ko ang pamilya ko na magulo pa sa iskwater, tawanan nang tawanan at ofcourse si C.E ang nangunguna.

"Dadi look tita anda err na"

Wika ni Adam ang anak ni Shire. Adam ang anak ni Shire hindi niya kinuha sa name niya, kasi 'yong anak niya kahawig kasi ni Shore no'ng bata pa.

"Hi baby Adam, I'm glad to see you," wika ko kay Adam saka niyakap siya at hinalikan.."bakit ngayon ka lang nagpakita dito ha? Dati naman araw-araw ka narito?"

"Ei kati po tita Anda I need to watch mommy and baby titter"

Sister 'yon at Ganda, tawag niya sa 'kin tita ganda medyo bulol pa kasi si Adam kaya gano'n siya magsalita, ngumiti ako saka niyakap nanaman siya.

"Tita Anda atan po ti Tito enex bakit ala tiya dito?"

"Hi nako Adam kung ano-ano ang tinatanong mo sa Tita ganda mo" nakangiting wika ni Sam.

"Samy kumusta ang pagbubuntis mo? Kailan due date mo?"

Tanong ko kay Sam, ang laki kasi ng tiyan niya...

"This month." ngiti niya.."oh ikaw? Asan ang mapapangasawa mo?"

"Ewan, lagi nga wala.. wala din daw sa bahay nila."

Nagsasalita pa sana siya nang lumapit si Jessy at Aejee, si Jessy medyo malaki na rin ang tiyan at si Aejee kakapanganak lang.

"Anyway aalis muna ako, magkikita kami ni Amanda pero babalik din ako bago mag five pm, do'n na tayo magkikita sa Monteclaro mansion.." wika ko sabay halik sa mga sister in laws ko.

"Mag-ingat ka,"-Aejee

"Okey, see you there.. magpaalam muna ako sa mommy at daddy"

Tumango sila at pumunta na ako sa mommy at daddy ko para magpaalam at pinayagan naman nila ako.

---------------

"Amanda kanina ka pa ba?"

Tanong ko kay Amanda na Feeling ko kanina pa ata naghihintay.

"Hindi naman young madam, halos ka rarating ko lang din".

Tumango ako saka pumasok na kami sa mall, balak ko kasi bumili nang cake para kay lolo.
papasok na kami nang magawi ang paningin ko sa nakatalikod na lalaki sa isang restaurant, na kahit nakatalikod ay kilalang kilala ko, at sino naman 'yang babaeng umiiyak na 'yan..

"Amanda, pumasok muna tayo sa restaurant na 'yan, parang kilala ko ang taong 'yan."

Nang lumingon si Amanda sa tinutukoy kong restaurant ay napatango naman siya, nauna siyang pumasok para do'n kami pumwesto sa likod mismo nang lalaki. Pinaupo niya ako sa likod no'ng guy at siya naman umupo sa harap ko.

"Actually Nex..."

Wika nung babae, sabi ko na nga ba ikaw 'yang damuhog ka, kaya pala 'di kita makita-kita at lagi kang wala.

THE SAVAGE QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon