PHOENEX'ˢ POV
Nasa sala ako ngayon nang dumating si Gab, dumalaw kasi ako dito sa amin.
"kuya, pupunta na pala si Gray sa ibang bansa?"
Nagkatinginan muna kami nina mommy at daddy saka ko binalik kay Gab ang tingin.
"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya..
"Nasa hospital kasi sila kahapon nagpa-check up sa kay Doc. Leonard, at ang advise ni doc. Sa kanila ay sa ibang bansa manatili."
Nagpa-check up? Saka ko lang naalala na may heart fillure pala si Gray, ang tanga ko hindi ko lubos naisip ang ganun... ano ba ang ginawa mo Phoenex ang tanga mo.
"Ang narinig ko lang kasi, need ni Gray sa ibang bansa kasi dilikado para sa kanya yung.. 'di ko na narinig ano ang dilikado.. basta sabi mapanganib sa puso niya."
Tahimik lang ako hanggang sa pumasok na si Gab sa kwarto niya, ako naman naiwan na parang natulala lang.
"Anak, bakit hindi ka tumawag sa bahay ng mga Aragon para malaman mo."
Wika ni Daddy, napatingin lang ako sa kanya, kung tatawag ako dun, baka pag bagsakan lang ako ng telopono.
"Para makaseguro tayo ako na ang tatawag kay Cassandra."
Wika ni Mommy saka dinial ang numero nang Tita Cassy, maya lang ay nagkausap na sila, kami naman ni daddy nakikinig lang.
"ay gano'n ba mars," wika ni mommy, nagkatinginan kami ni daddy."ah okey mars, okey take care mars, send my best regards to Gray, tell her na umaasa ako na siya pa rin ang maging manugang ko.. sege mars bye, ingat kayo."
Pagkawika nun ay malungkot niyang pinatay ang cellphone.
"Why mom?"
Tanong ko sa kanya, napabuntonghininga muna siya bago nagsalita.
"Nasa Airport na sila hijo, on the way na pala sila sa Austrilia."
Malungkot na wika ni mama, ako naman parang kumirot ang puso ko sa narinig ko.
"Sasama ba si Cassandra at Zandro?" Tanong ni daddy.
"Yeah, pero dalawang linggo lang si Zandro, si Cassandra maiiwan dun para samahan si Gray, mukhang matatagalan sila dun."
----------------
Nasa terrace ako habang iniisip ang mga nalaman ko sa pag-alis ni Gray.
Hindi ko alam ano ang gagawin ko, ayaw ko na malayo kay Gray, kahit isang saglit, pero ako lang din naman ang sumira sa pagmamahal at tiwala niya.
"Bakit hindi mo sundan sa Austrilia kuya?"
Paglingon ko si Gab pala, may dala itong brandy at dalawang baso, at nakasunod naman si aling Rita para dalhin ang yelo.
"Salamat ate Rita."
Yumuko naman ang matanda saka umalis, nagsalin ng brandy sa baso si Gab saka inabot sa'kin ang isang baso.
"Salamat"
Napangiti lang siya saka tumango, umupo siya sa isang upuan.
"What's your plan now?"
Napatingin muna ako sa kanya, saka binalik ang tingin sa labas kung saan makikita mo ang garden. Ano nga ba gagawin ko? Ano ang unang gagawin ko? ang laki ng kasalanan ko kay Gray.
"Alam mo kuya, I dont know if how you and Gray start your lovestory.. pero I want to tell you na if you love her don't be afraid to chase her."
Napatingin ako sa kanya, kung matatandaan ninyo si Gab naman sana talaga ang mapapangasawa ni Gray, but luckily may gf si Gab no'ng panahon na yun.
BINABASA MO ANG
THE SAVAGE QUEEN
Teen FictionSeñorita Lady Margaretta Grayzella Monteclaro-Aragon, A daughter of a multi-trillioner. A señorita, A Lady, A princess, A queen, but she is Savage. She was born with a gold and silver spoon with her mouth, she has everything, she was born under the...