EPISODE 2 PAGE 25- Still searching..

540 22 0
                                    

MARGARETTA's POV

Abala pa rin kami sa paghahanap kay Phoenex, na hanggang ngayon ayaw pa rin magpakita.

Phoen? why don't you show up .. please..show us, whether you are alive or dead, please ..

"Gray, magpahinga muna tayo.. Ilang araw ka na ring puyat ng puyat.."

"No, I want to see them to raise Phoenex in the water, I don't want to miss the search day .."

Niyakap ako ni Shore, at pinilit na magpahinga muna, at si Jeyhon na lang ang bahalang tumingin muna, pero ayaw ko talaga.

"Gray, Shore is right.. You should take your rest..Jeyhon and I will take care of this, if there is a result I will call you immediately.."- KERVIN

Kalaunan ay napapayag naman ako no'ng sinabi niyang tatawagan niya agad ako, inaya na ako ni Shore para magpahinga sa hotel na kinuha namin dito sa jeju..

"I'll be back, I'll just take Gray to the hotel." Shore

"Kuya kailangan mo 'din nang pahinga, alam kong pagod ka kaya magpahinga ka muna.. Mamaya ka na bumalik" - Jeyhon

Napatingin naman ako kay Shore, oo nga makikita mo sa mukha ang pagod niya, ilang araw na 'din kasi siyang puyat dahil ayaw niya akong iwanan, tila na konsensya naman ako sa ginawa ko.

"Tama sila Shore, kailangan mo 'din na magpahinga."

"Hmm, okey sege.." Wika niya sa'kin saka lumingon sa dalawa.."tawagan n'yo kami agad sa result.."

"Okey kuya, kami na bahala magsabi kay Gab na magpapahinga muna kayo.."

Umalis na kami kasunod ni Mr.Jiru at Sabrina, gusto pa sana magpaiwan ni Sab, pero alam kong pagod at puyat rin siya.

---------------------

JEYHON's POV.

Hinatid ko lang ng tingin sila Gray na papunta sa Hotel na kinuha namin, at nang mawala na sila sa paningin ko ay binalik ko na ang tingin ko sa gawi nila Gab..

Lumapit ako sa kanila ni Kervin, na kasalukuyang nag-uusap sila. Ilang araw na 'rin kasi ang paghahanap kay Phoenex na hanggang ngayon hindi pa rin makita-kita.

Umupo muna kami nina Gab at nag-uusap, kinukwento samin ni Gab kung gaano ka buting kapatid si Phoenex.. Kahit Half siblings lang sila.

Anak pala siya ng Daddy ni Phoenex sa ibang babae no'ng panahon na naghiwalay ang mga magulang ni Phoenex, pero no'ng magkabalikan sila, boung puso naman siyang tinanggap ni Phoenex at nang mommy niya.

"My brother was a very kind person, he accepted me without hesitation." Gab

"Im sure his happy kung nasan man siya dahil nandito ka para hanapin siya"

Wika ko naman na ikinangiti niya, habang si Kervin naman ay tahimik lang na nakikinig sa'min.

Lumipas pa ang ilang oras nang wala pa ring makitang bangkay, o kahit anong bakas ni Phoenex.. Pero patuloy pa rin sila sa paghahanap.

Naghintay pa rin kami nang magkagulo ang mga rescuer, magdadapit hapon na ngayon, kaya napatayo kami para alamin ang nangyayari..Lumapit sa amin ang isa sa mga police..

"Sir, I saw a corpse! but it can no longer be recognized because the body has decayed .."

Nagkatinginan kami, si Kervin ang naunang pumunta, habang kami ni Gab abala sa pagtawag sa mga kasama namin.

Pagkatapos naming tumawag ay pumunta na kami sa pinaglalagyan nang bangkay at halos masuka ako kasi nga bloated ito at hindi mo na makikilala talaga ang bangkay dahil sa naagnas na ito..

THE SAVAGE QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon