OTHER PEOPLE's POV
Maaga pa lang, araw nang sabado at pahinga ni Gray, sarado ngayon ang mga bussiness niya.
Sinadya niya talaga na isarado every saturday at sunday para naman may time sa pamilya nila ang mga trabahante. Pero may bayad pa rin ang araw nang sabado kahit walang pasok.
Wala 'din ang mga body guards niya, si Mr.Jiru dapat sunday pa off pero pinag off na niya ito, ayaw pa sana pumayag pero pinilit niyang mag off na.
Lumabas muna siya at para mag jogging, naka simpleng damit lang siya, nasa loob lang 'din naman nang village nila kaya kampante lang siya.
Maya lang may huminto na sasakyan, pero hindi niya napansin 'yon dahil abala siya sa paglalakad.
"Gray"
Napalingon siya, saka inaninaw kung sino ang tumawag sa kanya, lumapit ito sa kanya na nakangiti.
----------------
"Where is ate Gray?"
Tanong ni Will at C.E sa mga katulong, at sinabi naman ng mga katulong na lumabas lang sa garden at magpapahangin lang, tumango naman si Will at C.E saka pumunta sa kwarto ni Will para maglaro nang playstation.
Lumipas ang mga oras, at hapon na, dumating na ang mga kapatid nila, si Min at Lourd galing sa Grocery dahil namili sila nang mga kakailanganin nila sa Family day nila bukas.
Habang si Shire naman at Shore ay magkasabay na dumating kasama si Brent, dito kasi matutulog si Brent dahil sinama na siya sa family day since hindi naman na siya iba sa pamilya.
Siya namang pagdating ni Jeyhon, at niyakap niya ang mga kapatid. Nakita nilang bumababa ang mga magulang kaya kanya-kanya silang halik sa mga ito.
"Brent mabuti at nakasama ka ngayon hijo? Wala ka no'ng nakaraang linggo."
"Oo nga po tita, nakakahiya mang sabihin pero sumama po ang tiyan ko at nagka LBM.. Sinabi ko po kay Min tita ah"
Napatingin naman si Min sa kanya, at sinabi nitong nakalimutan niya. Kanya-kanya muna silang paalam sa magulang at magbibihis lang saglit.
"Our children are grown faster honey, mga binata na sila at matured na"
Wika ni Zandro na sinang ayunan naman nang kanyang butihing asawa.
"Honey, masyadong malayo ang bahay ni mommy at daddy, bakit hindi na lang sila dito tumira? Para maalagaan naman natin."
"Alam mo naman ang dalawang 'yon honey"
"Buti sana kung katulad ni mama at papa sila na madaming mga anak.. At nando'n 'din nakatira si Tamaya at Adrian"
Napatango naman si Zandro sa sinabi ni Cassandra..
"Hindi bale honey sasabihin ko kay mommy at daddy.. (May naalala) teka nga honey, bakit kaya hindi tayo magkaroon nang dinner time sa Monteclaro naman, pasko lang ata natin nakikita ang pamilya mo."
Natawa naman si Cassandra, alam niyang malapit 'din ang asawa sa mga magulang at kapatid nito, mas mahal pa nga ata nila si Zandro kaysa sa kanya.
"Kailan naman natin gaganapin ang family dinner na 'yan?"
"Family day na lang, every saturday do'n tayo,"
Napatango naman si Cassandra sa sinabi nang asawa.
"Tama ka honey, 'Im sure Gray will be happy about that idea."
Sakto namang bumaba na lahat nang anak nila kasama si Brent, umupo ang mga ito.
BINABASA MO ANG
THE SAVAGE QUEEN
Novela JuvenilSeñorita Lady Margaretta Grayzella Monteclaro-Aragon, A daughter of a multi-trillioner. A señorita, A Lady, A princess, A queen, but she is Savage. She was born with a gold and silver spoon with her mouth, she has everything, she was born under the...