PAGE 9-She meet him again

1K 38 0
                                    


OTHER PEOPLE's POV

Papasok na sa school niya si Margaretta, nang may napansin siyang lalaki na tila nasiraan ng sasakyan.

Habang papalapit siya ay napansin niyang si Phoenex ito. Napangiti siya at sinabihan ang driver na itabi muna ang sasakyan.

Tinabi nang driver ang sasakyan nila at nagulat naman ang lalaki sa pumaradang sasakyan.

Bumaba ang driver at pinagbuksan ang kanyang senyorita, napakamot nang ulo si Phoenex sa nakita nakitang bumababa.

"Hi Bf, (ngiti) mukhang nasiraan ka? You want help?"

Napatingin naman si Phoenex sa kanya, maya lang may lumabas na babae sa kotse nito, nangunot ang noo niya.

"Babe sino siya?"

Maarting wika nang babae na ikinangiti ni Gray.

"Who am I? I am his Girlfriend"

Nanlaki ang mata nang babae at maging si Phoenex 'din ay nagulat,  pero si Gray tuwang tuwa sa ginagawa niya.

"What? Wait Phoenex, babe sino ba 'tong bubwit na 'to? Ang bata-bata pa eh ang landi na"

Tila umakyat ang dugo sa ulo ni Gray pero pinigilan niya ang inis niya saka hinarap ulit si Phoenex.

"My Bf, hindi ko alam na pumapatol ka sa mukhang tiyahin mo? Eh halos kulobot na ang mga balat nito ei"

Sa inis nang babae susunggaban sana niya si Gray nang lumabas ang mga guard niya, napaurong siya sa nakita.

"Willing magbali ng buto ang mga 'yan para sa akin..(ngiti) ba't ka ba nagagalit? Eh totoo naman ang sinabi ko. Ano pala ang sabi mo? Bata pa ako ang landi-landi ko na? (Tawa) ikaw nga ang tanda-tanda mo na malandi ka parin.."

Wika niyang tawa nang tawa, sumakay na siya sa sasakyan niya at nilingon si Phoenex.

"I see you in my grandfathers office"


------------------------------


GRAY'S POV

Banas na banas ako nang makita ko ang babaeng 'yon, akala mo naman ang ganda-ganda,  babe sino siya? May pa ganun-ganun pa ang sarap apakan ei.

"Hey, why sad face?"

Nang lingunin ko ay ang pinsan kong si Tamaya, ito lang ang bukod tanging nakakaintindi sa ka malditahan ko, magka edad lang kami at magka school mate.

"Ah, nothing. I just bad trip a while ago..(tingin sa kanya) nasa'n pala si kuya Adrian?"

Tanong ko sa kanya, na pa pout lips siya, nag-away nanaman seguro ang magkapatid na 'to, ewan ko ba dadalawa na nga lang sila nag-aaway pa.

"Ayun iniwan ako, sumama sa mga barkada niya, boys night out daw, eh tignan mo naman oh ang tirik ng araw. Gabi na ba? Kaloka."

Napangiti lang ako sa sinabi ni Tamaya, dahil tapos na ang klase namin pariho, nagkayayaan kaming mamasyal sa mall, gusto ko sana sa ibang mall pero nakiusap siyang sa mall na lang na pag-aari nang Aragon.

THE SAVAGE QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon