Episode 2

767 28 0
                                    

OTHER PEOPLE's POV

Masaya ang pamilya sa pagtatapos ni Shore, Marga at Jeyhon, habang si Will ay magtatapos na sa susunod na taon, habang si C.E nasa ikatlong taon na nang kolehiyo.

Nakapagtrabaho naman agad si Jeyhon at Shore sa company nila, habang si Shore naka assign sa building two kasama ang daddy niya, si Jeyhon naman nasa building one kay Shire.

Si Marga, may ibang karera sa buhay, nagkaroon siya nang sariling boutique, at gallery for art and photography, ka sosyo niya dito si Shore. At isa na 'din siyang publisher ng mga sikat na story and books. Minsan nagsusulat 'din siya to express her feelings.

Meron na 'din siyang sariling school for nursery and kindergarten, kung saan isa si Tamaya at Ytian ang teacher.

Si Jessie naman sa boutique ni Gray nagtatrabaho at si Chantal sa gallery for art and photography.

Naging mag on si Chantal at Brent, while si Tamaya ay patuloy pa ring umaasang mapansin ni Ytian.

Si Jessie, nagdadate pa rin sila ni Shore, at patuloy na kinikilala ang isat-isa. Si Yna, naman at Grey Sanchez ay patuloy pa ring namamayagpag sa TV at patuloy na sumisikat sa pangangalaga ng MA agency na pinamamahalaan ni Adrian.

Si Chelsea naman ay isang modelo ng mga beauty products at patuloy na bitter kay Jessie gawa ni Shore.

Si Jaynnie at C.E patuloy pa rin sa pagiging away bati, pero madalas pagselosan ni C.E ang kapatid ni Phoenex na si Gab, kasi napapalapit na ito kay Jaynnie.

Si Shire naman, engage na kay Sam, at malapit na silang ikasal, si Min naman ay naging mausbong 'din ang relasyon nila ni Aejee bilang mag nobyo.

Si Lourd, patuloy pa rin ang away at bati nila ni Arrah, at ngayon ay medyo nadedevelope na nila ulit ang dating feelings.

Si Gray?

Sa ikalawang pagkakataon nasaktan ulit.

Umuulan noon at umamin si Gray sa totoong nararamdaman niya kay Phoenex, tulad ng dati nag-antay nanaman siya sa gitna ng ulan.

Nagulat siya nang may huminto sa tapat ng gate ni Phoenex, nang bumaba ang dalawa nagulat siya at nakita niyang si Miss. Chang at Phoenex masayang naghahabulan sa gitna ng ulan.

Hindi siya napansin nang mga ito, dahil madilim sa part nang kinatatayuan niya, nasaksihan niya ang masayang tawanan ng dalawa. Ito yung araw nang iniwanan niya si Phoenex para isayaw si Miss chang sa kaarawan ng daddy niya.

Tumulo ang mga luha niyang pinapanood ang dalawa, may pagkakataong mapapayakap si Phoenex kay Kendra Chang, and Kendra also huged Phoenex as if no body is watching.

The most painful is.. He kissed her, on lips.. She recognize that kissed, gano'n siya kung halikan ni Phoenex.

Nagtatawanan pa ang dalawa, mayroong maghahabulan sila at magyayakapan ang mga basa nilang katawan..

Maypagkakataong napahiga si Miss Chang sa kalsada, at pumatong si Phoenex, as in magkadikit ang katawan nilang basa, at maghahalikan, maalab, ma agrisibo, to the point na halos gagawa na sila nang kababalaghan sa gitna ng kalsada.

Habang si Gray, nasasaktan, na tila kanina lang ay sinabi lang ni Phoenex na siya ang pinakamagandang babae sa paningin nito, pero heto ito ngayon, kalandian ang ibang babae.

Habang naghahalikan sila ay tila napansin ni Phoenex na may nakatingin sa kanila sa 'di kalayuan, nang makita kung sino ang nakatingin na 'yon, halos lumuwa ang mata niya nang makita si Marga.

Walang imik, walang reaksyon walang kahit anong makikitang reaskyon sa mata at mukha nito, basta nakatingin lang sa kanila.

Tumayo siya, napatayo 'din si Miss Chang at napatingin 'din sa gawi na tinignan ni Phoenex at lihim itong napangiti.

THE SAVAGE QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon