CHANDREX POV
Hi its me again C.E at your service, hmmm ako muna ang mag POV kasi.. Wala lang...
Wala sila ate Gray, umalis papuntang Korea kasama si kuya Shore at kuya Jeyhon..
Araw ng sabado ngayon at talaga namang wala kaming ibang ginawa ni Will kundi ang mag laro..
Kumain..
Matulog..
Maglaro..
Kumain ulit..
Minsan nakakaumay na, hindi kasi tulad sa school na kasama ko lagi ang mga barkada ko na kuya ko na...😁
Mas gusto ko kasing makipagbarkada sa mga mas nakakatanda kesa sa'kin, ayaw ko nang mga kaedad ko lang..
Si Will nga lang ang barkada ko na ka edad ko, I mean barkada ko na, kapatid ko pa.
Nasa kwarto ako naghihimutok nang biglang patakbong pumasok si Will sa kwarto ko na tila hinabol ng sampong maligno.
"Chan, 'yong amazona andiyan, galit na galit!"
"H-ha!!!"
Gulat kong tanong kay Will, si Jaynnie ang tinutukoy niyang Amazona.
"Sabihin mo tulog ako.. Dali"
'Di pa nakalabas sa Pinto si Will ay malakas na katok na ang sumalubong sa kanya, nag sign naman ako na tumahimik siya.
"Chandrex Edward lumabas ka diyan!!!!" Sigaw ni Jaynnie sa labas, alam kong galit na siya dahil nabibigkas na niya nang bou ang pangalan ko, as in Chandrex Edward.."huwag ka ng magtulog-tulugan dahil alam kong gising kayong dalawa! Kung ayaw mong mas magalit ako sa'yo buksan mo 'to!"
"Tol, labasin mo na ang mapapangasawa mong dragon" bulong ni Will sa'kin."hindi mo pa asawa eh ina-under ka na" wika niya ulit nang may pa bulong-bulong pa..
"Bubuksan mo o bubuksan mo Chandrex, bibilang ako ng lima 'pag hindi mo pa 'to bubuksan sisipain ko talaga 'to!!! Isa!!!!"
Hindi pa siya tapos magbilang ay binuksan ko na, nakabusangot ang mukha ko, habang si Will nagtatago sa gilid ng kama.
"Ano bang ugali 'yan? Ang yaman-yaman mo ugaling kalye ka!" Asik ko sa kanya na nakasimangot pa.."bakit ba?" May halong inis ko pang tanong sa kanya.
"Ano naman ngayon? Eh ang tagal mong buksan! At isa pa hindi ka nag rereply sa mga chat at text ko!"
Nanlaki ang mata ko, nagtext ba siya? Kahit kelan napaka sungit talaga nang babaeng 'to, 'di ko ma gets ugali niya, malala pa kay ate gray.
"Hoy Chandrex, baka nakakalimutan mong may usapan tayo ngayon!! Wala kayong family day dahil wala naman sila ate Gray.. At may usapan po tayong magkikita tayo!!!"
May usapan kami na lalabas? Teka kailan? Inisip ko talaga kung nag-usap ba kami na magkikita kami.. Isipin mo C.e isipin mo..
Maya lang..
😳<<<ako..
Naalala ko nga...
---------FLASHBACK-------
"Jaynnie wala kaming family day sa Saturday at Sunday dahil wala si ate Gray, mamasyal tayo gusto mo ba 'yon?"
Napatingin muna siya sa akin na masayang-masaya, makikita mo talaga sa mukha niya ang gulat at tuwa.
"Talaga C.e? Ipapasyal mo ako?" May kislap pa sa mata niyang wika.."hindi ka ba nagbibiro? As in sure?"
Paniguro pa niya, na akala mo ay hindi ako nagsasabi ng totoo..
BINABASA MO ANG
THE SAVAGE QUEEN
Teen FictionSeñorita Lady Margaretta Grayzella Monteclaro-Aragon, A daughter of a multi-trillioner. A señorita, A Lady, A princess, A queen, but she is Savage. She was born with a gold and silver spoon with her mouth, she has everything, she was born under the...