EPISODE 4 PAGE 19- Starting with the First

604 27 1
                                    

PHOENEX'ˢ POV

Masaya akong malaman na anak ko si Phoen, walang pagsisidlan ang tuwa at saya ko, dahil sa wakas nakilala ko na siya.

Ang problema lang, untill now hindi pa ako napapatawad ni Gray, at hindi ko naman pinipilit. Masaya na ako na pinakilala niya ang anak ko at hindi pinagkait sa akin.

Dito na ako natulog sa bahay ng mga Aragon, ayaw ko pa sana pero nakiusap ang anak ko na dito na lang at wala na akong nagawa pa.

"Daddy, why are you separating mommy's room?"

Tanong nang anak ko, nagkatinginan kami ni Gray, kasalukuyan kaming nasa room ni Phoen para patulugin siya.

"Baby, Daddy and Mommy are not in good term this time, I hope you understand"

"I do mommy, but I will pray everynight that, I hope you and Daddy get along well, so that we can all be happy."

Napangiti ako saka hinawakan siya sa pisngi at hinalikan.

"Don't worry Baby, Daddy will make a way for Mommy and me to get along"

Napangiti naman ang anak namin, hinawakan niya ang kamay ko at pinatong sa kamay ni Gray.

"Mommy, I hope you open your heart for Daddy, if you forgive him, I hope you don't delay."

------------

Kinabukasa maaga ako nagising para magluto, napapangiti ako sa nangyari kagabi, do'n kami nakatulog sa kwarto ng anak namin, at hanggang ngayon tulog pa rin ang dalawa.

"oh, hijo ang aga mo naman nagising?"

"Good morning Tita, Tito... kain na po kayo, ako po naghanda niyan."

Napangiti naman ang mag-asawa saka umupo, tinulungan ko si Tita na umupo, nagpasalamat naman siya.

"Good morning Mom, Dad.."

Pagbati ng mga kapatid ni Gray kay Tito at Tita, saka napatingin sila sa akin.

"Good morning Sir Buenaflor"

Bati sa akin ni Jeyhon, habang si Will, si C.E at Lourd nakatingin lang din sa akin.

"Good morning young masters, maupo na po kayo at kumain."

Napatingin naman si Lourd sa inihanda kong pagkain, saka tumingin ulit sa akin.

"Dad, I'll go ahead... sa office na ako kakain"

Wika niyang sabay halik sa mga magulang at lumabas na, naiintindihan ko ang damdamin niya..

"Ako kakain ako" wika ni jeyhon sabay lingon sa mga kapatid."Kayo? hindi ba kayo kakain? ako ang maghahatid sa inyo ngayon kasi wala ang driver n'yo, kung ayaw ninyo hintayin n'yo na lang ako sa sala."

"May sinabi ba kaming hindi kami kakain? hindi naman kami si Kuya Lourd noh."

Wika ni C.E sabay upo, sumunod na lang din si Will.

"Tumigil na kayo, kumain ang kumain" wika ni Tito."hijo, Phoenex kumain ka na..."

Magsasalita pa sana ako ng parating na ang mag-ina ko, nakaligo na din silang dalawa.

"Good morning Lolo, Lola!" Wika ng anak ko sabay halik kay Tita at Tito.."Good morning Tito C.E, Tito Will at Tito Jeyhon" sabay halik sa mga Tito niya saka sabay takbo sa akin at humalik.
"goodmorning Daddy."

"Goodmorning baby."

Pagkahalik niya ay binati na niya lahat ng tao sa bahay, pati mga body guards ng magkakapatid.

THE SAVAGE QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon