PAGE 23 - LOVE IS IN THE AIR

913 33 0
                                    


"Hi babe, I'm happy nandito ka, I miss you.."

Nagulat ako sa yakap na 'yon, dahil akala ko 'yong lalaki naman na nagkamali na 'yon kanina, pag lingon ko...

"Phoenex?"

MARGARETTA's POV

Nagulat talaga ako nang makita ko si Phoenex na yumakap sa akin. Hindi ko 'rin maintindihan minsan ang lalaking 'to... Wait 'di kaya nagkamali 'din 'to?

Sa inis ko tinulak ko siya, baka kasi nagkamali nanaman siya mapahiya pa ako buti na 'yong maunahan ko 'di ba?

"B-bat ka ba nangyayakap?"

Napabitaw siya sa'kin, napangiti at naupo sa harap ko, sabay buntonghininga at hawak sa kamay ko, ako naman napatingin lang sa kamay niya.

"My beloved's head is hot again, I just miss you baby girl"

Nangunot ang noo ko, ano daw baby girl? Hindi kaya pinagtitripan lang ako nitong mokong na 'to.

"Kanina ka pa ha, babe, baby girl,  my beloved, (inis) kung pag-titripan mo lang 'din naman ako tigilan mo na ha, umayos ka"

Napangiti siya, saka tumayo at niyakap ako, hinalikan ako sa tuktok nang ilong ko.

"Baby girl naman talaga kita, may iba pa ba akong baby girl aside sa'yo?".

Niyakap niya ako ulit, hinawakan ko ang noo niya baka kako may lagnat at nag-ha-hallucinate kaya nag kakaganito, napangiti naman siya saka tinanggal ang kamay ko sa noo niya at hinalikan habang nakatingin sa'kin, juskolourd ang puso ko please, saklolo mga dyosa nang Manila Bay...

"Wala akong lagnat baby girl, pero may sakit ako dito.."

Nilagay niya ang kamay ko sa tapat nang puso niya, nangunot naman ang noo ko.

"May sakit 'to kagagawan mo"

😳 << mukha ko..

At naging kasalanan ko pa ngayon, sa inis ko tinampal ko siya sa balikat na ikinatawa lang niya, He is so handsome, his smiles, his eyes, his lips, are so beautiful.

"Simula no'ng mag-date tayo baby girl, hindi na ako makatulog, lalo na no'ng nag-kiss tayo."

Sa gulat ko sa sinabi niya tinampal ko siya sa balikat niya, natawa nanaman siya, even though he was smiling, his heart was still very cold.

I can see in his eyes how cold his heart is, kahit na nakangiti siya, makikita mong malungkot siya.
Niyakap niya ako ulit saka hinalikan sa noo.

"I miss you baby girl, so much"

--------------

PHOENEX POV

Naglalakad ako sa Manila Bay nang matanaw ko ang hindi ko inaasahang makita, si Gray, himala na ang isang anak mayaman nasa Manila Bay, nagulat ako nang may yumakap sa kanya, nang mapalingon siya nagkagulatan pa sila, at payuko-yuko 'yong lalaki na tila nag so-sorry..

Sorry-sorry ka pang mokong ka, nayapos mo na nga, lokong 'to.

Tinitigan ko siyang mabuti, shes beautiful, a woman with a tough character but with a soft heart.

Nakatayo siya at nag mumuni-muni, nakapameywang pa. Habang tinitignan ko siya naaliw ako, ewan ko bakit? Pero feeling ko namimis ko siya, hindi ko 'rin maintindihan.

Lumapit ako sa kanya, saka niyakap siya sa likod, alam ko nagulat siya.

"Hi babe, I'm happy nandito ka, I miss you"..

THE SAVAGE QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon