EPISODE 4 PAGE 4 - MY SUITORS

542 17 0
                                    


MARGARETTA'ˢ POV

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng katok sa pinto ko, sino ba 'to? Ngayon nga lang ako nakatulog ng maayos.

Tumayo ako na inaantok pa, naghihikab pa ako, binuksan ko ang pinto at ang bumungad ay si C.E at Will na mga naka Uniform.

"Bakit ba?" inaantok ko pang wika sa kanila.

"Yung manliligaw mong si Astloch andiyan, chinese ba 'yon? Ang aga ei"

"A-ano? Sino?" inaantok ko pang wika, at tila wala pa sa sarili.

"Si Astloch ate andiyan sa baba hinahanap ka." wika ni Will

Saka lang ako natauhan sa sinabi ni Will, sino? Si Astloch? Lintik na 'yan at bumalik nga..sana naman walang dalang water lily ang mokong na 'yon, at bakit ang aga naman, anong oras na ba?

"A-anong oras na ba? Bakit ang aga niya?"

"Alas-sais pa lang ate, kaya nga tinatanong ko kung chinese ba 'yon kasi ang aga." wika ni C.E na nakasimangot."S'ya aalis na kami, baka ma late na kami."

Sabay baba ng dalawa, ano ba naman 'tong lalaking 'to ang aga naman.. tinawagan ko si yaya Pening sa intercome at sinagot naman agad niya.

"Yaya pakisabi do'n sa bisita na tulog pa ako"

Pagkawika ay binaba ko na ang intercome at nahiga muli, ayaw ko na may umaabala sa pagiging sawi ko, gusto ko mapag isa.

-------------

Masaya akong bumaba, tinanghali ako nang gising ah, hindi ako papasok ngayon kasi broken nga ako.

Binilin ko na sa mga pinagkakatiwalaan ko ang mga negosyo ko, at nauunawaan naman nilang broken ako.

"Good afternoon maam, nasa dining area po ang mga magulang n'yo."

"Salamat Ate Tina," wika ko kay ate Tina, nang makita ko sa labas ang mga guards ko."Kumain na ba sila?"

"Yes maam pinakain ko na po sila".

Tumango lang ako at pumunta na sa kusina, at nanlaki ang mata ko kung sino ang nando'n..

Astloch? Bakit nandirito ang lalaking 'to? Hindi ba ito umalis kanina?.

"Hija anak, hali ka na.. sumabay ka na sa amin."

Habang papalapit ako sa lamesa nakatingin ako sa kanya na nakasimangot, habang siya nakangiting nakatingin sa akin.

"Wala bang food sa inyo at nakikikain ka dito?"

"Anak" saway naman sa akin ni mommy at daddy, pero siya nakangiti pa rin.

"Mas masarap kasi magluto si Tita Cassy kaysa mommy ko at sa mga katulong namin."

Wika niya, at naupo ako sa tabi ni mommy katapat niya.

"Why don't you tell your mom to go to culinary school para matuto siyang mag luto nang hindi ka na makikain dito sa bahay namin."

"Gray, anak" saway ni mommy sa akin.

"Okey lang tita, sanay na ako kay Gray, I know how out spoken she is."

Wika niya, napataas lang ang kilay ko sa sinabi niya.

"Yaya pening pakitimplahan nga po ako nang kape."

"Yes young madam"

Pagkawika no'n ay binalik ko ang tingin sa mga pagkain, kumuha ako ng bread, bacon, hot dog at egg saka nilagay sa plato ko, mayamaya lang nilapag na ni Aling Pening ang kape ko. Humigop agad ako.

THE SAVAGE QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon