Page 22 - A date

939 32 0
                                    

MARGARETTA's POV

Mag aalas syete na nang tinawag ako ng katulong namin, andiyan na daw ang sundo ko, nakailang ikot pa ako sa salamin bago lumabas.

Naka black gown ako na may hanggang hitang slit, may gwantes ako at dala ko ang red bag na LV ko.

Suot ko 'din ang pinakamahal kong shoes, syempre bobonggahan ko talaga para naman hindi nakakahiya sa kanya.

Pagbaba ko nang hagdan nakita ko na siya, swerte ako kasi wala ang mga bakulaw ko na kapatid.

Nakatulala siyang nakatingin sa'kin, lihim naman akong nakangiti. Gano'n na ba talaga ako kaganda para maglaway siya ng ganito?

"Am I taking too long to fix?"

Nabawi niya agad ang pagkatulala at sinabing hindi naman siya nag-antay ng matagal.

"Shall we?"

Inaya na niya akong umalis, inalalayan niya akong makababa sa hagdanan, at sinabihan ko ang katulong namin na baka gabihin ako.

Inalalayan niya ako hanggang sa sasakyan, pinagbuksan ng pinto at saka pa siya sumakay. Bago pinaandar ang sasakyan ay napatingin muna siya sa'kin.

"You're beautiful"

Napatingin naman ako sa kanya, as in? Ngayon mo lang nalaman? Samantalang ara-araw naman akong maganda.. Pero dahil hindi naman ako "humble" pag dating sa kagandahan, ang sagot ko lang sa kanya ay..

"I know, since birth"

Kaya napangiti na lamang siya, saka pinaandar ang sasakyan, mahaba-haba 'din ang biniyahe namin, hangang makarating kami sa isang magarang restaurant sa loob nang isang five star Hotel sa makati.

Nang makapag park kami, nauna siyang bumaba saka pinagbuksan ako, infearnes ha, napaka gentlemen niya, nakaka touch naman.

"Shall we, my lovely Lady?"

Napatingin lang ako sa kanya saka humawak ako sa braso niya, inalalayan kami ng waiter na makaupo sa table na pina reserve niya

"Ang ganda dito"

Wika ko, saka napatingin sa kanya na may ngiti.

"Yeah, just like you"

Simpleng banat niya, napangiti naman ako ng lihim, ang cute niya talaga sa totoo lang.

Nagserve na nang mga foods ang waiters at with lovesong music pa... "Ive fallen for you pa"

"Shall we dance babe?"

Saka inabot niya ang kamay niya, babe? Tama ba 'yong narinig ko? Syempre hindi na ako nagpakipot pa, inabot ko 'yong mga kamay ko sa kanya at inalalayan niya akong pumunta sa harap.

Nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya, saka 'yong kamay niya sa beywang ko, subrang lapit namin sa isat-isa habang dinadama ang music.

Bakit ito ang napili niyang music? Mahal na ba niya ako? Ano ba ibig sabihin nito? Nakatitig siya sa'kin habang sumasayaw, ang mga tingin niyang kahit sinong babae kayang tunawin.

I can't explain what I feel right now, I don't know where I will be thrilled, whether in the music or in his stares.. This is the only man in the world who can weaken my knee, that can melt my heart.

Subrang lapit nang mukha ko mga besh, half nang one inch mahahalikan na niya ako, ano ba naman 'to mga Fairy, itulak n'yo na.

"You have the best lip I have ever seen"

THE SAVAGE QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon