the youngest in the family, naughty but sweet, he is like a baby in the family.
He is good in dancing and singing.
CHANDREX's POVHello, ako si Chandrex, bunso ako sa pamilya, katunayan lahat naman sila malapit sa akin pero minsan may sarili talaga akong mundo na ako lang minsan nakakaintindi.
Pag walang pasok madalas ako nasa entertainment room ko, do'n ako nag-iinsayong kumanta at sumayaw, wala naman akong balak mag-artista, nakahiligan ko lang.
"Chandrex!!!! Where are you!!!"
Kilala ko na ang boses na 'yon, kahit 'di ko nakikita kilala ko na kung kanino, hindi ko talaga alam kung saan pinaglihi 'tong si ate Gray.. Palagay ko sa sama ng loob.
Lumabas ako para tignan siya, ano kaya ang kailangan nito at bakit hinahanap ako?
"Bakit? Sigaw ka nang sigaw diyan"
"I've looking for you in the entire house, dito lang pala kita makikita"
Napailing na lang ako, bakit ba ang maldita nitong babae na 'to?
"Kung wala ako sa school may iba ka pa bang alam na p'wede ko puntahan maliban dito?"
Babatukan niya sana ako kaso nakaiwas ako, napaka maldeta talaga nitong babaeng 'to, iwan ko lang kung may magkakagusto sa kanya..
"Sa barkada mo..(rolled eyes) Ive looking for you because dad said I need to inform you that you need to prefer tonight, were going to the party.."
Aalis na sana siya pero nahinto pa, ano nanaman kaya ang sasabihin nito.
"And dad said wear your proper clothes, i mean formal wear okey"
Umalis na siya, alam ko naman noh kung ano ang isusuot, party 'yon alangan ba namang mag hiphop ako..kaloka.
------------
Naging abala kaming lahat sa pag aayos nang mga sarili namin, para sa party na dadaluhan namin.
Nang makababa na ako nakita kong handa na ang mga kapatid ko at ang ga-gwapo nila. Suot ko ang bago kong bili na damit , naka all white ako.
"Bilisan mo at aalis na tayo"
Umalis na kami, si Gray may sarili siyang sasakyan, ako naman at si Shore iisa lang ang sasakyan, si Min, Lourd at si Shire nag pasyang mag iisang sasakyan lang sila.
Nauna na ang aking mga magulang sa party. Habang nasa byahe kami tahimik lang kami, bakit itong si Shore pa ang nakasabay ko diyos ko naman napaka tahimik.
"Shore, kilala mo ba 'yong Jessie Perez? 'Yong madalas i-bully nang mga babae do'n sa school?"
Napatingin naman si Shore sa akin na wala man lang expression ang mukha.
BINABASA MO ANG
THE SAVAGE QUEEN
Genç KurguSeñorita Lady Margaretta Grayzella Monteclaro-Aragon, A daughter of a multi-trillioner. A señorita, A Lady, A princess, A queen, but she is Savage. She was born with a gold and silver spoon with her mouth, she has everything, she was born under the...