Hindi matahimik ang isip ni Jayson. Iniisip niya kung kasama ba ni Mickey ang kanyang kapatid. Gusto man niyang balikan ito kung saan sila nagkahiwa-hiwalay hindi niya magawa. Ayaw niyang iwan sina Gemma at Jenny sa gusaling kinaroroonan nila.
"Ate natatakot ako," ani ng batang si Jenny na napasiksik kay Gemma.
Kung hindi lang naging maagap si Jayson siguro isa na rin sina Gemma at Jenny sa mga infected. O baka nga pinagpyiestahan na ang katawan ng mga ito. Magkasama ang dalawa ng palibutan ng maraming infected. Patakbo niyang tinungo ang mga ito. Gamit ang lakas at matalas na jungle bolo na nadampot niya sa may halamanan ng isang mayamang may-ari ng malaking mansion. Nagawa niyang pabagsakin ang mga ito na gusto sanang maging hapunan ang dalawa.
Kung tuluyan siguro siya na naging isa na rin sa mga ito noong makagat siya sa kamay ng tinutulungan niya sina Dane at Mickey na maisara ng maayos ang gate upang hindi sila mapasok. Ano kaya ang mangyayari sa dalawa? Mabuti na lamang alam ni Mickey ang gagawin kung kaya't nailigtas siya mula sa panganib.
Awang-awa siya para sa bata ng mga tagpong iyon habang pinapatahan ito ni Gemma sa pag-iyak. Matinding takot at labis na pangungulila ang pinagdaraanan nito. Lalo pa nga't isa na rin sa mga infected ang magulang nito at apat na kapatid. Ito lamang ang nakaligtas. Nailigtas ito ni Mickey, kahit alam nito na may nakaambang panganib hindi ito nagdalawang isip na sagipin ang batang si Jenny.
Iniisip rin ni Jayson kung ano nang nangyari sa magulang nila ni Stuart at tatlo pang kapatid na nasa Vigan, Ilocus Sur. Sa lalawigan ng Rizal nila naisipang mag-aral dahil sa mura lamang ang bayarin ng kursong kinuha nila dito. At isa pa sa mga dahilan niya, gusto niyang mailayo ang kapatid mula sa kanilang ama na lagi na lamang itong binubugbog ng walang malalim na dahilan. Alam niyang adopted lamang ito at hindi niya ito totoong kapatid. Kahit ganoon pa man gusto niya itong maprotektahan mula sa ama dahil napamahal na sa kanya ito ng husto.
Simula ng kumalat ang virus sa Pilipinas hindi na niya matawagan ang kanyang magulang at mga kapatid. Kung isa na rin ito sa mga infected wala naman siyang magagawa. Isaid man niya ang lahat ng luha wala na rin namang mangyayari. Ang kailangan niyang gawin ngayon hanapin sina Stuart at Mickey. Gusto na rin niyang sabihin sa kapatid ang matagal ng lihim tungkol sa totoong pagkatao nito.
Kapag lumiwanag saka siya kikilos. Iiwan muna niya sina Gemma at Jenny sa gusaling kinaroroonan nila. Mas ligtas ang mga ito roon. Hindi maaaring isama niya ang dalawa. Maraming mga infected ang pagala-gala sa labas. Mahina pa naman ang loob ni Gemma. At kasalanan pa niya kung malagay ang mga ito sa alanganin.
Puro paninisi ngayon ang tumatakbo sa kanyang kukuti. Kung hindi lang sana naging hambog si Johnny. Maaga pa sana silang makakatawid sa C-6 kung saan hindi pa sana gaanong kadelikadong dumaan. Mabuti na lamang hindi sila gaanong nasaktan. Galos lamang sa kaliwang braso ang natamo niya.
Napatingin siya kay Gemma na pinapatulog ang bata upang kahit paano sandali nitong makalimutan ang takot na naghahari sa damdamin. Napansin niyang nagpunas ng mga luha ito. Hindi niya alam ang dahilan ng pagtulo ng mga luha nito.
Nilapitan niya ito.
"Makakaligtas tayo Gemma. Hindi tayo magiging isa sa kanila," pagpalalakas niya ng loob rito.
"Natatakot ako Jayson. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya nating itagal sa sitwasyong ito," anito.
"Wag mo na munang isipin ang tungkol sa bagay na iyon. Magpahinga ka na muna. Bukas din pagliwanag hahanapin natin ang iba pa nating mga kasama."
Nagbago siya ng pasya. Isasama na lang niya ang dalawa. Maghahanap sila ng sasakyang gagamitin. Marunong naman magmaneho si Gemma. Siya, hindi niya iyon kayang mapatakbo gamit lamang ang isang kamay.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...