Chapter 9

109 4 0
                                    

Napasigaw si Mickey. Panaginip lang pala ang lahat. Nagising din si Soo-hee sa bigla niyang pagsigaw.

"A-Ano bang nangyayari sayo Mickey?" nag-aalalang si Soo-hee.

Sa halip na sagutin ang dalaga inilinga niya ang paningin sa loob. Wala siya sa storage room.

Tumingin siya kay Soo-hee. "Kailangan na nating umalis."

Tumayo siya at nagtungo sa may bintana. Dumungaw siya at nilibot ng tingin ang buong paligid sa labas. Wala na siyang nakitang nakaambang panganib. Sumisikat na rin ang araw sa Silangan.

"Aalis na tayo rito," muling sabi niya at kinuha ang bag. Isinilid ulit niya ang mga gamit na ibinuhos niya sa sahig.

"Ano ang mga 'yan?" turo nito sa mga syringe na hawak-hawak niya at ilang piraso ng painkillers.

Hindi siya sumagot, nagpatuloy lamang siya sa ginagawa. Pagkatapos, tinungo niya ang pintuan upang alisin ang mga inilagay niyang harang roon.

Hinawakan niya ang kamay nito at hinila palabas ng silid.

Halos bumaliktad ang sikmura nila sa mga nakita. Mga nagkalat na kapirasong laman ng tao. Nagkalat rin ang maraming natuyong dugo sa buong paligid. Doon lang niya napagtagni na hindi mga infected ang kumalabog ng pinto kahapon kundi ang mga taong humihingi sana ng saklolo sa kanila.

Hindi mapigilan ni Soo-hee ang mapaduwal.

"Tama na 'yan!" saway niya dito. "Tayo na at baka mapansin pa tayo ng mga infected." Hindi pa rin tumitigil ito sa pagduwal.

Bago nila nilisan ang gusali nagtungo muna sila sa storage room upang kumuha ng mga pagkaing canned goods at mga biscuits.

Hindi pa man sila gaanong nakalalayo ng mapansin sila ng mga infected. Nag-uunahan ang mga ito patungo sa kanila.

Hinila niya ang kamay nito at tumakbo sila ng marahan. Hawak naman niya sa kaliwang kamay ang di niya mabitiwang baseball bat.

"Mickey!" sigaw nito ng maabutan sila ng isang atletang infected na magaling sa larangan ng pagtakbo noong wala pang pandemyang kinakaharap ang buong mundo.

Sa halip na si Soo-hee ang atakihin nito siya ang pinunterya. Nagpangimbulo silang dalawa upang di siya makagat.

"Soo-hee takbo! Iligtas mo na nag sarili mo!" sigaw niya ng makita ang di mabilang na infected na malapit na sa kanila.

Hindi ito kumilos upang iwanan siya. Gulong-gulo ang isipan niya kung ano ang gagawin.

Akmang kakagatin siya ng infected na nakadaghan sa kanya nahawakan niya ang buhok nito at inilayo sa kanyang leeg. Napapangiwi siya. Naglalaway ang infected dahil sa pagkaing hindi nito magawang lapain.

"Hindi kita maaaring iwan, Mickey!" Tinangka siyang tulungan nito ngunit bigla itong hinatak ng mga infected na nakalapit na sa kanila.

"Aahhh..." sigaw ni Soo-hee ng kagatin ito sa leeg.

"Hindiiiiii!" malakas na sigaw niya.

Nanggigil na ipinasok niya ang dalawang hintuturo sa mga mata ng nakadaghang infected sa kanya. Bumaon ang kanyang daliri sa mata nito. Itinulak niya ito ng malakas.

Madali niyang kinuha ang baseball bat na nasa tabi lang niya at tinungo si Soo-hee na pinagtutulungan ng mga infected.

Patuloy ito sa pagdaing at pagsigaw.

"Go to hell!" sigaw niya at isa-isang hinatawan ng palo sa ulo ang mga infected na nakapaligid kay Soo-hee.

Huli na siya upang masagip ito. Dalawang kagat sa magkabilang leeg ang natamo nito, isa sa braso at binti. Patuloy sa pagsirit ang dugong nagmumula sa mga sugat nito. Naghihina na rin ang buong katawan nito dahil ang virus na nakapasok sa katawan nito ay unti-unti ng kumakalat sa buong katawan nito.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon