NANATILING mahinahon ang bawat tao sa nakalipas na mga araw. Pinaghahandaan na nila ang mga maaring mangyari sa kanila. Ang ibang mga kalakakihan ay tinuruan nina PA Zein Dee Han at mga kasama niyang kapuwa sundalo kung paano humawak at gumamit ng baril. Mas mabuti na ang nakahanda sila kaysa sa hindi. Hindi lamang ang mga buhay na bangkay o zombie ang maaaring kalaban nila. Maging man ang pangkat nina Heneral Jackson.Ang mga bata naman, inipon nila lahat dahil ito ang una nilang ililikas kapag nagkagipitan na. May ligtas na lugar na nahanap ang iba pa niyang mga kasamahan malapit lamang sa lugar na kanilang kinaroroonan. Nilalagyan na ito ng mga proteksiyon mula sa mga zombie.
Nais din niyang alamin sa iba pang kasama ni Mickey na nakatakas mula sa mga pamamatyag ng mga sundalo ni Hen. Jackson kung nasaan ang kanyang pamangkin. Kailangan niyang maunahan ito na mahanap sina James, Soo-hee at Dane.
Ang ilang mga kababaihan naman nakiusap sa kanya na kung maaari ay isama sila sa pagsasanay. Sa pagnanais ng mga ito na makatulong ay pumayag siya.
Sa kanilang pursigidong paghahanda mas lalong lumakas ang mga nawawalan ng pag-asa at pinanghihina ng loob. Hindi nila ito ginagawa para lamang sa pansariling kapakanan. Kundi ginagawa nila ito upang magligtas ng mga buhay.
Ang kaibigan niyang si 2nd Lt. Liro James Macaraig, nagkitang muli sila. Nais alamin nito ang kanilang kalagayan lalo na ng malaman nito na napasok na ng virus ang kalakhang bahagi ng Cam. Norte at Cam. Sur. Naiwan naman si Capt. Levi Carpio sa isla ng Catanduanes.
Sa mga kabundukan dinala ng mga paa si Liro James pagkatapos ng pagkikita nila ng kaibigan niyang si Zein. Ang lugar kung saan doon nila pansamantala ililikas ang mga tao. Habang malayo pa ang virus sa lugar na kinaroroonan nila inumpisahan na nila ang paglilikas. Ang ibang ayaw iwanan ang kanilang mga bahay hindi nila pinipilit. Wala naman silang magagawa sa naging pasya ng mga ito. Ang ibang natatakot para sa kaligtasan ng kanilang pamilya hindi na nagdalawang isip. Ang lugar sa kabundukan ay nababakuran ng mataas na cyclone wire at kapag gumipit na ang kalagayan saka lamang nila bubuhayin ang kuryente upang maiwasan ang may mapahamak. Ang sa iba hindi na mahalaga para sa kanila ang mga naiwang bahay at mga kagamitan. Makukuha din naman nila ang mga ito kapag nasugpo na ang virus. Pero ang buhay nila ay iisa lamang at di na mapapalitan.
Hindi naging suliranin ang pang-araw-araw na pagkain dahil ang mga itinagong bigas at palay noon sa pamumuno ng Heneral ay kanilang sinamsam. Kahit napasok na ng virus ang kabuuang lupain ng Cam. Norte nagawa pa rin nilang makuha ang mga bigas at palay.
Dahil sa maraming palayan sa paligid ng kabundukang pinangangalagaan ngayon ni 2nd Lt. Macaraig nagtanim ang mga tao ng palay upang hindi sila kapusin sa bigas.
Hindi naranasan ng mga tao ang diskriminasyon sa ilalim ng pamumuno nina PA Zein Dee Han at 2nd Lt. Liro James Macaraig. Ngunit malungkot sila. Saksi sila sa di mabilang na mga pagpatay sa mga inosenteng tao sa utos ng Pangulong Mondragon. Naging sunod-sunuran sila dito. Para bagang mga ipis o daga lamang kung ipapatay nito ang mga hinihinalaang infected kahit hindi naman talaga. Ngayon lamang nila napatunayan na maaari din pala silang magsarili kahit walang pangulong inaasahan. Maaasahan nga ba ang kanilang pangulo?
Sa ngayon, kailangan nilang malaman kung nasaan sina Mickey at mga kasama nito sa mas lalong madaling panahon.
Ang dalawa pang kasama nito tiyak na maaaring alam ng mga ito kung nasaan sina Mickey. Ngunit hawak ang mga ito nina Steven. At possible ring gamitin ang mga ito laban kay Mickey.
Isa pa sa inaalala ni Zein, si Jamaica. Ang anak ng kanyang kapatid na babai. Hindi pa alam nito na buhay ang anak. Tama! Pupuntahan niya ang mga kapatid. Kailangan ipaalam niya sa mga ito ang kalagayan ng mga anak.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Ciencia FicciónAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...