Chapter 39

44 5 1
                                    

NAPAHINTO sa pagmamaneho si James ng makitang putol ang tulay patungong Camarines Norte. Maging ang ilang sasakyang nakasunod sa kanila. Malawak ang ilog upang makatawid sila sa kabila kung susuungin nila ito. Wala silang makitang ibang paraan kung paano makatatawid kundi ang suungin ang malawak na ilog. May kalaliman ang ilog ngunit kailangan nila iyong gawin.

Kinuha at kinarga niya si Jungsoo. Samantalang si Soo-hee naman ay nakahawak sa kanan niyang balikat. Sumunod na rin ang iba sa kanila upang suungin ang malawak na ilog ng Ragay.

Nasa kalagitnaan na sila ng ilog. Hindi naman pala malalim dahil naapakan pa nila ang pinaghalong maliliit na bato at buhangin sa ilalim. Lagpas dibdib lamang ang tubig.

Akala nila ang malawak na ilog ang kahaharapin nilang panganib, hindi pala.

Napasigaw si Soo-hee sa biglang pagsulpot o pag-ahon ng isang infected mula sa ilalim ng tubig. Agad silang inataki ng lalaking infected.

Napabitiw siya mula sa pagkakahawak sa balikat ni James.

Dahil sa hindi na sila naaamoy pa nito si Jungsoo ang pinunterya nito. Sinakmal ito sa leeg. Napasigaw ito at napadaing.

Hindi naman magawang makakilos ng maayos ni James dahil unti-unti silang inilulubog nito na hindi pa rin binibitiwan ang kanyang kapatid.

Kahit anong pilit niyang alis dito hindi nito binibitiwan ang kanyang kapatid.

Nang maamoy ng iba pang mga infected ang dugong tumutulo mula sa tubig, nagsilitawan din ang mga ito at inataki ang mga nasa likuran nila.

Tinangka ng ilan na bumalik ngunit dahil sa mabibilis ang kilos ng mga ito naabutan din sila.

Sila ang mga Swimmer, dahil sa bibihira lamang sila na makatagpo ng taong bibiktimahin, napakabangis nilang kumilos. Mas mabilis pa sila sa mga isda kung kumilos. Sinasamantala nila ang pagkakataon dahil ngayon lamang sila muling makakatikim ng tao.

"Aaahhh!" sigaw ng isang binatilyo ng makagat sa braso at unti-unting inilulubog sa ilalim ng tubig. "Ouch, ouch!" pilit na inaalis nito ang infected na ayaw bitiwan ang braso.

Wala namang magawa ang iba upang daluhan ang binatilyo ng paligiran ito ng mga infected.

Habang abala ang mga ito sa binatilyo sinamantala ng iba ang pagkakataon upang makabalik ngunit gayon na lamang ang sumaklot na takot  sa buong pagkatao nila. Nakaabang ang di mabilang na mga infected sa itaas kung saan nila iniwan ang sasakyan. Karamihan sa mga ito ay mga agressibong zombie.

Sa paglingon nila inataki sila ng mga infected. Kanya-kanya silang diskarte upang isalba ang sari-sariling mga buhay.

"Aaahhh!" sigaw ng isang babae. "H-Helppp..." Kahit humingi man ito ng tulong hindi naman ito pakikinggan dahil sa pare-pareho ang kanilang sitwasyon.

Mas lalo pang dumarami ang mga infected na nasa itaas dahil sa pagtatawag ng ilang Screamer. Sila ang mga zombie na nagtatawag ng mga kasama sa pamamagitan ng pagsigaw nila ng walang tigil.

Ang ibang may baril, pinagbabaril nila ang mga infected na tumatangkang atakihin sila. Ang ilang hindi nagawang maka-alerto ng mabilis ang siyang inataki ng mga ito.

Binabaril ni Zein ang mga screamer upang hindi na ito makapagtawag pa ng mga kasama.

"Aaahhh!" sigaw iyon ni Lita ng biglang may lumitaw sa kanyang harapan na isang matandang babaing infected.

Naging mabilis naman ang mga kilos ni Zein agad na binaril nito sa noo ang infected na akma na sanang kakagatin si Lita.

Unti-unting lumulubog sina James at Jungsoo. Hindi pa rin sila nilulubayan ng infected.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon