Nanlaki ang mga mata ni Stuart ng paglingon niya sa kanyang likuran nakita niyang nakahandusay si Gemma. Naliligo ito sa sarili nitong dugo. Hindi niya alam ang gagawin ng lapitan niya ito at pulsuhan sa leeg. Wala na itong buhay. Sa ulo ito tinamaan na agad na ikinamatay nito. Akala niya makakasama na niya ang dalawang taong mahalaga sa kanyang buhay.Napadapa siya ng biglang magpaputok muli si Sonia. Nabibingi siya sa sunod-sunod na putok ng baril. Hindi siya makaalis mula sa kanyang kinadadapaan.
Ng marinig naman nina Soo-hee, Jamaica, Nickhun at Jelly ang putok ng baril napatakbo ang mga ito sa itaas. Baka nagpapatayan na sina Gemma at Stuart. Naiwan lamang si Dane na hindi kumikibo. Ang batang si Jenny naman biglang nagising dahil sa putok ng baril. Tinakpan nito ang tainga at takot na takot na napasiksik sa kanya. Niyakap naman niya ito.
Ng makita ni Jamaica ang wala ng buhay na katawan ni Gemma galit na binalingan nito si Stuart. Akala nito si Stuart ang pumatay sa best friend nito. Tumigil na rin sa pagpapaputok si Sonia at ang mga infected ang inaasenta nito ng palo gamit ang baril.
Nag makita ni Stuart na magpapaputok muli si Sonia naging mabilis ang mga kilos niya. Pa-dive na tinulak niya pareho sina Jamaica at Jelly upang hindi matamaan. Sa halip siya ang tinamaan sa kaliwang tainga. Mabuti at padaplis lamang iyon. Sina Soo-hee at Nickhun naman napakubli sa likurang bahagi ng dingding sa may pintuan.
"Damn!" daing ni Stuart ng maramdaman ang sakit. "She's crazy!" Nangangalaiti sa galit na sigaw niya.
Akmang lalapitan sila nina Nickhun at Soo-hee pinigilan niya ang mga ito ng makitang nagkasa ulit ng baril si Sonia. Hindi ito titigil hangga't hindi sila napapatay.
Halos basag na ang lahat na salaming dingding.
Nanatili pa rin sila sa pagkakadapa habang wala pa ring tigil sa pagpapaputok itong si Sonia. Nakatalukbong ang mga palad nila sa kanilang ulo.
Ng magkaroon ng pagkakataon ng nilalagyan ng bala ni Sonia ang hawak na baril mabilis ang mga kilos nila. Nagmamadali silang tumayo at bumaba sa unang palapag. Sa isang ligtas na silid sila nanatili.
Hindi talaga titigil itong si Sonia hangga't hindi sila napapatay isa-isa.
"Who is that crazy woman?" tinatamaan na naman ng pagiging Inglesera itong si Jelly.
"Sira na ba talaga ang ulo ng Sonia'ng iyan!" nagngingitngit pa rin sa galit si Stuart habang nakalagay ang isang kamay sa taingang padaplis na tinamaan ni Sonia. "Damn! It's hurt!"
Napatingin si Nickhun sa sugatang tainga ni Stuart. Nagsisimula na namang mag-iba ang kulay ng dugo nito. Agad niyang tinakpan ng puting tela ang tainga nito at niyakag patungo sa isang silid.
"Gagamutin ko lang ang sugat niya," sabi niya sa mga ito ng mapansin ang kakaibang ikinikilos niya.
Mabilis ang mga hakbang nila patungo sa Storage Room.
"Bakit ba lagi na lang kailangan nating itago sa mga kasama natin ang totoong nangyayari sa tuwing masusugatan ako?"
"Dahil kailangan Stuart," tugon niya rito habang nilalagyan ng benda ang sugat nito sa tainga.
"Kanina ka pa Nickhun! Hindi mo sinasabi sa akin ang mga dapat kong malaman!"
Tumingin siya sa mga mata nito. Dapat na bang malaman nito kung ano ang ugnayan nito at ni Mickey sa isa't isa?
"Tulad ng sabi ko sayo, ayokong makialam sa mga bagay na hindi ko dapat maaaring pangunahan."
"Kung tungkol ba ito sa aming dalawa ni Mickey, sabihin mo naman sa akin. Hindi iyong pinapahirapan mo pa ako." Naroon ang pakiusap at pagmamakaawa nito sa kanya na sabihin na rito ang totoo.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...