Stuart's Point of View
UMALIS ako ng hindi namamalayan nina Kuya James upang hanapin ang kakambal ko kahit na walang kasiguruhan na matatagpuan ko siya. Binagtas ko ang madilim at nakakatakot na daan sa labas. Hahanapin ko si Mickey. Kahit sinabi na nga ni Nickhun na buhay si Mickey hindi pa rin ako nakatitiyak. Paano kung... ayokong isipin.
Binalikan ko ang bawat bakas na maaaring dinaanan nina Nickhun kanina. Ang lugar kung saan sinasabing nahulog si Mickey. Ang bawat sulok ng masukal na kagubatan pinuntahan ko. Nagbabakasakaling naroon siya. Ngunit wala akong natagpuan roon maliban sa mga natuyong dugo mula sa mga batuhan. Pinakatitigan ko itong mabuti. Sinusuri kung kanino katulad ang natuyong dugo. Hindi ako maaaring magkamali kay Mickey ang mga dugong iyon.
Hindi ko na ininda kung ilang mga zombie ang nakasagupa ko hanggang sa lumiwanag ang buong paligid. Si Mickey ang nagturo sa akin kung paano alisin ang takot. Kapag pinangunahan ka ng takot, ito ang magpapahamak sa iyo. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakaabot sa kabantang ito.
At ng maalala ko ang kuya Jayson bigla na lamang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko man lang siya nagawang mailigtas. Wala akong kwenta!
Naiinis ako sa sarili ko. Kungsabagay, nalalabi na lamang ang oras namin dito sa mundo. Paliit nang paliit ang tyansang mabuhay pa kami. Habang tumatagal wala na kaming makuhang sapat na dami ng pagkain para sa buong maghapon. Hindi man kami mamatay sa ataki ng mga infected, mamamatay naman kami sa sobrang gutom.
Binalikan ko ang sasakyan upang magpatuloy na magtungo sa Bicol. Daraan ako sa Daet upang doon magbakasakali.
Habang minamaneho ko ang sasakyan, katahimikan lamang ang sumasalubong sa akin. Isang nakakabinging katahimikan. Wala kang ibang maririnig kundi ang ugong ng makina ng sasakyan. Wala kang makakasalubong na kahit anong sasakyan. Maging ingay ng mga tao sa kabahayang nadaraanan ko. Nakakatakot lamang na katahimikan ang bumubungad sa iyo sa daan.
Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo. Dumukot ako ng isa saka sinindihan. Ngayon ko lamang ito gagawin. Pampaalis ng takot na unti-unti na namang umuusbong sa kalooban ko.
Nasaan ka na ba Mickey? Ano ba talagang nangyari sa iyo?
Malapit na ako sa may boundary ng Bicol ng mapahinto ako sa pagmamaneho. Mula sa di kalayuan may naaninagan ako na isang sundalo na nakatayo sa gitna ng kalsada. May hawak itong isang uri ng riffle. At nakatutok sa akin ang baril nito.
Muli kong pinatakbo ang sasakyan upang lapitan ito. Tatanungin ko na rin kung nakita ba nila ang kakambal ko. Habang papalapit ako, nagsilabasan ang iba pa nitong mga kasama. Hindi lang pala siya nag-iisa. Isa, dalawa, tatlo...sampung sundalo na nakahelera ng pantay-pantay sa gitna ng kalsada. Ang hawak na baril ng mga ito nakatutok sa aking direksiyon. Hindi na mahalaga iyon.
Nang malapit na ako sa kanila, pinaputukan ako ng mga ito. Nanlaki ang mga matang naihinto ko ang sasakyan. At bago pa ako tamaan, mabilis akong napakubli sa may ilalim ng manibela. Suwerte na lamang at hindi ako natamaan. Hindi tumigil ang mga ito sa pagbaril sa akin hangga't hindi nababasag ang lahat ng salamin ng sasakyan.
Lumapit sila sa akin ng masigurong hindi ako manlalaban sa kanila. Hawak ko ng mahigpit ang baril. Gusto kong gumanti. Ano bang problema nila?
Tinangka kong lumabas ng tumigil sila sa pagbaril sa akin ngunit bago ko pa iyon magawa kasabay ng pagbukas ko ng pinto ng sasakyan ang siya ring pagtutok ng baril sa ulo ko ng isa sa mga sundalo.
Inutusan nito akong lumabas habang nakataas ang dalawang kamay. Isang malakas na suntok sa sikmura ang natanggap ko mula sa pinaka-lider nila ng makalapit ito sa akin. Halos mapaluhod ako sa sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...