Chapter 50

20 2 0
                                    

"Mickey?" napakunot-noo si Nickhun ng makita niya sa Scar255_Power core sniper rifle si Mickey at ang tatlo nitong kasamang sundalo sa di kalayuan na patungo sa kanila. Nagmamadali siyang nagtungo sa may bukana ng gate upang makasigurong si Mickey nga ang nakita niya.

Patakbo niyang pinuntahan si James ng matiyak niyang si Mickey nga ang naispatan niya kanina.

"James, si Mickey..." humahangos niyang balita rito.

Natigilan naman si James sa ginagawa at napatingin sa kanya.

"Nasaan siya?" May pananabik sa boses nito.

"Sumunod ka," sagot niya rito at tumalikod na upang salubungin sina Mickey.

"Mom, si Mickey buhay nga siya," nasasabik na pagbabalita ni James sa ina sa di kalayuan na nagsasampay ng mga nilabahan nitong damit.

Hindi na niya hinintay pang magsalita ito sumunod na siya kay Nickhun.

Agad na binitiwan ni Lita ang ginagawa ng marinig ang sinabi ng kanyang panganay. Si Woo Young naman ay napalapit sa kanya matapos marinig ang sinabi ni James.

"Nasaan daw ang anak natin?"

"Halika, sundan natin ang panganay natin," pag-aya ni Lita kay Woo Young.

••••••••••

"Si Mickey ba talaga iyan?" gustong makasiguro ni James na si Mickey nga talaga ang nakikita nilang dumarating.

"Oo, siya nga iyan," sagot ni Nickhun sa kanya.

"Si Stuart siguro iyan," alangan niyang sabi.

"Hindi 'yan si Stuart. Si Mickey talaga iyan. Dapat matandaan mo na ang kanilang pagkakaiba ng hitsura. Maputi si Mickey kaysa kay Stuart at laging hati ang buhok niya sa harapan. Si Stuart, ayaw na ayaw nitong natatakpan ang noo ng kanyang mga buhok. Batukan kaya kita diyan! Dapat alam mo ang pagkakaiba nilang dalawa dahil kapatid mo sila!"

"Ang anak nga natin. Buhay ang anak natin! Buhay si Mickey!" natutuwang sabi ni Lita at napayakap kay Woo Young. "Teka, sino ba iyang nakasunod sa kanya?" kinikilala niya kung sino ang sundalong iyon. "H-Hener? Diyos ko, si Hener nga!" Naibulalas niya ng malakas na ikinalingon ni Jonghyun na malapit lamang sa kanila, abala ito sa pagtatanim ng mga punlang kanilang pinatubo katulong sina Jelly at dalawa pang babae.

Iniwan ni Jonghyun ang ginagawa matapos makumpirma na ang kanyang Big Bro nga ang kasama ng kanyang pinsan. Ibig niyang salubungin ang kanyang kuya Hener.

"Sarhento, zombie! Takbo na!!!" sigaw ni Jara kina Hener.

Napalingon naman sila kay Jara kung saan nakasunod rito ang napakaraming mga infected.

Bakit mag-isa na lamang si Jara? Nasaan na ang iba nilang mga sundalong kasama? Pero, teka... hindi ba't ang mga nakasuot ng unipormeng pang-sundalo na mga infected na humahabol kay Jara ay ang mga kasama nila?

"Aaaahhh! Takbo naaaaaa!!!" sigaw ulit nito ng makalapit na sa kanila.

Nag-uunahan na silang lima sa pagtakbo. Nasa pinakahulihan sina Mickey at Hener. Gusto nilang makatiyak na wala ng mawawala isa man kina Shawn, Haruto at Jara.

Dinampot naman ni Nickhun sa pinag-iwanan ang Scar255_Power core at isa-isang pinatumba ang mga infected na malapit na kina Hener at Mickey. Tumulong na rin sina James at Woo Young gamit ang AWP-Brotherhood. Marami na silang napatumba ngunit hindi nababawasan ang bilang ng mga ito sa halip ay dumami pa nga.

"Nickhun, buksan mo na ang dahon ng gate!" utos ni Mickey ng malapit na ang mga ito sa kanila.

Agad namang tumalima si Nickhun at binuksan ang gate.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon