January 6 ng makapasok ang virus sa Pilipinas. Una itong kumalat sa Lungsod ng Makati. Hindi ito agad na naagapan kaya kumakalat na rin ito sa mga karatig na lungsod at mga lalawigan.
Sa isang bayan sa Rizal kung saan nag-aaral ang isang binatang half-Filipino at half-Korean, hindi niya pansin ang panganib na paparating dahil nakatuon ang kanyang atensiyon sa pag-aaral.
Dalawang linggo na buhat ng huminto sa pag-aaral si Mickey Dee Han. Hindi na nagpapadala ng allowance ang kanyang magulang buhat ng Bicol. At sa tuwing hihingi siya sa mga ito naipadala na raw sa kanya. At sa tuwing kukunin na niya sa bangko ay wala namang perang lumalabas mula sa ATM Machine. Napagpasiyahan ng kanyang magulang na huminto na muna siya sa pag-aaral at bumalik na ng Bicol.
Labag man iyon sa kanyang kalooban ay wala naman siyang magagawa. Ang labis na ikinasakit ng kanyang damdamin ang mga sinabi ng kanyang ama na baka nilulustay lang niya sa wala ang mga perang ipinapadala sa kanya. At isa pa hindi naman dito galing ang allowance na ipinapadala sa kanya, galing naman sa kanyang inang si Lita Lim. Hindi na siya nakipagtalo pa sa amang walang pakialam sa kanyang kinabukasan.
Nasa terrace siya, nagpapahangin, kasama ang ilang mga ka-roommate niya sa apartment na kaniyang inuupahan. Bukas din ay uuwi na siya ng Bicol. Nakapagdesisyon na siyang tutulungan na lamang ang ina sa negosyong kanilang pinapatakbo. Saka na niya tatapusin ang naudlot na pangarap.
Katulad niya, huminto na rin ang mga ka-roommate niya sa pag-aaral dahil sa parehong sitwasyon. Hindi pa makapagdesisyon ang mga ito kung ano ang nais na gawin.
Habang nakatingala siya sa madilim na kalangitan may napansin siyang kakaiba. Isang paparating na nakakatakot na lagim.
Napako ang kaniyang paningin sa madilim na bahagi ng kalsada buhat sa di kalayuan. Ng tumapat sa maliwanag na bahagi ng kalsada, sa may poste ng ilaw. Iniluwa mula sa kadiliman ang mga laksa-laksang tao na inaakala niyang nagpuprusisyon lamang dahil anti-bisperas ngayon ng kapyiestahan ng barangay. Nanlaki ang kanyang mga mata ng hatakin ng mga ito ang ilang taong naroon sa gilid ng kalsada na nag-uusyuso. Nakaririmarim ang mga sumunod na senaryong kanyang nakikita.
Ang ilang kasama niya na nakasaksi sa pangyayaring iyon bumaliktad ang sikmura lalo na ng makita kung paano lantakan ng mga infected ang lamang-loob ng mga tao. Nakakahambal ang sigawan ng mga ito.
Nakapasok na ng Pilipinas ang kinakatakutan nilang Z-Virus.
"Oh my God!" natuptop ni Gemma Hally ang sariling bibig ng makita ang senaryong kanilang napapanood sa di kalayuan. Napatakbo ito sa kinaroroonan nila ng marinig ang nangyayaring kaguluhan sa labas.
Ang iba nakiusyuso rin sa kung anong kaganapang ingay ang nangyayari sa di kalayuan. Ang iba sa kanila ay naalarma at natulala sa mga nakikita.
Naalala bigla ni Mickey ang Z-Virus na patuloy na sumisira sa buong sangkatauhan sa pitong kontinente. Ibig sabihin naririto na sa Pilipinas ang naturang virus. At walang nakakaalam kung paano nakapasok ito ng Pilipinas.
"Nasaan si Jamaica?" hanap niya sa kanyang pinsan ng hindi niya ito makita.
"L-Lumabas, may bibilhin raw," si Gemma ang agad na sumagot dahil matalik itong kaibigan ng kanyang pinsan.
"Ano?" naroon ang labis na pag-aalala niya para sa kaligtasan nito. Agad siyang bumaba upang puntahan ang pinsan sa tindahan na katabi lang ng inuupahan nilang apartment.
"Mickey, saan ka pupunta?"
Hindi na niya sinagot pa ang kaibigang si Dane Taylor. Agad na siyang lumabas. Ngunit wala roon sa tindahan si Jamaica.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...