HINDI iniwan ni Zein ang pamangkin hangga't hindi ito nagkakaroon ng malay. Hindi na nga niya ipinaalam kina Lita at Woo Young ang nangyari kay Mickey. Hindi niya namalayan ang oras at nakaidlip siya. Nagising lamang siya ng may banayad na humahaplos sa kanyang buhok at ng iangat niya ang tingin napangiti siya ng makita ang pamangkin na gising na.
"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa ulo mo?" Nag-aalala pa ring tanong niya.
"Ayos lang ako Tito Zein. Si Jung-soo gusto ko siyang puntahan."
"Kapag ayos na ang pakiramdam mo saka natin siya pupuntahan. Sa ngayon mas makakabuti siguro na magpahinga ka muna."
"Ano bang nangyari at naririto ako?"
"Nahimatay ka kanina," tanging tugon niya. Ayaw na niyang sabihin dito kung ano ang naging resulta ng pagsusuri ni Dr. Ji Soo.
Ng bumuti na ang kalagayan ni Mickey pinayagan na itong lumabas. Hinanap agad nito sina Nickhun at James upang sabihin sa mga ito na pupuntahan niya ang kapatid at iba pa nilang mga kasama. Gusto lang niyang makatiyak na nasa maayos ang mga ito. Hindi siya nag-aalala para sa iba, ang inaalala niya ay ang kanyang kapatid at si Soo-Hee.
Sumama sina Lita at Ara sa kagustuhan na rin nina Woo Young at Hener. Maging ang nakababatang kapatid ni Hener ay ipinasama na rin niya. Nagmamatigas pa sana ito na magpapaiwan ngunit ng si Mickey na ang pumagitna pumayag rin ito sa huli. Hindi sila nakatitiyak sa mga susunod na maaaring mangyari. Kailangan nilang maging handa.
Lumakad na sila kasama sina Jelly, Dr. Ji Soo, ang nurse na si Patricia Wu, ang batang si Jenny at si Shawn. Nagpaiwan ang magpinsang Jerecho at Dane. At maging si Jamaica na hanggang ngayon ay hindi kinakausap ni Mickey.
Naging abala na sina Woo Young, Zein at iba pa nilang kasama ng makaalis na sina Mickey. Abala sila sa paglalagay ng mga bomba sa paligid ng de kuryenteng bakod. Ayaw pa rin nilang iwanan ang minsang naging tirahan na rin nila sa maiksing panahon.
Si Stuart ayaw pa sanang sumama ngunit pinilit ng ama na sumama na para na rin sa kaligtasan nito. Lalo na ngayong tiyak nilang alam na rin nina Steven ang tungkol dito.
Bitbit ang ilang armas na maaaring maipandepensa nila sa mga infected kung sakaling may makasagupa sila ay nilisan na nila ang lugar. Babalik rin agad sina James at Nickhun.
Ang pangkat naman nina Hen. Steven ay naghahanda na sa muling pagsalakay ng mga ito. Hindi talaga sila titigil hangga't hindi nila nakukuha ang immune mula sa naturang virus.
Hindi pa man nakakalayo sina Mickey, inatake sila ng mga infected. Sa pagkabigla ng iba nilang kasama hindi maiwasang barilin ng mga ito ang mga infected na patungo sa kanila. Huli na para mapigilan sila.
Mabuti na lamang agad rin nilang napabagsak ang mga ito at wala ni isa man sa kanila ang napahamak. Agad na rin silang umalis bago pa may umatake ulit sa kanila.
"Sa susunod wag kayong gumamit ng baril kapag kaunti lamang ang bilang nila. Mas madali silang ma-attract sa mga ingay kagaya ng putok ng baril," sabi niya sa mga kasama.
"Kaya pala dumarami sila kanina dahil sa naririnig nilang ingay," ngayon nasagot na ang gumugulo sa isipan ni Ara kanina.
"Kumilos na tayo bago pa nila tayo masundan," ani Nickhun.
Marahan silang tumakbo ng marinig nila ang kakatwang ingay na likha ng mga infected mula sa kanilang likuran.
Tumigil lamang sila sa pagtakbo ng masiguro nilang hindi na sila masusundan ng mga infected.
"Magpahinga naman muna tayo sandali," pagod ng si Nurse Patricia.
"Malayo pa ang lalakbayin natin at isa pa maraming mga infected ang nagpagala-gala rito sa paligid. Saka na tayo magpahinga kapag nakarating na tayo sa sadya natin," turan ni Mickey.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...