Chapter 46

19 2 0
                                    

"NICKHUN, nakita mo ba si Stuart?" tanong ni James kay Nickhun ng masalubong niya ito. Kahapon pa hindi sa kanila nagpapakita si Stuart. Hindi maganda ang kutob niya. Ayaw sana niyang isipin ngunit iba ang  tumatakbo sa isipan niya.

"Baka sinamahan lang si Jonghyun sa labas na maghanap ng halamang pinapahanap ni Dr. Ji Soo. Mukhang gumagawa talaga siya ng paraan upang magkaroon na ng lunas sa virus. Hindi umeepekto sa ibang lahi ang dugo ni Mickey, pinipili lamang nitong pagalingin ang mga nahahawaan."

"Ibig sabihin ba niyon wala pa rin talagang lunas upang mapigilan ang virus na patuloy na umuubos sa buong sangkatauhan?"

"Wala pa James," sagot ni Nickhun. "Tingnan mo James, ng makagat si Big Sis, ng makalmot ka at makagat ako, umepekto sa atin ang dugo niya. Ngunit 'yung sa iba na sinubukan niyang sagipin hindi sa kanila umepekto. Kay Jonghyun at sa iba pa na may dugong Korean, umepekto sa kanila. Ibig sabihin lamang nito sa mga dugong Koreano lamang umeepekto ang dugo niya. Sa ibang lahi, wala itong bisa," pagtatagni-tagni niya sa mga nangyayari.

"Paano si Jungsoo?"

"Ligtas siya at marahil magkasama sila ngayon ni Mickey," binuhat ni Nickhun ang isang basket na may laman ng mga tinapay na kanyang binake kanina upang maibigay sa mga kasama. "Maiwan na muna kita," pagpapaalam niya.

Pinuntahan na ni James si Jelly upang alamin dito kung kasama ba talaga ni Junghyun si Stuart. Hindi talaga siya mapapanatag hangga't hindi nakikita ang kanyang kapatid.

Nadaanan niya ang kanyang Tito Zein, sinasanay nito ang mga kalalakihan sa paggamit ng baril. Nilapitan niya ito upang tanungin kung saan pumunta si Stuart.

Hindi rin nito alam.

Maging si Jelly.

Doon na lamang niya sa may bukana ng gate hinihintayin.

Nilibang niya ang sarili sa pagpapatumba ng mga zombie gaya ng ginagawa ng ilan. Tuwang-tuwa siya habang sunod-sunod na napapabagsak ang mga ito.

Ng magsawa, naupo siya sa damuhan. Inilapag niya sa lupa ang baril at napatingin sa kinaroroonan ni Jelly. Kawawa ang mga batang tinuturuan nito sa pagsusulat at pagbabasa. Nawala sa kanila ang kalayaang makapaglaro sa labas ng malaya. Para silang mga bilanggo sa lugar na kinaroroonan nila. Natatakot na lumabas dahil sa panganib na hindi nila alam kung may hangganan pa ba ito. Walang kasiguruhan ang bawat buhay nila.

Itinuon niya ang paningin sa mga zombie'ng nangingisay at nangingitim dahil sa pagkakadikit sa de kuryenteng bakod.

Ang ngiting kanina lamang ay pagkaluwag-luwag dahil sa mga infected na nakukuryente ngayon ay bigla na lamang napunit. Sino ba talaga ang gumawa ng virus upang mawala sa sariling katinuan ang mga tao? Ano ang kanilang plano? At ano ang dahilan nila upang wasakin ang sangkatauhan? Akala siguro nila hindi sila madadamay sa krisis na nagaganap sa kasalukuyan.

Napahinto siya sa pag-iisip ng matanaw ang sasakyan na paparating. Tiyak niya na sina Jonghyun at ang kanyang ama ang dumarating.

Agad siyang tumayo upang salubungin ang mga ito. Ngunit hindi ng mga ito kasama si Stuart. Saan ba nagpunta ang kanyang kapatid?

"Baka magkasama sila ni Soo-hee?" hindi siguradong sabi ni Jonghyun.

Biglang may kung anong kabang bumundol sa kanyang dibdib. Ngunit ayaw niyang isipin.

Walang paalam na nilisan niya ang dalawa. Aalamin lang niya kung tama ang hinala niya.

Tinungo niya ang silid na ginagamit ng kanyang kapatid. Pagbungad pa lamang niya mga sira-sirang kasangkapan ang bumungad sa kanyang harapan. Hinanap niya sa buong paligid ang kapatid, hindi niya ito natagpuan.

Nagtungo siya sa pinagtataguan nila ng mga armas. Napansin niyang wala ang isang baril. Dito na siya nanghinala. Hinanap nga nito ang kakambal.

Agad niyang pinuntahan si Nickhun.

"Si Soo-hee, nasaan?" hanap niya agad dito.

Iniisip niyang magkasama ang dalawa na lumabas upang hanapin sina Mickey at Jungsoo.

"Bakit? Hindi ba kasama nina Jonghyun?" balik nitong tanong sa halip na sagutin siya.

"Lumabas sila Nickhun at sigurado akong magkasama silang dalawa. Kailangan natin silang hanapin."

"Pero, saan? Hindi naman alam natin kung saan sila nagpunta. Hintayin na lang natin na bumalik baka kung saan lang nagpunta," kampanteng sabi ni Nickhun.

"Kahapon pang wala sila Nickhun. Sa tingin mo ba hindi dapat tayo mag-alala sa kanila?

Natigilan si Nickhun. May punto naman talaga si James.

"Mukhang hahanapin talaga nila si Mickey dahil kinuha nila ang ibang baril sa taguan."

"Kuya James, kuya Nickhun nakita ko po si kuya Stuart noong isang gabi lumabas siya dala ang sasakyan at bitbit niya ang astig na MTAR," namimilog pa ang mga mata ng bata habang nagkukwento.

"Si Big Sis, nakita mo ba siyang kasama?"

"Hindi po kuya Nickhun," tugon ng batang lalaki. "Mag-isa lamang na umalis si kuya Stuart."

"Saan na naman kaya nagsusuot ang babaing iyon? Alam naman niyang delikado sa labas."

"Kanina pong umaga habang tulog pa ang lahat lumabas siya. Nagpaalam pa nga siya sa akin ng makita ako, aaliwin lang daw niya ang sarili. Gusto ko nga ring sumama pero ayaw niya."

"Kanina lang ba?"

Tumango ang bata.

"Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin?"

"Mabuti siguro Nickhun hanapin na natin sila," pasya ni James. "Baka kung ano ang mangyari sa kanila sa labas."

"Mabuti pa nga!" sang-ayon din na Sabi ni Nickhun.

A/N: Sa mga hindi pamilyar sa mga baril na nababanggit sa nobelang ito kayo na lang po ang mag-research. Para makita ninyo kung anong uri silang baril. Basta ang astig talaga ng MTAR na baril.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon