Chapter 48

19 1 0
                                    

DUGUAN at walang malay ng dalhin sa kulungan si Stuart kung saan naroon sina Dane, na maraming pasa sa mukha at ang batang si Jenny. Samantalang si Jamaica mas pinili nito ang pumanig sa ina upang hindi silang dalawa mapahamak. Sa labas naman ng kulungan naroon si Rafael, nakatingin kay Stuart at nakangisi. Sa isipan nito isang pagdiriwang ang naghuhumiyaw. Hindi maaaring mabuhay ang mga anak ni Woo Young kay Lita. Kailangan ng mga ito ang mamatay. Isang maitim na balak ang nabuo sa isipan nito. Pagkatapos na mapasakamay na nila si Mickey. Papatayin niya si Stuart. At isusunod niya ang bunsong kapatid ng mga ito. Maging man ang kalaban niya sa puso ni Lita. Bahala na sina Steven kung ano ang gagawin nila kay Mickey. Doon naman ang punta nito- sa isang kamatayan. Isasaid nila ang lahat ng dugo nito sa katawan bilang pangunahing sangkap sa kanilang gagawing lunas. Lilikha sila ng maraming bakuna ayon sa kanilang mga naging plano. At hindi nila ito ipapamahagi sa mga survivors ng libre. Kailangan nila itong bilhin sa napakalaking halaga. Katulad nga sila ng ganid na buwaya sa lamuan. Nasa malalang krisis na nga ang buong mundo pagkasilaw pa rin sa kayamanan ang nasa puso.

Wala siyang pakialam sa gusto ng mga ito, ang sa kanya ay mawala ang lahat ng sagabal sa pagmamahal niya kay Lita.

"Anong ginawa nila sa iyo Stuart?" narinig niyang tanong ni Dane sa walang malay na si Stuart. Gusto niyang matawa dahil parang tanga na kinakausap nito ang taong hindi naman nakaririnig.

Ginagap nito ang likurang bahagi ng ulo ni Stuart. Nanlaki ang mga matang napatingin ito sa kamay na puno ng dugo.

Nakakuyom ang mga kamaong nilapitan ni Dane ang dalawang sundalo na dumala kay Stuart na noon ay palabas na ng kulungan. Hindi magawang makapagdepensa ng dalawa ng atakihin niya ito ng sunod-sunod na suntok.

Isa pang malakas na suntok sa panga ang nagpatulog sa isang sundalo. Kwinelyuhan niya ang isa na ibinalibag niya sa bakal na rehas.

"Anong ginawa ninyo kay Stuart? P*tang *na!" galit niyang sabi na sinamahan pa ng pagmumura.

"H-Hindi ko...alam," ito ang tanging tugon na nakuha niya.

"Anong hindi mo alam?!" gigil na sigaw niya rito. "Kapag may nangyaring masama sa kanya, mananagot kayo! Tandaan ninyo iyan!" galit na galit niyang sigaw dito.

"Si Heneral Steven ang pumalo sa kanya ng walang makuhang sagot kung nasaan si Mickey."

Kumalma si Dane at binitiwan na niya ang sundalo ng marinig ang mga sinabi nito. Napako ang tingin niya sa suot na uniporme nito ng mabasa ang apelyido ng sundalo- J. Taylor. Bakit kaapelyido niya ito?

"Bakit Taylor ang apelyido mo?"

Hinila siya nito sa madilim na bahagi ng kulungan ng mapansin si Rafael na nasa labas.

Anak ito ng kapatid ng ama ni Dane. Kaya ito naririto upang mag-espiya sa mga ginagawa ni Steven sa pag-uutos ni Hener. At sinabi rin nito na halos pabulong lamang na nasa pangangalaga ng mga ito si Mickey.

"Matutulungan mo ba akong lunasan ang sugat ni Stuart? Malalagot tayo nito kay Mickey kung may masamang mangyari sa kanya."

"Kukuha ako ng gamot," agad na tumalima ito upang kumuha ng gamot at pangbenda sa sugat ni Stuart.

At ng makabalik si Jerecho Taylor dala na nito ang kanyang hinihingi.

Nagulat siya ng makitang nag-iba ang kulay ng dugo ni Stuart. Naging  Golden Red ang kulay ng dugo nito. Agad niyang pinuluputan ng tela ang sugat nito ng makita niyang lumapit sa kanya si Jerecho upang tulungan sana siya nito. Ngunit sinabi niyang okay na ang lahat. Kailangan niyang itago ang kanyang natuklasan dahil mapapahamak lamang lalo si Stuart kapag nalaman ito nina Steven. Iniayos na niya ang pagkakahiga nito upang makapagpahinga muna ito.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon