"JAMES, yung susi?" hanap ni Soo-hee.Agad namang ibinato sa kanya ni James ang susi ng sasakyan. Nagpaalam sila ni Dane na pupunta muna sa bayan.
Ng makarating, agad silang naglakad-lakad. Marami na agad napuna itong si Dane. Una niyang napuna ang dinaanan nilang tulay. Kung saan napakababaw na làmang ng tubig. Ang tubig sa naturang ilog ay nagmumula sa mga kabundukan at dumadaloy naman patungo sa Bicol River. Sa pagkakatanda niya noong minsan na rin siyang makapunta sa naturang bayan noong maliit pa siya napakalalim pa ng tubig sa ilog. Napagkukunan pa nga ito ng mga sariwang isda ng mga taga roon. Ngayon sinira na ito ng polusyon, na tao mismo ang may gawa.
Ang isa sa mga ikinakabahala nila pareho ni Soo-hee ay maaaring makatawid sa naturang ilog ang mga tinamaan ng virus. Malaking suliranin ito kung magkataon.
Naisip din nila ang napakahabang tulay na nagdurugtong sa Bicol patungong Kabisayaan. Baka pinasabog na rin ito noong una pa man.
"Dane, sorry..." pagbasag ng katahimikan ni Soo-hee sa pagitan nilang dalawa.
"Sorry, saan?" maang na balik nito sa mga sinabi niya. "Kung tungkol na naman ito kay Mickey, you better shut up! Inagaw mo na siya sa akin at ano pa bang magagawa ko?"
"Unawain mo din sana ako Dane. Hindi ko inaasahan na mahuhulog agad ang loob ko sa kanya at ganoon din siya sa akin."
"Please, tama na Soo-hee." May luhang tumulo sa mga mata nito. Alam naman niya na impossibleng magkagusto sa kanya si Mickey. Pareho silang lalaki.
"Alam ko na alam na ni Mickey na siya ang dahilan kung bakit iniwan mo ako."
Hindi nagsalita si Dane. Nasasaktan siya. Hindi katulad ng mga lalaki si Mickey na nagkakagusto rin sa kapwa niya lalaki. Straight ito. At malabo nga na mahalin din siya nito.
"Soo-hee, tama ka."
"Tama, saan?"
"Inamin ko na sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya."
"Then, anong sabi niya sa iyo?" mukhang interesado si Soo-hee na malaman ang naging reaksiyon at sagot ni Mickey sa kanya.
"Hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na gusto kong ibigay sa kanya. Ikaw ang mahal niya. Mas mabuti na siguro iyon. Kahit na umamin ako sa kanya hindi pa rin nabawasan ang pagigi niyang mabuting kaibigan," ngumiti siya kahit sa loob niya ay sobra siyang nasasaktan. "Sayo na nga lang siya. Maghahanap na lang ako ng iba."
"Pwede naman tayong humati sa kanya. Mauunawaan naman kita dahil nagmahal ka rin lang naman. Mas magiging masaya pa nga ako dahil kilala ko ang taong kahati ko sa puso niya."
"Sira na ba 'yang utak mo? Ipinapaubaya ko na nga siya sa iyo," gusto na niyang sabunutan ito dahil kung anu-ano pa ang sinasabi.
"So, friend na ulit tayo?"
"Oo naman," nakangiting sagot niya rito.
"Si James, hindi mo ba siya type?"
Natigilan siya sa tanong nito sa kanya. Kung si Mickey may kahati siya sa puso nito. Ang Big Bro nitong si James wala siyang magiging problema. Wala na ang girlfriend nitong si Shena at solong-solo na niya ito.
Ano na naman bang pumasok sa isipan niya. Saka na lamang niya iisipin ang tungkol sa bagay na iyon.
"Baliw!" nakatikim tuloy ito ng batok mula sa kanya.
"Bakit ayaw mo kay James? Pareho lang naman sila ni Mickey na yummy! Ah, baka di aegyo ang gusto mo!" pang-aalaska nito sa kanya. "No! Hindi pwede! Child abuse!" bulalas pa nito na sinabayan ng malakas na pagtawa.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...