Chapter 63

29 1 0
                                    

SINUNDAN ni Lita ang pinagmumulan ng kakaibang ingay. Natigil na rin ang putukang kanyang naririnig kanina. Higit na mapanganib kung babalik siya sa lugar ng mga katutubo. Hindi pa rin siya makatiyak kung nakaalis na nga ang pangkat ng heneral. Nag-aalala man siya sa kanyang panganay na anak at sa iba pa ngunit mas mahalaga sa kanya na mahanap ang kanyang mga anak kung saan nagtungo. Alam niya kaya na ng panganay niya ang sarili nito, kaya naman nitong ipagtanggol ang sarili. Higit na kailangan siya nina Mickey at Stuart lalo na't kasama ng mga ito ang bunsong kapatid na si Jung Soo.

Tinawid niya ang hanging bridge at dinala siya ng mga paa mula sa napakaraming mga infected na pinipilit na makatawid sa kabilang ibayo ng ilog. Napahawak siya sa dibdib sa labis na gulat. Paurong siyang naglakad. Dahan-dahan at iniiwasan makalikha ng anumang ingay ngunit naapakan niya ang tuyong sanga na naglikha ng ingay dahilan upang magsilingunan sa direksiyon niya ang mga ito.

Kahit nanginginig ang mga tuhod dahil sa pinaghalong sindak at takot tumakbo siya ng mabilis. Hinabol din siya ng mga infected. Hindi na niya alam kung saan siya susuot sa napakalawak na kagubatang iyon. Hindi pa naman niya kabisado ang pasikot-sikot ng gubat.

Kahit nagkadabunggo siya sa mga katawan ng puno hindi niya iniinda. Kapag mapapatid siya sa mga nakausling ugat bangon agad ang ginagawa niya. Sa kaunting bilang ng mga infected hindi na halos mabilang ngayon ang humahabol sa kanya. Kahit labis na pagod ang kanyang nararamdaman ayaw niyang tumigil. Naroon ang kanyang hangarin na matakasan ang mga ito.

Napaluhod siya. Kusa ng bumigay ang kanyang mga paa dahil sa labis na pagod. Kanina pa siya tumatakbo ngunit nakasunod pa rin ang mga ito sa kanya. Nilingon niya ang mga humahabol sa kanya. Malapit na ang mga ito mula sa kanyang kinabagsakan. Sa sobrang panghihilakbot naparalisa ang kanyang mga paa at ayaw na nitong kumilos. Pinilit niyang tumayo ngunit bigo siya. Alam niya ito na ang oras niya. Napapikit na lamang siya ng makitang ilang dipa na lamang ang layo ng mga ito sa kanya. Sa pagpikit niya ipininta niya sa kanyang isipan ang imahe ng kanyang mga anak at ang lalaking pinakamamahal niya.

Nagulat at napamulat siya ng mga mata ng may biglang humila sa kanya paitaas at isinakay sa kabayo. Si Woo Young. Iniligtas siya ng lalaking minamahal niya. Nakasunod rito ang pamangkin niyang si Hener.

Halos maiyak siya sa labis na saya. Ligtas na siya ngayon at hindi na niya nakikita pa ang mga infected na humahabol sa kanila.

Mas mahihirapan sila ngayon na makapunta sa teritoryo ng mga katutubo dahil sa dami ng mga infected na nag-aabang sa kanila. Minabuti nilang humanap ng ibang daraanan. Tinahak nila ang daan paakyat ng bundok. Kailangan nilang magmadali ng muli ay nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril.

"Wala ang mga anak natin sa teritoryo ng mga katutubo. Umalis sila kagabi. Sinusundan ko sana sila ngunit bigo ako," wika niya habang nakayakap kay Woo Young.

Nakahinga kahit paano si Woo Young ngunit hindi pa rin maalis sa isip nito ang kaligtasan ng kanilang panganay lalo pa nga't naiwan ito sa teritoryo ng mga katutubo ng salakayin ito ng pangkat ng heneral.

•••••••••••••••••••

HINDI magawang makatulog nina Soo-hee at Stuart kahit kinakain na sila ng sobrang antok. Iniisip nila pareho ang kaligtasan ng lahat ng mga kasama nila at ng mga katutubong tribu. Naisip din ni Soo-hee ang ina at labis ang pag-aalala niya para sa kaligtasan nito. Sana pala ay isinama na nila ito.

Si Jelly nagawa nitong makatulog katabi ang dalawang bata na mahimbing pa rin ang pagtulog.

"Ano kaya kung sumunod ako sa kanila?" tanong ni Soo-hee kay Stuart. Hindi talaga mapanatag ang kanyang kalooban.

"Ako na lang..." presenta ni Stuart. "Dumito ka na lang, samahan mo na lang dito si Jelly na bantayan ang dalawang bata."

"Ginawa mo na yata akong babysitter ng kapatid mo."

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon