HUMIHINGAL na sa pagtakbo sina Soo-hee at Dane hindi pa rin nila mahanap ang pinag-iwanan sa sasakyan. Ang bawat taong makasalubong nila pagkabalisa ang tumatakbo sa isipan. Iniisip ng mga ito na baka nakarating na sa bayan ang virus.At hindi nga nagkamali ang mga tao sa sapantaha nila. Ngayon inaataki na sila ng di mabilang na mga buhay na bangkay. Napuno ng takot, sigawan, mga pagdaing ng mga inataki ng infected ang buong paligid ng bayan.
Nagkahiwalay naman sina Soo-hee at Dane ng magkagulo ang mga tao. Nakakabingi ang sigawan, iyakan at mga pagdaing na kanilang naririnig sa buong paligid. May mga bigla ring sumasabog sa kung saan. May madirinig din na mga putok ng baril, pagkabasag ng mga salamin at mayroong mga nagbabanggaang sasakyan. Maraming gusali at bahay ang nasusunog.
Kanya-kanyang takbo ang mga tao sa di alam na direksiyon. Sa bawat takbuhan nilang direksiyon maraming mga nahawaan ang nag-aabang sa kanila upang sila naman ay hawaan.
Nakakaawa, nakarimarimarim na senaryo ang makikita sa bawat sulok ng bayang iyon.
Hindi kabisado ni Soo-hee ang pasikot-sikot sa maraming kalye at eskinita kung kaya't naligaw siya. Hindi niya pinairal ang namamayaning takot na naghahari sa kanyang dibdib. Kailangan niyang maging matatag. Ngayon pa ba siya panghihinaan? Hindi na bago sa kanya ang makasagupa ng mga ganitong uri ng buhay na bangkay.
Napaurong siya ng makita sa unahan ang maraming infected na pasalubong sa kanya. Naghanap siya ng kahit anong bagay na maaaring magamit laban sa mga zombie.
Paglingon niya sa likuran kung saan nahagip ng kanyang paningin ang plangganang puno ng labahin agad niyang tinungo ito. Nasisiraan na ba siya? Mag-o-ukay pa siya, sa mga labahin pa. Ano bang hinanahanap niya sa mga labahing iyon?
Nangislap ang kanyang mga mata ng mahagip ng kanyang paningin ang palo-palo. Kinuha niya ito at hinigpitan ito ng hawak.
Ipapalo na sana niya ang hawak-hawak sa isang zombie na lumapit sa kanya, natigilan siya. Inamo-amoy siya nito bago nagpatuloy sa direksiyong patutunguhan kung saan may naamoy itong mabibiktimang mga tao.
Nagtataka siya kung bakit hindi man lamang siya ginalaw ng infected. Ang mga sumunod na mga infected sa nauna ay ganundin. Hindi siya pinansin ng mga ito. Lumihis lamang ito sa kanya.
Hindi na mahalaga kung bakit di siya pinansin ng mga ito. Kailangan niyang hanapin si Dane. At nagpatuloy na siya sa paghakbang ng mga paa ng makalayo na ang mga infected.
Ang mga taong nakasaksi kung bakit di siya pinansin ng mga infected ay labis ang pagkalito ng isipan ng mga ito.
Nakita na niya si Dane, kumaway ito ng makita siya. Kumaway din siya ngunit mabilis din na binawi ng makita ang mga sundalo ni Steven na nilapitan ito. Napakubli siya sa likuran ng poste ng kuryente upang hindi siya makita.
Bahagyang sinilip niya kung ano ang possibleng gawin ng mga sundalo kay Dane. Napapikit siya ng sikmuraan ito ng isang sundalo. Napaluhod ito dahil sa sakit na nararamdaman. Ang isa naman pinalo pa ito ng baril sa ulo dahilan upang magdurugo ang tinamaan ng sundalo.
Pilit itong pinapaamin ng apat na sundalo kung nasaan ang ibang mga kasama. Ngunit bigo ang mga ito. Hindi nagsasalita si Dane kahit paulit-ulit na itong pinapatikim ng suntok sa mukha at sikmura. Nagdurugo na ang gilid ng mga labi nito at inaagusan na rin ng dugo ang butas ng ilong nito.
"Talagang matigas ka!" gigil na sinikmuraan muli ito ng isang sundalo na may mataas na ranggo mula sa apat.
Napaubo si Dane na may kasamang dugo. Nag-alala siya para dito. Gusto man niyang tulungan ito ngunit sumesenyas ito na wag siyang lalabas.
Gulat na napasigaw siya ng may kumalabit sa kanya. Pigil ang kanyang paghinga at sapo ang dibdib. Bumuga muna siya ng malalim na hangin bago lumingon. Akala niya isang infected o di kaya sundalo ni Steven. Si Jungsoo at ang ina lang pala nito na kapuwa hingal na hingal din dahil hinabol pala ito ng mga infected. Mabuti na lamang at nailigaw ng mga ito. Mag-grogroserya sana ang mag-ina ngunit hindi na nakarating pa sa grocery store dahil sinalubong ang mga ito ng mga infected. Mabuti na lamang at ang mga tinatawag na walkers ang nakasalubong ng dalawa. Hindi ang ang mga aggressive zombie.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...