Chapter 13

93 5 0
                                    


Malayo pa si Soo-hee sa isang gasoline station natanaw na niya ang isang sasakyan. Pamilyar sa kanya ang hitsura nito na nakahinto sa may tapat ng station. Agad niya itong tinakbo at nilapitan upang alamin kung naroon sa loob ng sasakyan si Mickey. Nakasunod naman sa kanya sina James at Shena. Hindi ng mga ito alintana ang mainit na sikat ng araw dahil eksaktong tanghaling tapat.

Ng di niya makita sa loob ng sasakyan si Mickey ng lapitan at suriin niya ito, agad niya itong hinanap sa buong paligid. Ng hindi niya ito matagpuan tinawag niya ang pangalan nito.

"Mickey!" paulit-ulit na sigaw niya sa pangalan nito. Halos nangingilid na ang mga luha sa mga mata niya ng walang Mickey ang tumutugon sa bawat pagtawag niya rito.

"Nasaan ka ba Mickey?" Napaupo siya sa tabi ng sasakyan dahil sa kawalan. "Please naman, Mickey, wag mo akong iwan!" At tuluyan na siyang napahikbi.

Ng marinig naman nina Nickhun at Mickey ang pagtawag ng isang babae nagmamadali silang nagtungo sa pinag-iwanan ng sasakyan.

Patakbo nilang nilapitan sina Soo-hee, James at Shena. Nakasubsob ang mukha ni Soo-hee sa mga hita nito at umiiyak. Inaalo naman ito ni Shena. Napangiti naman si James ng makita silang dalawa na palapit sa mga ito.

"James! Soo-hee!" tawag ni Mickey sa mga pangalan nito habang palapit sa mga ito.

Iniangat naman ni Soo-hee ang mukha ng marinig ang boses ni Mickey. Ng makita siya nito hindi mapasidlan ang tuwang nadarama ng puso nito. Pinunas nito ang mga luha at patakbong sinalubong silang dalawa. Niyakap niya ito ng mahigpit ng makalapit sa kanilang dalawa ni Nickhun.

"Hindi ko alam ang gagawin Mickey kung sakaling mawala ka sa akin ng tuluyan," mangiyak-ngiyak na sabi nito habang yakap niya. "Mas masakit iyon kaysa sa unang pagkakataon na nasaktan ako."

"Tahan na," hinaplos niya ang likuran ng dalaga. "Hindi ko gagawin ang ginawa sa iyo ni Dane. Alam mo naman kung gaano kita kamahal."

"Bay, pahingi naman ng pagkain. Nagugutom na talaga ako," biglang singit ni Nickhun.

Napatingin naman si Soo-hee sa lalaking nagsalita mula sa likuran ni Mickey.

"J-Jae-kim?" hindi makapaniwala si Soo-hee ng makita niya ang matagal na niyang hinahanap.

Si Nickhun ang matagal na niyang hinahanap. Hindi niya alam na best friend pala ito ni Mickey. Ang pagkakataon nga naman ang siyang gumagawa ng paraan upang muling magtagpo ang dalawang pinaghiwalay ng isang malagim at malungkot na trahedya.

Nagkaroon noon ng isang malaking sakuna sa South Korea- ang isang malaking tidal wave na halos kumitil ng daan-daang buhay. Kasama sa mga nasawi ang kanilang ama. Nakaligtas man nga sila nag-iwan naman ito ng kirot sa kanilang puso.

Ang kanilang inang isang Pinay kinuha sila at dinala sa Pilipinas. Ngunit iniwan naman sila sa isang bahay-ampunan at hindi na ito nagbalik. May balita silang natanggap na kasama ito ng bumagsak ang isang eroplano sa bahagi ng South Philippines Sea. Ngunit hindi sila naniniwala na maging ito'y hindi na nila makakapiling pang muli dahil wala naman silang nakitang bangkay nito.

Tumakas si Soo-hee sa bahay-ampunan upang hanapin ang kanilang ina. Nangako naman siya sa kapatid na babalikan ito. Ngunit ng balikan niya ito sa bahay-ampunan na pinag-iwanan sa kanila. Wala na ito. Ayon sa mga madreng nag-aalaga sa mga batang walang mga magulang may nag-adopt sa kanyang kapatid. Hinanap niya ito kung saan-saan ngunit bigo siyang matagpuan ito.

Alam niyang si Nickhun ang kanyang kapatid dahil sa hugis bituin na birthmark nito sa may leeg.

"Choi Jae-kim," sambit niya sa pangalan ng kapatid matapos kumalas sa pagkakayakap sa lalaking minamahal niya. Tinungo niya ito at niyakap ng mahigpit. Halos maiyak siya sa sobrang saya. Sa matagal na paghahanap niya dito natagpuan rin niya ito sa wakas.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon