Chapter 21

63 5 1
                                    

Taranta si Dane at hindi alam ang gagawin ng makitang pinagtutulungan ng dalawang infected si Mickey.

Kinuha niya ang katana ng mahagip ito ng kanyang paningin. Gamit iyon pinugutan niya ng ulo ang mga ito.

Isang sundalong hapon ang may-ari ng bahay at asawa nito ang babaing infected na rin.

Napahawak si Mickey sa tiyan. Patuloy sa pagdurugo ang mga sugat niya na nilikha ng infected. Mabuti na lamang hindi ng mga ito nagawang butasin ang kanyang tiyan upang kunin ang kanyang mga lamang-loob. Kung nagkataon sigurong hindi siya tinulungan ni Dane baka inubos na ng mga ito ang lahat ng kanyang organs.

Nag-aalalang nilapitan siya nito.

"M- Mickey..."

"Umalis ka na Dane bago pa ako tuluyang maging isa sa kanila," sa nanghihina niyang tinig.

Hindi na masakit ang kanyang mga sugat dahil nagsisismula na namang labanan ng kanyang katawan ang nakapasok na virus.

"Hindi kita maaaring iwan, Mickey!" pagmamatigas nito.

"Umalis ka na sabi!" pagtataboy niya sa kaibigan. Hindi maaaring malaman nito na immune siya.

"Hindi Mickey!" patuloy pa rin sa pagmamatigas ito. "Hindi ko kaya ang iwan na lang kita ng basta sa ganitong kalagayan," tumatangis ng sabi nito sa kanya.

"Matigas talaga ang ulo mo!"

"Hindi ito magiging matigas kung hindi dahil sa iyo. Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. Natatakot akong hindi na kita masilayan muli sa bawat paggising ko sa umaga," pinunas nito ang mga luha.

"Tapatin mo nga ako Dane, ako ba ang tinutukoy ni Soo-hee kung bakit mo siya iniwan?"

"Oo, Mickey! Patawad kung minahal kita ng palihim," nakayukong sabi nito.

Tama nga ang hinala niya na siya ang tinutukoy ni Soo-hee kung bakit nito iniwan ang babaing mahal na mahal ito.

"Bakit ako pare?"

"Hindi ko alam. Basta bigla na lang at mahal na kita."

"Iwan mo na ako!" Mariing itinulak niya ito. Hindi maaari ang ibig nito. Naguguluhan siya.

Akmang lalapitan na naman siya nito pinigilan niya ito.

"Iwan mo na sabi ako!" singhal na niya dito. "Hanapin mo sina Stuart at kapag nakarating na kayo ng Bicol puntahan mo ang kapatid ko. At sabihin mo sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Wag mo siyang pababayaan anuman ang mangyari. Kapag may di magandang mangyari sa kanya, mumultuhin kita!" Sinubukan niyang alalahin ang mga malulungkot na ganapan sa kanyang kabataan upang kahit paano may luhang tumulo sa kanyang mga mata. Nang sa ganoon mapaniwala niya ang kaibigan na hindi na siya magtatagal at malapit na siyang maging isang infected

Alam niyang labag sa kanyang kalooban ang mga ginagawa niya ngunit wala siyang ibang pagpilian. Ito lamang ang tanging paraan upang hindi nito malaman na immune siy. Hindi siya nakakasiguro na tapat ito sa kanya kahit pa nga sabihing mahal siya nito. Maraming tao ang nasisilaw sa kinang ng salapi kahit isang napakabanal pa iyan na nilalang.

"Kapag nakatuklas ng panlunas, pangako babalikan kita rito," tumayo na ito upang lisanin na ang lugar.

"Dane sandali," pigil niya dito. "Gusto kong malaman mo na hindi ako galit at salamat sa pagmamahal kahit hindi ko naman iyon masusuklian."

Tumulo na naman ang mga luha nito sa mga narinig.

"I'm sorry, Mickey kung minahal kita."

"Hindi ko naman maaaring pigilan ang nararamdaman mo dahil iyon ang sinasabi ng puso mo."

Sinubukan niyang tumayo upang kahit sa huling sandali ng pagkikita nila mayakap niya ito.

"Sorry, kung hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo. May makakatagpo ka rin ng higit kaysa sa akin na kayang suklian ang pagmamahal mo. Alam ko matatagpuan mo rin siya kahit may pinagdaraanan na krisis ang ating bansa."

Napahagulhol ito ng iyak dahil sa mga sinabi niya. Tama nga ito na kahit kailan hindi nito makukuha ang kanyang puso.

"Wag ka ng umiyak. Kapag di ka tumigil hahabulin kita at lalapain."

"Loko ka!" napapangiti na ito

"Ganyan nga," sabi niya dito.

"Babalikan pa rin kita rito at wag ka sanang aalis dito."

Hinalikan niya ito sa noo.

"Goodbye kiss ko 'yan sa iyo. Kapag bumalik ka pa rito ang leeg mo na ang ngangatngatin ko."

"Damn you Mickey! Tinatakot mo pa ako."

Napaurong ito ng bigla siyang matumba at mangisay. Ito ang hudyat upang iwan na siya nito.

"I'm sorry, Mickey," bitbit ang katana nilisan na niya ang bahay.

Ng masiguro niya na nakaalis na ito doon niya tinigilan ang pagkukunwari.

Napadaing siya ng makaramdam ng sakit dahil unti-unti nang naghihilom ang kanyang mga sugat.

Sa ilang pagkurap niya naglaho na ang mga sugat niya. Sinilip niya sa maliit na siwang ng bintana ito upang makatiyak siya na ligtas itong nakaalis ng bahay. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang kaunti lamang ang mga infected na humahabol dito.

Hindi maalis sa kanyang isip ang mga ipinagtapat nito. Balak sana niyang sundan ito dahil nakokonsensiya siya sa pagtataboy rito. Ngunit hindi maaaring malaman nito na immune siya mula sa mapaminsalang virus.

May naisip siyang magandang plano ng mahagip ng kanyang paningin ang baseball cap.

Naghahanap siya ng armas na mas madali niyang mapapatumba ang mga infected. May nahanap naman siya na isang M16A4 ngunit hindi iyon sapat.

Pagtapat niya sa isang mamahaling kabinet na gawa sa kahoy na narra may napansin siyang kakaiba rito. Itinulak niya ang kabinet pakanan. Tumambad sa kanya ang isang pintuan tungo sa isang sikretong silid. At ng buksan niya, namangha siya sa mga nakita. Taguan pala ang silid na iyon ng may-ari ng iba't ibang klase ng baril.

#

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon