Nilapitan ni Mickey si Dane na wala pa ring malay. Habang pinagmamasdan niya ito nakaramdam siya ng awa para sa kaibigan. Ngunit sandali lamang ng maalala niya ang ginawang pananakit nito sa damdamin ni Soo-hee. Sinaktan nito ang damdamin ng isang babaing mahal na mahal ito. Nagagalit siya sa kaibigan dahil ito sana ang magiging daan upang kitilin ni Soo-hee ang sariling buhay. Hindi niya alam na may ganoon pala kagandang kasintahan ito. Nagtataka nga siya kung bakit nagawa nitong iwan ito na mapagmahal at maalagang kasintahan. At isa pa sa ipinagtataka niya bakit hindi man lang ito nagalit noong halikan niya ang dalaga sa harapan nito mismo."Ano bang dahilan mo Dane?" sabi niya sa kawalan habang kinakausap ang sarili.
Naupo siya sa may uluhan nito. Ipinatong niya ang ulo nito sa kanyang hita. Hinawi niya ang buhok nito sa noo. At sandaling pinagmasdan ang maamong mukha ng kaibigan.
"Kung hindi lang kita kaibigan pare siguro binasag ko na 'yang mukha," aniya rito na hindi naman siya naririnig. "Salamat ka pare at hindi ko iyon ginawa."
Dahil sa pag-iisip, nakaidlip siya ngunit saglit lamang dahil nagising siya sa malakas na paglagitnit ng kung ano. Napatayo siya bigla ng makitang unti-unti ng bumabagsak ang hinarang niyang kabinet. Mabuti na lamang naging maagap siya at hindi iyon tuluyang bumagsak. Kung nagkataon napasok na sila ngayon ng mga infected. Dinagdagan pa niya ito ng kung anu-anong mga mabibigat na bagay na maaaring maipangharang sa pintuan. Naupo ulit siya sa dating pwesto kanina.
Habang nagmumuni-muni pumasok sa kanyang isipan ang iba nilang mga kasama. Nasaan na kaya ang mga ito? Si Stuart? Kasama kaya ito nina Soo-hee? Sana wala na kahit isa man ang mahawaan sa kanila ng mapaminsalang virus upang sama-sama silang makarating ng Bicol na ligtas.
Si Roy kaya? Nagawa kaya nitong makatakas sa mga infected? Tama si Dane. Hindi dapat nila ito iniwan na mag-isang nakikidigma sa mga infected. Naging makasarili sila.
Dahil sa pag-iisip sa mga kasama kung nasaan na at ano ng nangyari nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura. Bitbit ni Sonia ang kanyang bag na may laman na mga pagkain.
Nawala ang kanyang pagkagutom ng maalala ang syringe sa loob ng kanyang bag. Sana hindi iyon magalaw ni Sonia o ng kahit sino. Dapat pala hindi niya iyon nilagyan ng sariling dugo. Hindi siya nag-iingat.
Sa labis na pag-iisip tungkol sa bagay na iyon hindi niya namalayan ang oras at tuluyan ng dinala ang kanyang diwa ng antok.
NAGISING si Mickey ng biglang may tumabi sa kanya at inakbayan siya. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya habang nakaupo at nakasandal sa sofa.
Nagulat rin si Dane ng magmulat ang kanyang mga mata. Kinukunan na naman siya ng larawan ng gagong ito. Iginala niya ang paningin sa buong paligid. Maliwanag na pala. Tirik na ang araw sa labas. Kailangan na nilang gumawa ng masusing hakbang kung paano sila makakaalis sa bahay na iyon upang hanapin ang iba pa nilang mga kasama.
Napatingin siya sa hawak nitong cellphone. Inagaw niya ito mula sa palad nito.
"Wag mong burahin!" naiinis na sabi nito sa kanya. Alam na nito na sa tuwing mahuhuli niya itong kinukunan siya ng larawan binubura niya ang mga kuha nito.
Akmang aagawin nito ang cellphone mula sa kanya, mabilis niya itong inilayo.
"Sige! Kapag di ka tumigil uupakan kita!" binabalaan niya ang kaibigan na tumigil.
Kapag ganoon na ang sasabihin niya tumitigil na ito.
"Please, wag mong burahin," samo nito. "Ang gwapo-gwapo mo pa naman sa mga kuha kong picture."
"Bakit hindi ba ako gwapo sa personal?"
"Mas gwapo," natatawang sabi nito sa kanya.
"Hey, tumigil ka nga! Lumalaki lalo ang butas ng tainga ko sa mga papuri mo!"
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Fiksi IlmiahAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...