"ANONG ibig n'yong sabihin pinuno?" hindi makuha ni Alex ang ipinupunto ng kanilang pinuno.
"Malapit na ang pagpatak ng dugo sa lupa at kailangan n'yo ng kumilos upang madala sa ligtas na lugar ang mga bagong tubo ng henerasyon ng buhay. Nabibilang na lamang ang pagpatak ng bawat oras at malapit na sila rito," mahabang sagot nito bago sila tinalikuran.
"Isusuko ko na sa kanila ang sarili ko, Alex," isang pasya ngayon ang gustong gawin ni Mickey. "Ayokong madamay kayo ng dahil sa akin."
Nilingon sila ng pinuno ng tribo ni Alex ng marinig ang kanyang mga sinabi. "Tulad ng mga sinabi ko hindi natin mapipigilan kung anuman ang nais mangyari ng kapalaran," nagpatuloy na ito sa paglakad at iniwan na sila.
"Ikaw ba ang tinutukoy ni Steven na immune Mickey?"
Si Nickhun ang sumagot. "Hindi nila maaaring makuha sa atin si Mickey. Siya na lang ang natitira nating pag-asa."
"Alam ko, Nickhun at kasama n'yo ako sa pag-iingat sa kanya. Dahil alam natin pareho na malaki ang papel na gagampanan niya upang maibalik sa dating ayos ang ginagisnan nating buhay."
Napako ang tingin nila sa direksiyon nila Stuart na nagpapahinga sa may lilim ng punongkahoy malayo mula sa kanilang kinaroroonan.
"Hyung!" patakbong nilapitan ni Jung Soo si Stuart sa pag-aakala nito ito ang kuya Mickey nito. Tuwang-tuwa naman si Stuart na kinarga ang kapatid at niyakap ito ng mahigpit. Sabik din ito sa bunso nilang kapatid.
Pinakatitigan naman ng mabuti ni Jung Soo si Stuart. Kinikilatis nito kung siya nga ba ang kuya Mickey nito.
"H-Hindi ikaw ang Kuya Mickey ko," anito at bumaba sa pagkakanlong niya. Natawa naman siya sa inasal ng kapatid. Lumapit ito sa kanilang ina. "Mommy, nasaan si hyung?" nangingilid na ang luha sa mga mata nito.
"Di ba siya ang Kuya Mickey mo?" turo ni James kay Stuart.
"No, Kuya James! Ginaya lang niya ang mukha ng Kuya Mickey ko," at nagsimula na itong umiyak.
"Ibig mo bang sabihin Jung Soo artificial lang ang mukha ng kuya Stuart mo?" biro ni Junghyun sa bata na sinabayan ng mahinang pagtawa.
"Eh, nasaan na talaga ang kuya Mickey ko?" ang kaninang mahinang pag-iyak ngayon ay palahaw na. "Sabi niya babalikan niya ako." Hindi ito matigil sa pag-iyak.
"Ayaw mo na sa kuya Stuart mo? Pareho lang naman silang dalawa ng kuya Mickey mo," pagpapatahan ni Jelly dito ng iyak. "Alam mo mas cute ka kapag hindi umiiyak."
"Ang kuya Mickey ko..." mas lalo lamang na nilakasan nito ang pag-iyak.
Nilapitan na ito ni Stuart at binuhat. "Gusto mo bang makita ang kuya Mickey mo?"
Tumango ito at tumahan na sa pag-iyak.
"Mickey! Nickhun!" patakbong sinalubong ni Soo-hee ang dalawa ng makita at parehong niyakap ang mga ito.
Si Jung Soo naman nagtatalon sa tuwa ng makita na nito ang kuya Mickey nito.
Pinaglipat-lipat ng bata ang tingin kina Mickey at Stuart. At lumapit ito sa ina.
"Mommy, bakit pareho ang mukha nilang dalawa?" inosenteng tanong nito.
"Dahil magkambal silang dalawa," sagot ni Lita sa anak.
Natahimik ang lahat at hinihintay ang magiging reaksiyon ng bata.
"Yehey!" sigaw nito sa labis na tuwa. "Ibig sabihin dalawa pala ang kuya Mickey ko!" hindi mapagsidlan ang tuwang nadarama nito. "Kapag umalis ang kuya Mickey hindi na ako malulungkot dahil tingnan ko lang ang mukha ng kuya Stuart parang kasama ko lang siya."
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...