Tinawagan ni Dane ang number ni Soo-hee habang wala pa ring tigil siya sa pagtakbo dahil patuloy siyang hinahabol na ngayon ay napakarami ng infected. Iyon na lamang ang tanging paraan upang mahanap niya ang mga ito. Hindi niya matawagan ang ibang mga kasama. Unattended ang mga ito ng tawagan niya isa-isa. Ito na lamang ang huli niyang pag-asa. Mabuti na lamang saulo niya ang number nito. Makailang ulit niya rin itong tinawagan bago sinagot.Si Stuart ang nakausap niya dahil dito ibinigay nito ang cellphone. Tinanong niya kung nasaan ang mga ito. Kung kasama ba nito ang lahat? Sina Nickhun, Jamaica at Jelly lamang ang kasama nina Soo-hee. Nasaan ang iba pa?
"Si Mickey, kasama mo ba siya?" mababakas sa tono nito ang saya at pagkasabik na makita si Mickey. Hindi man lang hinanap nito kung kasama ba niya si Jayson.
Hindi niya sinabi kung nasaan ito. Ayaw muna niyang ipaalam ang nangyari rito. Saka na lamang niya sasabihin sa mga ito kapag nahanap na niya ang bakery na tinutukoy nito.
Nilingon niya kung may mga nakasunod pa rin sa kanya matapos makausap si Stuart. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa katana. Kailangan alisto siya lagi.
Binilisan niya ang pagtakbo ng makarinig ng ugong ng makina ng sasakyan. Putres! Marami na namang nakasunod sa kanya. Ang bawat makasalubong pinupugutan niya ng ulo. Ang iba sinasaksak niya.
Sa intersection lumiko ang sasakyan at nilagpasan siya nito. Humingi siya ng tulong sa kung sino man ang nakasakay sa sasakyang iyon. Hindi na niya kaya, pagod na pagod na siya sa kanina pang pagtakbo. Ilang kilometro na rin ang natatakbo niya. Mabuti na nga lang hindi pa bumibigay ang kanyang mga paa.
Napatingin si Gemma sa side mirror ng sasakyan kung sinong lalaki ang hinahabol ng napakaraming mga infected.
Pinahinto ni Jayson ang sasakyan dahil namumukhaan niya ang lalaki. Si Dane? Tama si Dane nga ang lalaking iyon na patuloy na hinahabol.
Binalik niya ang sasakyan upang salubungin ito. Kaunti na lamang maaabutan na ito.
"Gemma, paikutin mo na! Bilisan mo!" makapigil hiningang sabi ni Jayson ng makasakay na ito.
May mga infected ng nakalapit sa kanila at pinalibutan sila. Kinakalmot ng mga ito ang bintanang salamin ng sasakyan.
"Mag seat belt kayo!" ani Gemma at pinaikot na ang sasakyan. Nagulungan ang ibang infected. Rinig nila ang paglagatok ng mga buto ng nagulungang mga infected.
Napatingin siya kay Jenny na takot na takot. Katabi niya ito sa unahan.
"Jayson, ang seat belt! Lagyan mo ng seat belt si Jenny!" ani niya na sobra ang pagkataranta.
Mabilis naman ang kilos ni Jayson. Agad na nilagyan niya ng seat belt ang bata.
Pinaharurot na ng takbo ni Gemma ang sasakyan ng makaikot na sila upang makabitiw ang mga infected na nakakapit sa sasakyan. May sa bubungan na rin.
Kapag nagpatuloy at hindi nila maalis ang mga ito na nakakapit sa sasakyan baka tumagilid na ito. Sa sobrang pagkapikon niya, bigla siyang nagpreno. Tumilapon ang mga ito. Nauntog pareho ang ulo nina Jayson at Dane na kapuwa nabigla sa kanyang ginawa. Si Jenny naman natuwa ng makitang napaalis niya ang mga nakakapit sa sasakyan.
"Sorry," sabi niya sa dalawa na hinihimas ang noo'ng nauntog.
Pinatakbo na niya muli ang sasakyan ng makitang nangagsitayuan ulit ang mga infected na tumilapon.
"Bakit ikaw lang Dane? Nasaan ang iba?" hanap ni Jayson sa iba pa nilang mga kasama ng makalayo na sila sa mga humahabol sa kanila.
"Hindi ko alam kung nasaan ang iba," litong sagot ni Dane. "S-Sina Mickey at Roy, wala na sila." Nang bumalik sa balintataw niya ang hitsura ni Mickey ng iwan niya ito bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha.
"P-Paano... A-Anong nangyari?" litong tanong ni Jayson. Dapat nga masaya ito dahil wala ng kukuha pa kay Stuart. Wala ng lalayo pa sa kanyang kapatid. Kahit baliktarin man niya ang mundo mas may karapatan ito kay Stuart kaysa sa kanya.
"Isa na rin sila sa mga infected," sagot nito at ikwenento ang lahat na mga nangyari.
"W-Wala na ang kuya Mickey, ate Gemma?" naiiyak ng tanong ng bata.
Hindi sumagot si Gemma. Alam ng bata ang ibig sabihin ni Dane at hindi nito mapigilan ang emosyon. Umiyak ito ng malakas.
"Tahan na Jenny, wag ka ng umiyak. Andito naman ang ate Gemma mo," pagpapatahan niya sa bata. "Hindi naman kita pababayaan."
Pinunas ng bata ang mga luha at galit na ikinuyom ang mga kamao. "Kapag malaki na ako, papatayin ko ang lahat na mga zombie na iyan!"
"Ang kapatid ko nasaan?" hanap ni Jayson sa kanya. "Nakita mo ba siya?"
"Kasama niya sina Jelly at Jamaica. Sa isang bakery sila pansamantala nagtatago kasama ang magkapatid na Soo-hee at Nickhun."
"Saang bakery? Saang lokasyon?"
Nag-aalala na si Jayson para sa kaligtasan ng kapatid. Ito na lamang ang mayroon siya. Hindi niya makakaya kung pati ito ay mawala rin sa kanya.
"Walang sinabi kung anong lugar. Basta hanapin na lang natin."
Bawat madaanang bakery sinusuyod nila ng tingin. Nagbabakasakali na makita nila ang ibang kasama. Nagpaikot-ikot sila sa lugar ng EDSA Cubao patungong Mandaluyong ngunit bigo nilang mahanap ang mga ito. Nasa bahagi na sila ng Alabang. Tama ba talaga ang tinatahak nilang daan patungong Bicol?
Dahil sa walang traffic madali lamang silang nakapaglalakbay sa daan. Kung dati rati sa tuwing pupunta sila sa mga lungsod sa Kamaynilaan ang tagal umusad ng mga sasakyan. Kung mainipin ka mapapamura ka ng wala sa oras. Ngayon wala ng traffic, wala na ang maiingay na busena ng mga sasakyan na wari'y nagpapalitan ng mga masasakit na salita dahil sa matinding trapiko. Tanging makikita mo sa dinaraan ay ang mga sasakyan na inabandona ng may-ari. May mangilan-ngilan rin silang nakikitang mga infected sa daan. Ng marinig ang ugong ng sasakyan, iisang direksiyon lamang ang tingin. Maya-maya pa'y nagsisunudan na ang mga ito sa kanila.
"Tawagan mo nga ulit ang ex-girlfriend mo!" naiinis ng si Jayson dahil kanina pa nila hindi mahanap ang bakery na tinutukoy ni Stuart.
Tinawagan ulit niya si Soo-hee ngunit unattended na ito. Ubos na siguro ang karga ng baterya ng cellphone nito. Hindi naman nito magawang makapagkarga ng baterya ng cellphone dahil sa malawakang black out bunga ng krisis na kinakaharap.
"Takte naman, oh! Pati itong sasakyan out of fuel na rin!" Napipikon na talaga si Jayson sa kamalasang nangyayari sa kanila.
Bumaba sila ng sasakyan upang maghanap ng masasakyan ngunit wala silang makitang maayos pa na sasakyan. Lahat may sira. Habang naglalakad, nakakatakot na katahimikan ang sumasalubong sa kanila sa daan. Wala kang maririnig na ingay na maski ano. Tanging mga yabag lamang nila ang kanilang naririnig.
"Pag minamalas ka nga naman!" Uyam na sabi nito ng malingunan ang napakaraming mga infected na nag-uunahan patungo sa kanilang direksiyon.
#
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...