Chapter 57

19 1 0
                                    

KANINA pa pinagmamasdan ni Mickey mula sa malayo sina Nickhun at Jelly habang masayang nag-uusap. Doon lamang siya lumapit ng makitang hahalikan na ni Nickhun ang mga labi ni Jelly. Hindi niya alam na mayroong nabuong pagtitinginan sa pagitan ng dalawa.

"Kayo na ba?"

Nagulat ang mga ito sa biglang pagsulpot niya.

"Ano bang sinasabi mo riyan Mickey?" naguguluhan si Jelly. "Inaalis lang ni Nickhun ang puwing sa mata ko. At isa pa sinabi ko na sa iyong hindi ko type ang mga dugong Koreano. Mabuti kung si Shawn siya, bakit hindi?"

"Crush mo ang kulot na iyon!" nang-aasar na naman si Nickhun. "Di nga?"

"Sa katunayan nga boylet ko na siya."

"Ang bilis naman, ah."

"Nagtapat siya sa akin ng pag-ibig niya at bakit pa ako magpapakipot, eh, doon naman ang punta. Siya, maiwan ko na muna kayong dalawa mukhang may pag-uusapan kayo," at nagpaalam na itong aalis.

"Selos ka?"

"Bakit ako magseselos? Teka, ano bang pinagsasabi mo riyan? Sayang, naunahan ka ni Shawnito."

"Ayos lang din naman sa akin. May iba na akong nagugustuhan."

"Sino?" excited si Mickey na malaman kung sino ang babaing napupusuan nito.

"Baka pagtawanan mo lang."

"Bakit ako tatawa? Best buddy mo ako at susupurtahan kita."

"Galit pa ba ang kuya mo sa akin?" pag-iiba nito ng usapan.

"Wag mo namang ibahin ang usapan. Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Hindi naman sa ganoon. Sa akin na muna iyon. Malalaman mo din naman."

"Oo, na. At hindi kita pipilitin."

"Galit ka na niyan?"

"Hindi, ah." Tumabi siya ng upo rito. "Napakaswerte naman ng babaing iyon kung sino man siya."

"Galit pa ba ang kuya mo sa akin?" ulit nito.

"Wag mo na lang siyang pansinin. Wala naman siyang magagawa kung mas malapit ang loob ko sa iyo kaysa sa kanya."

"Nakakatanda mo siyang kapatid, Mickey. Dapat siya muna ang nakakaalam bago ako na kaibigan mo!" Pinangangaralan ba siya nito?

"Hindi ko alam Nickhun sa sarili ko kung bakit panatag ang loob ko kapag ikaw ang pinagsasabihan ko ng lahat ng mga bagay na kailangan kong gawin."

"Kahit kaunti lang sana Mickey magkaroon ka minsan ng pagtitiwala sa iba lalo na sa kuya mo. Alam mo ba kung gaano siya mag-alala para sa inyong dalawa ni Stuart?"

"Basta Nickhun ipangako mo na dito ka lang lagi sa tabi ko at hindi mo ako iiwan."

"Alam ko kung bakit ka na naman nagkakaganyan. May kailangan ka naman sa akin, ano?"

"Kaya gustong-gusto kita dahil alam ko na hindi mo ako mapaghindian."

"Hindi ba magagalit ang kuya mo?" nag-aalangan na tanong nito.

"Kung gusto niyang sumama, bahala siya. Wala naman akong pakialam kung magalit man siya."

"Hindi naman tama na wala kang pakialam sa kuya mo."

Hindi nila alam kanina pa nakikinig si James sa kanilang pinag-uusapan. Sinundan siya nito kung saan pupunta. Tama nga ang hinala nito na pupuntahan na naman niya si Nickhun. Nagkubli ito sa likuran ng isang puno na malapit lamang sa kanilang kinaroroonan.

Hindi nito matiis na parang binabalewala lamang ito ng kapatid.

"Sa tingin mo Mickey papayag ako na umalis na naman kayong dalawa!" nagulat sila sa biglang pagsalita nito. Tinapunan niya ng masamang tingin si Nickhun.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon