HINDI naniniwala si Stuart na wala na nga si Mickey. Alam niyang nagsisinungaling lamang si Nickhun sa kanila. Gusto niyang malaman kung ano ang totoo. Nawala na ang kuya Jayson niya at hindi siya makakapayag na mawala rin si Mickey. Higit sa kaibigan kung ituring niya ito. Para na niya itong kapatid.
May nabuong plano sa kanyang isipan. Mamayang hatinggabi kapag tulog na ang lahat at walang makakapansin sa kanya lilisanin niya ang lugar. Hahanapin niya si Mickey. Ayaw pagpanatagin ang kanyang kalooban lalo na ngayong alam niyang masyadong mapanganib sa labas. Walang anumang dalang sandata si Mickey upang maipagtanggol ang sarili laban sa mga infected at iba pang mga kalaban.
Pawala niyang binuksan ang dahon ng pinto. Halos masira na niya ng tablang pinto ng muling pawala niya itong isinara. Sa sobrang galit, anumang gamit ang mahawakan niya inihahagis niya sa kung saan. Hindi siya tumigil hangga't hindi nauubos ang lahat na mga kagamitan sa silid. Kulang na lang pati buong bahay ay wasakin na niya.
Walang nais makialam sa kanya. Natatakot ang mga ito ba baka sila ang pagbalingan ni Stuart.
Ubusin man niyang sirain ang lahat na gamit. Baliktarin man niya ang bahay. Wala naman siyang magagawa dahil iyon ang nakatadhanang mangyari.
Nang mapagod sa ginagawa, naupo siya sa gilid ng kawayang katre na hinihigaan ni Mickey. At sinubsob ang mukha sa unang hindi niya nagawang pakialaman. Hindi niya maiwasan ang mapaluha. Sobrang sakit. Ito ang kanyang nararamdaman ngayon. At paulit-ulit na sinasabi ng kanyang puso na buhay si Mickey.
Sa puntong iyon naguguluhan pa rin talaga siya. Bakit gustong makuha nila Steven si Mickey? Dahil ba sa immune ito sa naturang virus? Bakit siya? Katulad din siya ni Mickey na immune mula sa Z-Virus.
Tila mailap sa kanya ang mga kasagutan sa mga katanungang patuloy na gumugulo sa kanyang isipan.
Sa bawat pagpatak ng kanyang mga luha minsang tinanong niya sa kanyang sarili: Bakit sobrang napakahalaga sa buhay niya si Mickey? Hindi naman niya ito kaanu-ano. Sa sulok ng kanyang puso may mga bagay siyang gustong tuklasin.
Kung ihahambing ang wangis niya at ni Jayson, malayong-malayo ang agwat nilang. Madalas nga noon na mapagkamalang magkambal sila ni Mickey sa tuwing magkasama sila. Magkamukhang-magkamukha raw kasi silang dalawa.
Ano na naman bang pumasok sa isipan niya? Gusto niyang matawa. Maging ang mga siste noon ng mga tao ibig na niyang paniwalaan ngayon.
Kung siya ang papipiliin mas gusto niyang maging kapatid si Mickey kaysa sa kuya Jayson niya.
Natigilan siya ng may mahulog na larawan mula sa kung saan nanggaling. Dinampot niya ito. Pinakatitigan niya ng maigi ang larawan. Silang dalawa ito ni Mickey. Nang baliktarin niya ang larawan may nakasulat roon. Isang rebelasyon ang kanyang natuklasan patungkol sa totoong siya.
Ganito ang isinasaad ng sulat:
Mianhae, Stuart. Alam kong ikaw talaga ang kakambal ko. Wala akong lakas ng loob na sabihin ito sa iyo. Gusto kong ikaw ang magtuklas tungkol sa totoong ikaw. Ayokong magtapos sa isang masakit na paraan ang pagkakaibigan namin ni Jayson. Mahal na mahal ka niya. At ayokong agawan siya ng karapatan sayo. Kahit ang totoo sobra akong nasasaktan. Sobra akong nasasaktan dahil ako dapat ang kinikilala mong kapatid, hindi si Jayson. At alam mo bro sobrang saya ko dahil tadhana ang siyang gumawa ng paraan upang magtagpo na tayong dalawa. Mahal na mahal kita, bro.
Sa ilalim ng sulat may nakalagay na petsa kung kailan iyon isinulat ni Mickey. Mahigit tatlong taon na ang larawang iyon sa pagkakatanda niya. Ito ang unang araw na nagkakilala silang dalawa.
Galit. Poot. Hinanakit. Ang sama-samang nararamdaman niya matapos mabasa ang sulat ni Mickey. Bakit hindi sa kanya sinabi ng mga taong kumupkop sa kanya ang totoo? Kaya pala sa umpisa pa lamang ay malayo na ang loob ng mga ito sa kanila. Si Jayson lamang ang nagpakita sa kanya ng kabutihan.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Fiksi IlmiahAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...