"Mickey, ano nang gagawin natin?" natatakot ng tanong ng pinsan ni Mickey sa kanya. Siya na ngayon ang nagmamaneho ng sasakyan. Nasa bahagi na sila ng Cainta, Rizal patungong C-6 ng Lungsod ng Pasig. Pasikot-sikot ang daan rito papunta sa iba't ibang lugar ng kalakhang Maynila. Kapag hindi mo kabisado ang mga daanan tiyak na maliligaw ka rito."Ayokong maging isa sa kanila," gusto ng maiyak ng kanyang pinsan sa kawalan ng pag-asang makakaligtas pa sila mula sa mapaminsalang Z-Virus.
Napasulyap muna siya kay Stuart na nasa pinakalikurang bahagi ng sasakyan. Himbing ito sa pagtulog katabi sina Nickhun at Soo-hee na kapuwa humihilik.
"Hindi takot ang kalaban natin kundi ang isang pag-asang wala rin pala."
Nakatingin sa kaniya ang mga kasama niya. Naguguluhan ang mga ito sa kanyang sinabi.
"Anong ibig mong sabihin Mickey?" naguguluhang tanong ni Gemma.
"Nag-text sa akin si Tito Zein kanina. Mas lalong humigpit ang seguridad sa Bicol. Ang sinumang kakitaan ng sugat pinapatay nila sa pag-aakalang infected ang may likha niyon. Mapanganib siguro kung magpapatuloy pa tayo roon. Mawawalan rin ng saysay ang pagnanais nating makarating roon."
"Pero, saan naman tayo pupunta?" si Jelly.
Hindi niya sinagot ito. Bahala na kung saan sila dadalhin ng sasakyan. Kailangang pahilumin muna ng mga kasama niya ang sariwang sugat ng mga ito na likha ng aksidente kahapon. Isa pa sa inaalala niya si Stuart. Ayaw niya itong mawala muli sa kanya ngayong nahanap na niya ana nawawalang bahagi ng kanyang pagkatao. Ayaw na niya, mas masakit iyon kaysa ang paghiwalayin silang dalawa sa mahigit na labing siyam na taon.
Kung naging maingat lamang sana si Johnny sa pagpapatakbo ng sasakyan hindi sana mangyayari ang aksidente. Sisihin man niya ng paulit-ulit 'yung tao wala na rin namang mangyayari. Wala na ito. Magpasalamat na lamang siya na buhay ang mga taong mahalaga sa kanya lalong-lalo na sina Stuart at Nickhun.
Ilan bang nasawi sa mga kasama niyang hindi pa nahahawaan ng virus? Apat? Lima?
"Ano ba talagang nangyari?" napataas na ang boses niya.
Isinuong na nga nilang dalawa ni Soo-hee ang sarili sa panganib para mailigtas sila. Iyon pa ang nangyari.
"Sorry, Mickey," sabi ni Dane na katabi niya sa unahan. Napapagitnaan nila itong dalawa ni Jelly. "Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan naming dalawa ni Johnny. Gusto kong balikan kayong dalawa ni Soo-hee dahil hindi makaya ng sarili kong konsensiya ang basta na lamang kayo iwan sa lugar na iyon. Ayokong maging pagkain kayo ng mga pesteng zombie na 'yan! Lalong-lalo na ikaw Mickey dahil alam mo kung gaano ka kahalaga sa akin."
Kinikilig naman itong si Jelly dahil sa mga sinabi ni Dane.
"Iyon lang nagtalo agad kayo!" halos pasigaw niyang sabi dito.
Sa unang pagkakataon ngayon lamang niya nasigawan ng ganoon ang kaibigan.
"Mickey, ano ba?" saway ni Jamaica. Nasa likuran nila ito katabi sina Gemma at ang batang si Jenny na kanlong nito himbing sa pagtulog. "Wag mo siyang sisihin sa mga nangyari. Kasalanan ang lahat ni Johnny. Kung hindi lang sana niya ginawang sagasaan ang napakaraming mga infected sa gitna ng kalsada hindi sana mawawalan ng preno ang sasakyan."
Hindi naman niya sinisisi si Dane sa mga nangyari. Gusto lang niya malaman ang dahilan.
"Nangyari na ang aksidente, Mickey," sabat ni Jelly. "Ang mahalagang isipin natin ngayon Kung paano tayo makaka-survive."
Tama ang mga sinabi ni Jelly.
Si Dane naman tahimik habang nakatingin sa kaniya.
"Okay, sorry," aniya.
Habang minamaneho ang sasakyan hindi maalis sa kanyang isipan ang nakababata niyang kapatid na si Jung-soo. Iniisip niya ang kaligtasan nito at ng kanilang ina. Hindi naman siguro ang mga ito pinapabayaan ng kanyang Tito Zein. Pagkasabik ang nararamdaman niya habang sinasariwa ang mga masasayang alaala na lagi silang magkasamang dalawa kasama ang itinuring niyang para ng kapatid na si Nickhun.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng biglang huminto ang sasakyan.
"Bwes*t! Ngayon pa talaga!" pikong sigaw niya at napahampas sa manibela ng sasakyan.
"Bakit huminto Mickey?" Si Soo-hee na biglang nagising dahil sa paghinto ng sasakyan.
"Anong problema?" Si Jayson na tulad rin ni Soo-hee bigla ring nagising mula sa pagkakatulog.
"Naubusan ng gaas ang sasakyan," tugon niya sa mga ito.
"Di ba naglagay ka kanina, bay?" tanong ni Nickhun na nagising na rin.
"Iyon na nga ang problema bay dahil iyong isang sasakyan ang kinargahan ko."
Nagtataka ang lahat na mga kasama niya kung bakit 'bay' ang tawagan nilang dalawa ni Nickhun. Maliban lamang kina Soo-hee, James at Shena na alam ng mga ito na matagal ng magkaibigan ang dalawa. Si Jamaica naman hindi nito alam dahil sa Manila ito nagkaisip at lumaki.
Magkakilala na sina Mickey at Nickhun mula pa pagkabata. Magkapatid na nga ang turingan nilang dalawa. Nagkahiwalay lamang sila matapos ang aksidenteng nabundol si Nickhun ng isang humaharurot na sasakyan habang tumatawid sila sa pedestrian lane. Hapon ng maganap ang aksidente dahil pauwi silang dalawa galing sa restaurant. Mahigit tatlong taon pa lamang nang maganap ang naturang aksidente. Isang himala na lamang ang maaaring mangyari upang mabuhay ito. Napinsala ng husto ang utak nito dahil ang ulo nito ang tumama sa semento. Sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ito ng ilang kilomentro. Siya sana ang mabubundol ngunit itinulak siya nito at ito ang nahagip.
Ng magkaroon ng malay ito, isang linggo buhat ng maganap ang aksidente hindi siya makilala ng kaibigan. Magkagayumpaman hindi niya ito iniwan dahil siya na lamang ang nag-iisang nagmamalasakit rito. Ang kumupkop kasi dito inabandona ito kalaunan ng magkaroon na ng supling.
Ng maging maayos na ang lahat nagtungo siya ng Manila kasama ang kanyang Tito Zein upang makalimutan niya ang masaklap na nangyari sa kanya sa Bicol. Kahit sino isusumpa ang araw na iyon. Ibig niyang makalimot kaya sumama siya sa kanyang Tito Zein ng tanungin siya nito kung sasama ba siya sa pagluwas nito ng Manila. Walang pagdadalawang isip na sumama siya dito. Gusto rin niyang isama si Jung-soo ngunit nagbanta si Rafael oras na ilayo niya ang kapatid hindi na niya makikita pa ang kanyang ina. Natakot siya at walang ibang pagpilian kundi ang sumunod sa mga sinabi ni Rafael.
Nagawa niyang makalimutan ang lahat na mga nangyari sa tulong ng nakilala niyang mga kaibigan. Walang araw na hindi sila naglalasing dahil tulad rin niya may mga pinagdaraanan rin ang mga ito sa sariling pamilya. Naging malaking tulong sa kanila ang alak.
Ng ipakilala ni Jayson sa kanya ang kapatid nitong si Stuart na sinasabing kamukha niya. Mas lalong gumulo ang kanyang mundo. Alam niya sa sarili na si Stuart ang sinasabi sa Diary ng kanyang ina na nawawalang karugtong ng kanyang buhay.
At napatunayan niya ito ng minsang palihim na nagpa-DNA test sila ni Stuart. Ang naging findings ng doktor pinabago niya sa malaking halaga na ibinayad. Ayaw niyang magkagulo ang lahat. Kita niya ang tuwa noon ni Jayson matapos malaman na negative ang result. Ngunit nalaman din nito kalaunan ang totoo dahil nakuha nito ang totoong result ng minsang malaglag niya ito habang may kinukuhang gamit sa locker sa unibersidad na kanilang pinapasukan. Sa una galit na galit ito dahil hindi niya sinabi ang totoo.
"Ipagpalagay natin na si Stuart nga ang nawawalang karugtong ng buhay mo, paano mo sa kanya sasabihin ang totoo?" ang minsang tanong noon ni Jayson sa kanya.
"Mas gusto kong hindi niya malaman dahil ayoko siyang masaktan ng sobra kung sakaling malaman niya ang totoo," ang sagot niya. "Makita ko lang na masaya siya ayos na ako lalo na nga't may kapatid siyang magtatanggol mula sa mga taong mananakit sa kanya."
"Bakit? Hindi mo ba siya kayang ipagtanggol?" muling tanong nito.
"Hindi ko nga magawang ipagtanggol ang sarili ko, siya pa kaya."
"Paano na 'yan?" bumalik siya sa sariling kamalayan ng marinig ang boses ni Jelly. Makikita sa mga mata nito ang pinaghalong inis at takot.
Pare-pareho silang natigilan ng makarinig ng kakaibang ingay sa di kalayuan. Ang ingay na kanilang naririnig ay palapit ng palapit sa kanila. Alam niyang infected ang may likha niyon. Hindi siya maaaring magkamali dahil mga infected nga ang may likha niyon!
#
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...