"HANAPIN n'yo sila!" galit na galit na sigaw ni Heneral Steven Jackson sa mga hindi magandang balita ng mga sundalong nagmamatyag sa bawat galaw nina James, Soo-hee at Dane.Lalo pa itong nagalit ng malaman nitong napasok na ng virus ang ilang bayan ng Camarines Norte sa kagagawan ng pamangkin ni PA Zein Dee Han. Inutusan nito si Lt. Markly Cristobal na pasabugin ang mga tulay na nagdurugtong sa mga bayang napasok na ng virus upang hindi na ito tuluyang kumalat pa sa buong rehiyon.
"Sir, na-trace na namin ang kinaroroonan ng pamilya ni Mickey Dee Han," masayang pagbabalita ng isang babaing sundalo habang nakaharap sa monitor ng kompyuter. "Paano sir kung hindi talaga siya?" Napatigil pa ito sa pagtipa sa keyboard ng kompyuter.
"Alam ko na ang pamangkin Zein ang immune kaya dapat na tayong kumilos upang puntahan ang lugar kung saan naroon ang pamilya niya."
Inutusan nito ang mga sunod-sunurang sundalo na puntahan ang bahay ng binata.
Agad namang sumunod ang mga sundalong inutusan.
May maganda siyang naisip kung paano nila makukuha ang antibody.
PATULOY ang ginagawang pagpapaalis sa mga dayuhan. Kailangan nilang sumunod sa naturang batas. Ang sinumang magtangkang tumutol na mga Pilipino ay kamatayan ang kaparusahan. Kailangan itong gawin ng pangulo para na rin sa kapakanan ng mga kababayan na s'yang unang naaapektuhan dahil sa pagdami ng bilang ng populasyon galing sa iba't ibang mga bansa. Ito nga ba ang kanilang layunin o may iba silang nabuong plano? Kung anuman iyon ay kailangan hadlangan dahil mali ang naisip nilang paraan upang paalisin ang mga dayuhan. Pinapatay nila ang mga ito ng walang awa.
Sa pagsuway ng ilang mga Pilipino, dinilig ang bawat sulok ng lupain ng Camarines Norte.
Ang mga taong pinagtatabuyan habang sinusundan ng bala ng mga baril ng sundalo ay sinasagip naman nina Mickey sa tulong ng rin ng mga una nilang nailigtas. Mayroon ngang mga pagkakataon na sinusubukan niyang iligtas ang isang mag-ina tinamaan siya ng punglo sa balikat. Mabuti at padaplis lamang iyon. At nagawa pa rin niyang mailigtas ang mag-ina sa tulong nina Nickhun at Jelly.
Sa patuloy na pagtataboy sa mga dayuhan siya namang pagkalat ng virus sa probinsiya. Unti-unti nitong sinasakop ang kabuuang bahagi ng probinsiya. At huli na para mapigilan pa ito dahil halos kalahati ng populasyon ay nahawaan na. Parang kasing bilis ng hangin na kumalat ang virus sa buong probinsiya. Napasok na rin nito ang ilang bahagi ng Camarines Sur.
Kinakailangan na ring lumipat ng pangulo at ni Heneral Steven Jackson sa mas ligtas na lugar.
Sakay sila ng mga helicopter, patungo sila sa isla ng Catanduanes. Ngunit pagdating nila roon, hindi pa man sila nakakaapak sa lupa. Binomba na sila at pinaulanan ng mga bala gamit ang matataas na de-kalibreng baril ng mga tagaroon. Nakipagpalitan sila ngunit higit na mas malakas ang pwersa ng nasa ibaba kung kaya't minabuti na lamang nilang lisanin ang lugar. Sa paglisang iyon, hindi ibig sabihin natalo sila ng mga tagaroon. Babalikan nila ang mga ito.
Ngunit ito naman ay paghahandaan nina 2nd Lt. Liro James Macaraig at Captain Levi Carpio ang possibleng pagsalakay muli ng pangkat nina Hen. Jackson. Nakuha ng dalawa ang simpatya ng mga sundalong nagbabantay sa isla sa tulong na rin ng mga nakuhang bidyo ni Jelly habang sinasagip ng mga ito ang mga dayuhang pinapaalis sa teritoryo. Pinanood ito ng may mataas na katungkulan na nangangasiwa ng kaayusan sa nasabing isla. Sa ngayon, katulad ng ginagawa nina Mickey nagtungo ang mga sundalong inutusan nito na sagipin ang mga dayuhan at dalhin nila ito sa isla. Upang madaling matukoy ang kanilang ipinadalang mga sundalo, naglagay ang mga ito ng puting bandana sa ulo.
Nakumbinsi rin nina 2nd Lt. Macaraig ang mga tao sa isla na tulungan ang mga dayuhan. Nagkakaisa sila na buwagin ang maling istilo ng pamamaraan ng pamamalakad ng pamahalaan. Sa madaling salita, ibig nilang bumukod sa gobyerno na itinayo ni Pangulang Mondragon. Naghalal ng bagong pangulo ang isla at ang naging pangalo ay si Linalyn Realonda, asawa ito ng may mataas na katungkulan sa sandatahang lakas na namamahala sa isla. Ito ang itinalaga ng nagkakaisang mamamayan ng isla. Buong puso naman na tinanggap ito ni Linalyn.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...