Chapter 51

23 1 0
                                    

"SORRY, Mickey kung di ko kayo napoprotektahan nina Stuart at Jungsoo. Ang hina ko Mickey! Napakahina ko! Akong mas matanda sa iyo ngunit pinapasan mo ang lahat..."

"Hindi James. Wag mong sabihin ang bagay na iyan," putol niya sa mga sinabi ni James.

"Mickey, tama ako noon pa man sa hinala ko na magkapatid nga tayong dalawa. Kapatid kita Mickey."

Natigilan siya sa mga sinabi nito. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Totoo ba ang mga sinabi nito na magkapatid nga silang dalawa?

"Wag mo nga akong binibiro diyan James," natatawa niyang sabi.

"Totoo ang sinasabi ko, kapatid kita Mickey. Kuya mo ako," madiin nitong sabi.

Bakit hindi niya alam na mayroon pala siyang kuya? Bakit hindi ito sinabi sa kanya noon ng kanyang ina?

Noong una pa man talaga na magtagpo ang landas nila sa isang mall sa Rizal may lukso ng dugo ang nararamdaman nila pareho. Pareho silang hindi makatulog noon ng magkakilala silang dalawa. Nagtatrabaho si James noon sa supermarket ng naturang mall ng aksidente niyang mabangga si Mickey. Todo pa nga ang hingi niya ng paumanhin rito matapos niyang maitayo. At ng mapagmasdan niya ang mukha nito bigla siyang natigilan. Ngunit mas pinili na lamang nilang pareho na isantabi ang bagay na iyon.

"Akala ko nga pinaglalaruan ako ng kapalaran. Nagkita ulit tayo...hindi pala nakita kita ulit na pumasok sa isang fast food restaurant sa loob ng mall. Iba 'yung nararamdaman ko habang pinagmamasdan kita, kayong apat nina Dane, Stuart at Jayson habang kumakain. At lagi kong sinasabi sa sarili ko na gusto kitang maging kapatid. Gusto kong maranasan ang magkaroon ng kapatid. Dahil sa inadopt lamang ako ng mga nakilala kong magulang hindi ako naging masaya. Para kasing may kulang sa pagkatao ko sa tuwing masisilayan kita. Ito ang dahilan kung bakit patuloy akong naghanap patungkol sa nawawala kong pagkatao. At ngayong hindi na isang pangarap lamang ang paghahangad ko na maging kapatid kita, sobrang saya ko. Hindi lamang pala ikaw ang kapatid ko dahil tatlo pala kayo," mahabang lintanya nito.

"Bakit hindi mo ako sinubukang kausapin at kilalanin? Alam mo bang iyon din ang nararamdaman ko simula ng araw na iyon? Lagi kitang napapanaginipan, sa bawat panaginip tila ang saya-saya nating dalawa habang magkasama."

"Sorry, Mickey. Natakot lang akong magkamali. Natakot akong umasa..."

"Dapat sinubukan mo!" Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng galit rito. "Hindi mo alam kung paano ako nahihirapan ng mga panahong iyon. Sana...sana hindi na lang tayo nagkabanggaan noon!"

"Tama na Mickey! Please, tama na kapatid ko!" Mahigpit siyang niyakap nito. At sinuklian naman niya ito. "Ngayong alam na natin na pareho na magkapatid pala tayo magsimula tayong muli. Gawin natin ang mga bagay na makapagpapasaya sa atin."

Gustong-gustong sabihin ni James na wag na niyang ituloy kung anuman ang kanyang binabalak na pagsuko ng sarili kay Steven kapalit ng kapatid nila, hindi nito magawa. Alam nito na wala silang magagawa upang mailigtas si Stuart.

Si Mickey ang kailangan nina Steven upang pakawalan na nila sina Stuart, Dane, Jenny at Jerecho.

"Kung anuman ang binabalak mo Mickey, please wag mo na sanang ituloy. Natatakot ako sa possible gawin nila sa iyo," sa wakas ay nasabi rin niya.

"Mas natatakot akong tuluyang mawala si Stuart. Hindi naman nila ako sasaktan," ito ang maling inaakala ni Mickey. Nakaplano na ang gagawin nila Steven sa kanya.

"Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kung bakit hawak nina Steven ang kapatid natin," sinisisi tuloy ni James ang sarili. "Kung binantayan ko lamang siya ng mabuti siguro hindi siya lalabas."

"Hindi mo kasalanan ang mga nangyari. Kung hindi ko lang sana ginawa ang bagay na iyon hindi sana siya maghahanap ng dahilan upang lumabas at suungin ang mapanganib na daan."

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon