TINANGGAL sa serbisyo sina Private Army Zein Dee Han, 2nd Lt. Liro James Macaraig, Capt. Levi Carpio at apat pang sundalo dahil sa ginawang pagpapatakas sa apat na kasama ng limang sinusuri sa isang lihim na silid. Malaki ang hinala ni Heneral Steven Jackson na isa sa mga apat ang hinahanap nilang antibody. Alam nito ang pamangkin ni Zein na si Mickey ang tinutukoy ng nagngangalang Casper. Kailangan nilang makuha ito sa mas lalong madaling panahon. Kailangan nito ang kapatid ni Zein na si Rafael Dee Han.Patuloy naman na lumalaki ang bilang ng populasyon sa Rehiyon ng Bicol dahil sa marami pa ring dumarating na tao buhat sa ilang bansa at lugar ng Pilipinas. Kinakapos na rin sa mga pagkain at gamot. Kailangan na nilang magbawas ng tao ngayon. Hindi na sila tatanggap pa man ng mga taong dumarating. Kapag nagpumilit, inutusan ni Hen. Jackson ang mga tauhan na barilin ang mga ito. Ang nais pa nga niyang mangyari, paalisin ang mga hindi Pilipino. Pabalikin sila sa kanilang sariling bansa.
Isang lihim na pagpupulong ang isinagawa. Sa pagpupulong na iyon, dinaluhan ito ng mga kilalang tao at matataas na opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas. Iminungkahi ni Hen. Jackson sa pangulo ang nais niyang mangyari. Alam niyang sasang-ayon ito sa kanyang mga plano at hindi nga siya nagkamali. Kapag ang pangulo na ang nagdesisyon tiyak na wala nang magagawa pa ang ilang mga nasa katungkulan. Kahit pa man tumutol pa ang mga ito. Tuso at makasarili rin ang humaliling pangulo na si Vice-president Ferdinand Y. Mondragon. Ang dating pangulo ay isa na rin ito sa mga buhay na bangkay.
Ng umayon ang pangulo sa maganda niyang ideya nilagdan na nito ang bagong batas na ipapatupad. Walang nagawa ang ilang kritiko ng pangulo kundi ang manahimik na lamang. Dahil alam nila na wala silang laban. Hawak ng pangulo ang sandatahang lakas ng Pilipinas na siyang ginagamit nito upang maging malakas. Ang mga sundalo naman maliban kina Zein ay takot ang mga ito sa possibleng sapitin nila at ng kanilang pamilya oras na sila ay bumaliktad.
Mangyari man nga na nagtagumpay sila sa puntong iyon ngunit malaki ang sisingilin sa kanila.
PINAYAGANG makihalubilo sina Soo-hee, James at Dane sa mga tao. Hindi nila alam kung bakit kailangang pang maiwan sina Jamaica at Jenny. Alam nila na may hindi tama sa mga nangyayari ngunit hindi na lamang muna nila iniisip.
Sa bayan lamang ng Santa Elena sila pinapayagan na makihalubilo sa mga tao at hindi dapat sila umalis sa lugar na iyon hangga't walang permiso na ibinababa ang pangulo. Marami sila sa lugar na iyon at tanging mga tent lamang ang tirahan. Karamihan sa mga taong nakikita niya ay mga banyaga. Makikita sa mga mata ang takot at pangamba.
"F*ck!" napasipa si James sa bangkong pahaba na kanilang kinauupunan. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi sila maaaring umalis sa lugar na iyon. Kailangan niyang puntahan ang kapatid ni Mickey at ayaw niya ring biguin ang pangako niya rito.
"Maglakad-lakad na lamang kaya tayo sa labas, nakakainip naman dito," suhestiyon ni Soo-hee.
"Ano kaya kung tumakas tayo dito?" wala sa sariling sabi ni Dane sa mga ito.
"Saan naman tayo pupunta? Wala naman tayong kakilala rito liban sa Tito ni Mickey," ani Soo-hee.
"Sa lugar ni Mickey," sagot nito.
Bigla namang naalis ang pagkainis at pagkairita ni James ng marinig ang sinabi ni Dane.
"Alam mo kung nasaan ang bahay nila?"
"Oo naman."
Tumakas nga sila sa lugar na pinagdalhan sa kanila. Hindi naman sila napansin ng mga sundalo dahil sa taniman sila ng dalandan dumaan. Wala ditong mga sundalo na nagroronda at tanging mga namimitas lamang ng mga hinog na dalandan ang naroon. Tinulungan pa nga sila ng mga ito na makatakas.
"Maraming salamat po sa inyo," pagpapasalamat ni Soo-hee sa mga tumulong sa kanila.
"Walang anuman," sagot ng isang ginang.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...