NAGPUPUYOS sa sobrang galit si Steven ng makarating sa sariling kampo. Lahat ng bagay na kanyang mahawakan ay kanyang ibinabato sa kung saan. Naubos ang lahat ng kanyang tauhan. Maging ang taong pinagkakatiwalaan niya ay pinagpyiestahan ng mga infected. Malapit na sanang mapasakamay niya ang immune mula sa naturang sakit, naisahan na naman siya.
Kumalma lamang siya ng dumating sina Sarah at Rafael na nagawang makaligtas mula sa kamay ng mga infected.
"Totoo ba talagang wala na ang anak ni Woo Young?" galit niyang tanong sa magkapatid.
"H-Hindi namin sigurado General," sagot ni Rafael na natatakot sa maaaring gawin sa kanila ni Steven.
Sa isang sulok, nakatulala lamang si Sarah. Nakokonsensiya ito sa ginawang pag-iwan sa anak. Hindi nito alam kung ano na ang nangyari rito.
Napatitig si Steven sa combat knife na nasa ibabaw ng mesa. Kinuha niya ito at lumapit kay Rafael na nakatalikod sa kanya. Bigla na lamang niya inundayan ng sunod-sunod na saksak sa iba't ibang parte ng katawan. Hindi na nito nagawa pang makasigaw dahil bumulagta na agad ito sa sahig.
Sindak na sindak naman si Sarah sa nasaksihan. Kahit nanginginig sa takot pinilit niyang inihakbang ang mga paa upang takasan ang namumuhing heneral dahil sa kabiguan na makuha ang immune.
Hindi pa man siya nakakalayo ng umalingawngaw ang dalawang magkasunod na putok ng baril. Tinamaan siya ng dalawang ulit sa likuran. Duguang bumagsak siya sahig. Sa pagkakataong iyon, pagsisisi ang nasa isipan niya. Maling tao ang kanilang kinampihan.
Pinilit niyang gumapang palabas ng silid kahit nanghihina na ang kanyang buong katawan. Hindi na niya nagawa pang makalabas dahil apat na magkasunod na putok ang pinakawalan ng heneral. At bago siya malagutan ng hininga pangalan ng anak ang huling kanyang sinambit.
Nilisan ni Steven ang itinayong kampo sa Cam. Norte. Agad siyang nagtungo sa Isla ng Masbate upang ipaalam sa pangulo ang kabiguan na makuha ang immune. Ngunit babalik siya, pagbabayarin niya ang pangkat ni Zein sa danyos na ginawa nito sa kanya.
KASABAY ng pagtila ng ulan, nagkaroon na ng malay si Stuart. Hindi umalis si Mickey sa tabi ng kanyang kakambal hangga't hindi ito nagigising. Maging sina James, Nickhun at ang kanilang ina, sinamahan siya sa pagbantay sa kapatid.
Nagising siya ng may banayad na humahaplos sa kanyang buhok. Hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya. Kinusot-kusot muna niya ang kanyang mga mata bago tiningnan ang kaninang humahaplos ng kanyang buhok. Hindi mapagsidlan ang kanyang tuwang nadarama ng makitang gising na ang kanyang kakambal.
Niyakap niya ng napakahigpit ito na sinuklian naman nito.Ginising niya ang kanilang ina. Hindi rin mapagsidlan ang saya nito. Naiiyak na niyakap nito ang kanyang kapatid.
Wala pa ring salita ang maririnig mula kay Stuart. Kasalanan niya ang lahat kung bakit nalagay sa alanganin ang buhay nito.
"Hindi na ba tayo maghihiwalay Mickey? Hindi mo na ba ako iiwan ulit?"
"Hinding-hindi na Stuart. Matagal kong hinintay na matuklasan mo ang lihim tungkol sa pagkatao mo."
"Sana noon pa sinabi mo na magkapatid pala tayo. Hindi mo alam kung paano ako nasaktan ng malaman ko na magkapatid pala tayo. Halos mabaliw ako sa paghahanap sa iyo ng sabihin ni Nickhun na wala ka na. At hindi ako naniwala sa mga sinabi niya dahil alam ko sa puso ko na buhay ka. Hinanap kita kung saan-saan, kahit mapanganib ang daang tinahak ko hindi ako nagkaroon ng kahit anumang pagkatakot," hindi nito maiwasan ang mapaluha.
"Patawad kong nagawa ko ang mga bagay na iyon. Gusto ko lang na wag na kayong madamay pa ngunit nagkamali ako. Iyon pa pala ang dahilan upang malagay sa alanganin ang buhay ng taong pinakamahalaga sa buhay ko. Pangako, hindi na tayo maghihiwalay. Tanging kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa ating dalawa," madamdamin niyang pahayag sa kakambal.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
FantascienzaAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...