Chapter 36

51 5 0
                                    


"MICKEY, sasama ako!" habol ni Stuart sa kanya ng makitang mag-isa lamang siyang lumabas ng de kuryenteng bakod upang tingnan kung  may mga nakaligtas sa mga sakay ng de motor na bangka na pasahero nito.

Si Tatay Ruben ay pinagpahinga na muna niya at baka kung ano pa ang mangyari dito kung magpupumilit na sumama. 'Yung iba ay susunod na lamang daw sa kanila. Tinatapos pa ng mga ito ang pagkain. Iniisip din ng mga ito na baka isa lang ito sa mga pananakot nina Steven upang sindakin sila na sumasalungat sa mga ito.

Hindi niya nilingon ni pinansin man lang si Stuart. Nagmamadali siya patungo sa may baybayin.

Ng maabutan siya nito isang malakas na naman na batok ang naramdaman niya mula dito. Nagulat siya sa ginawa nito dahil malayo ang kanyang iniisip habang maingat na naglalakad.

"Ano bang problema mo at di mo ako pinapansin?" nagtatampong tanong nito sa kanya.

Hindi pa rin niya ito tinugon.

"Hoy, Mickey!" sigaw na nito. "Ano bang..." uulitin sana nito ang mga sinabi mabilis na tinakpan niya ang bibig nito at iginiya niya ito patungo sa likuran ng malaking punongkahoy. Sa di kalayuan ay maraming mga infected. Hinahanap ng mga ito ang pinagmumulan ng ingay na silang dalawa ang may likha.

Hindi pa rin niya inaalis ang kamay sa bibig nito. Napasigaw siya ng kagatin nito ang kamay niya.

Inis na binalingan niya ito. Tinawanan lamang siya nito.

Ang mga infected naman patungo na sa kanilang direksiyon.

"Tumigil ka nga diyan, Stuart!" pikon na pikon siya sa malakas na pagtawa nito. "Pag di ka diyan tumigil matitikman mo talaga ang kamao ko," banta niya dito.

Tumigil lamang ito sa pagtawa ng pareho nilang marinig ang sunod-sunod na "Ngrass...Ngrass..."

At ng silipin nila pareho malapit na sa kanila ang mga infected. Napakaripas sila ng takbo patungo sa daan na nakita nila. At ang hangganan niyon ay sa may baybayin.

"Loko ka kasi Stuart!"

Mabuti na lamang at hindi sila nasundan ng mga infected.

"Halika ka nga rito!" Hindi na nagawa pang makawala ni Stuart sa kanya ng ipinulupot niya ang braso sa leeg nito at pinagkikiliti sa tagiliran.

Napatawa naman si Stuart ng malakas dahil sa nakikiliti ito sa pinaggagawa niya dito. Pilit itong nagkukumawala sa pagkakahawak niya.

Mula naman sa loob ng de kuryenteng bakod pinanonood sila nina Jelly at Nickhun. Hindi naman kasi kalayuan ang kinaroroonan nila.

"Sobrang saya nilang pagmasdan, hano Nickhun?"

Tumango lamang ang binata bilang tugon.

"Bakit kasi hindi pa aminin ni Mickey kay Stuart ang totoo?" dugtong na tanong pa nito.

"Gusto ni Bay na si Stuart mismo ang tumuklas ng bagay na iyon," sagot ng binata.

"Ah," napatango-tango si Jelly. "Bakit nga pala Bay ang tawagan ninyong dalawa? Matagal na ba kayong magkakilalang dalawa?"

"Sabay kaming lumaki ni Mickey at nakasanayan na namin ang tawagan na ganoon. Pareho kasi namin na pangarap ang maging isang sundalo pares ng Tito Zein at Tito Liro."

Napasimangot si Jelly. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang sundalo. Hindi niya alam kung bakit. Basta ayaw niya sa mga sundalo. Naging bunga siya ng pansasamantala ng isang sundalo. Iyon ang madalas na ibinabato sa kanya ng kanyang ina. At malaki ang galit nito sa kanya. Kaya nga dito siya sa Pinas dinala ng mga paa. Binuhay niya ang sarili sa murang edad sa paraang alam niya. Ngunit sa maringal na hanapbuhay. Sa bata niyang edad natutunan niya ang kumita ng pera sa iba't ibang paraan. At ng makaipon muli siyang bumalik sa pag-aaral.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon