Chapter 54

20 2 0
                                    

TUMAKAS si Steven dahil alam niya na talo na siya. Siya at ang mga kapatid ni Zein na lamang ang natitira sa kanilang hanay. Kung hindi man namatay sa bala ng baril ang mga tauhan niya, pinagtutulungan naman ito ng mga infected. Nawalan ng saysay ang kanyang hangarin na mapasakamay ang immune mula sa naturang sakit. Nasaksihan niya, inagaw nito ang sariling buhay. Totoo nga bang nagpakamatay ito?

Sa kanyang pagtakas sumunod ang magkapatid na Rafael at Sarah. Naiwan ang anak ni Sarah na nakatulala habang pinagmamasdan ang magkambal na nakahandusay sa damuhan. Hindi gumagalaw ang mga ito. Hindi makapaniwala sa mga nasaksihan.

Sa paligid maririnig ang mga nakakabinging sigawan at mga pagkapunit ng laman ng mga taong inaatake ng mga infected. Nagdiriwang ang mga zombie dahil muli ay nakatikim sila ng sariwang dugo at laman ng tao.

Nilapitan ni Jamaica ang kambal. Ang mga lumalapit na mga infected dito ay kanyang pinapatumba gamit ang UZI.

Sina Zein at James naman ay pinuntahan siya upang tulungan.

Pinagmasdan niya ang katawan ni Mickey. Walang dugo ang umaagos mula sa ulo nito. Hindi totoong binaril nito ang sarili. Nautakan na naman nito ang heneral. Napangiti siya.

"Tito Zein, buhay si Mickey! Buhay siya!"

NANLAKI ang mga mata ni Woo Young ng makita niyang itinutok ng kanyang anak sa sentido ang hawak na baril. Nakatulala pa rin siya at hindi makakilos sa kinatatayuan. Nagkaroon lamang siya ng lakas na ihakbang ang mga paa ng makita niya si Lita na kumakaripas ng takbo patungo sa kinaroroonan ng kanilang mga anak. Humahagulhol ito ng iyak. Akala niya sumama na ito sa paglikas sa mga bata at iba pa.

Sinundan niya ito upang puntahan ang kanilang mga anak. At ng makalapit, hestirikal ito ng makita ang mga anak na hindi gumagalaw.

Mahigpit na mga yakap ang ginawa nito kay Mickey habang siya naman ay niyakap ang walang malay na si Stuart.

"Mickey, anak ko! Gumising ka!" hagulhol ni Lita sa pagkaakala nitong wala na ang anak.

Patuloy namang nilalabanan nina Jamaica at Zein ang mga infected na tumatangkang atakihin sila. Tumutulong na rin ang iba pa nilang mga kasama na nasa loob sa pagpapatumba ng mga infected.

Kahit alam ni James na hindi totoong binaril ng kanyang kapatid ang sarili labis pa rin ang pag-aalala niya para dito. Inalo niya ang kanyang ina at sinabing hindi patay ang kanyang kapatid. Nawalan lamang ito ng malay, na siyang ikinatigil ng paghagulhol nito ng iyak.

Napasigaw si Jamaica ng kagatin ito sa braso ng isang babaing infected. Hindi nito napansin ang paglapit ng infected. Humiwalay ang balat nito sa laman. Sumirit ang maraming dugo mula sa nilikhang sugat. Kahit sobrang sakit ang kanyang nararamdaman nagawa pa rin niyang patayin ito. Muli siyang napasigaw ng kagatin ulit siya sa leeg ng isang binatang infected.

Ng makita naman ni James na pinagtutulungan ng mga infected si Jamaica mabilis niya itong tinulungan. Itinarak niya sa ulo ng infected ang hawak na combat knife.

Napaupo naman si Jamaica sa damuhan habang sapo ng isang kamay ang sugatang leeg. Pinipigilan nito ang pagdurugo ng sugat. Binabalot na ng mapulang likido ang kanyang damit.

"F*ck!" mura nito.

"James, buhatin mo na si Jamaica!" sigaw ni Zein sa kanya. Hindi na nila kaya pang labanan ang patuloy na dumaraming mga infected. Buhat nito si Mickey, samantalang buhat naman ni Woo Young si Stuart.

Marahan na silang tumakbo papasok sa loob ng de kuryenteng bakod. Nakasunod naman sa kanila ang napakaraming mga infected na patuloy pa ring binabaril ng mga kasama nila na nasa loob.

"Patayin mo na lang ako, please," sa nanghihinang pakiusap ni Jamaica sa kanya. Unti-unti nang kinakain ng virus ang buong sistema ng katawan nito.

Hindi niya ito pinakikinggan.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon