INUMPISAHAN na ni Hen. Steven Jackson ang pagpapalayas sa mga hindi Pilipino. Ang sinumang hindi mapaalis pinababaril nito. Ito ang simula ng kaguluhan sa rehiyon singko. Pinapahanap rin nito sa mga tauhan ang pamilya ni Mickey upang magamit sa paghahanap sa binata.Hindi pa rin niya tiyak na si Mickey nga ang antibody na kanilang hinahanap. Ang tatlo pa nitong kasama ay pinapahanap rin niya ang mga magulang.
Ngunit sa talaan ng populasyon ng mga survivor walang lumikas na pamilya ng tatlong kasama ni Mickey ang nasa talaan. Maliban kay Mickey na dito talaga sa Bicol naninirahan ang pamilya. Hindi pa sila makatiyak kung saang lokasyon nakatira ito.
Sa takot naman ng ilan na baka matulad rin sila sa mga hindi sumunod sa bagong batas na ipinapatupad kusa na silang umalis. Sasagupain na lamang nila ang panganib sa labas ng teritoryong akala nila ay magliligtas sa kanila mula sa virus. May ilang lugar pa naman siguro rito sa Pilipinas ang hindi pa napapasok ng virus.
Unang isinagawa ang pagpapaalis sa probinsiya ng Camarines Norte. Isusunod nila ang Camarines Sur kapag ganap na nilang napaalis ang lahat na mga hindi Pilipino.
Patuloy ang kaguluhang nangyayari. Marami ang mga nagkalat na katawan ng tao sa kung saan.
Putukan rito. Putukan roon. Walang tigil na mga putok ng baril ang madirinig sa buong paligid.
Takot na takot naman ang dayuhan na nagsitakbo palabas ng teritoryong pinangangalagaan . Iyakan ng mga bata at ilang babae ang madirinig.
Ang mga infected naman nagsimula na ring umataki sa mga tao na nasa labas ng teritoryo.
Nakakaalarma ang sumunod na mga nangyari.
Patuloy na inaataki ng mga infected ang dayuhan. Habang dumadaing sa sakit ang mga nakagat ng infected nagdiriwang naman ang kalooban ng mga tao sa loob ng teritoryong pinangangalagaan.
Ang iba namang mga dayuhan ay nilalabanan ang mga infected. Ngunit hindi iyon sapat upang matakasan nila ang mga ito. Isa pa sa mga kalaban nila ngayon ay ang mga bala na nagmumula sa mga sundalo. Habang inaatake sila ng mga infected binabaril naman sila ng mga ito. Tila wala silang takas sa kamatayang naghihintay sa kanila.
Isang malutong na halakhakan naman ang maririnig na ingay sa loob ng opisina ng pangulo habang pinapanood sa harap ng monitor ang mga inaatake ng infected sa labas ng teritoryo.
Nagdiriwang sila sa labis na saya. At habang nakikipaglaban ang mga dayuhan para sa sarili nilang buhay isang bangkete naman ang isinagawa sa loob ng teritoryong pinangangalagaan. Inimbitahan ng pangulo ang lahat na mga tao na dumalo sa kasiyahang iyon. Nagtagumpay sila!
Hindi naman pinapaalis ni Hen. Jackson ang mga mata sa tatlong kasama ni Mickey. Muli nilang na-trace ang kinaroroonan ng mga ito sa tulong na rin ng makabagong teknolohiya. Pinapahuli nila ang mga ito ng buhay upang magamit nila ito sa pamangkin ni Zein.
Dahil sa husay ng plano umayon ang maraming mamamayan sa probinsiya ng Camarines Norte. Nagkakaisa ang mga ito upang kanilang mapaalis ang mga dayuhan sa kanilang lugar.
Ngunit kasalungat naman ito sa apat na karatig probinsiya ng Camarines Norte. Tutol ang maraming tao sa Camarines Sur, Albay, Catanduanes at Sorsogon sa maling pasya ng pangulo. Dapat hindi ito nagpadalus-dalos sa mga ginawang desisyon.
Maayos na sana ang lahat ngunit sila na rin mismo ang naghahanap ng kaguluhan.
Maaaring nagtagumpay nga sila ngayon ngunit baka bukas sila naman ang singilin. Magdurusa rin sila sa sakdal-pait katulad ng mga ipinaparanas nila sa mga dayuhan na siyang biktima ng diskriminasyon, na sa halip sana ay magkaisa silang lahat upang masugpo nila ang lumalalang krisis sa buong mundo.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...