"SAAN ka ba pupunta?"
Sinenyasan niya ang pinsan na tumahimik. May mga yabag silang narinig na patungo sa kinaroroonan nila at huminto ito sa may tapat ng pintuan. Pareho silang nakikiramdam kung sino ang taong nasa labas. Hinintay nilang pumasok ito ngunit makalipas ang mahabang katahimikan ay walang nagbukas ng pinto.
Inihanda na niya ang sarili ng masiguro nilang umalis na ang sinumang nasa labas.
"Wag mong sasabihin sa mga kasama natin na umalis ako lalo na kay Stuart," bilin niya sa kanyang pinsan.
"Hindi mo na kailangang sabihin," at dumampot rin ito ng isang M16 na baril. "Sasamahan kita."
"Hindi ka sasama," pagtutol niya.
"Sige ka! Pag hindi mo ako isinama sasabihin ko sa kanila ngayon din mismo," pananakot nito sa kanya.
"Ayssi!" Wala siyang nagawa kundi ang isama ito.
Paglabas nila nagulat sila pareho sa lalaking biglang nagsalita mula sa likuran ng kamalig.
"Sinasabi ko na nga ba!"
"Hindi mo ako naiintindihan, Alex."
"Sa ganitong oras, Mickey? Alam mo namang mapanganib sa daan," wika nito na parang galit ngunit nag-aalala lang naman ito para sa kanila. "Ipagpapabukas n'yo na lang kung anuman ang binabalak n'yo."
"Ngayon pa ba ako natatakot sa maaaring mangyari sa amin sa daan? Come on, Alex! Hindi na kami mga bata para hindi maintindihan ang sitwasyong nagaganap sa bansa natin!"
"Mas lalo mo lamang na pinapalala ang sitwasyon. Paano kung pati rito...lalo pa nga't naririto kayo?"
Nilapitan niya ito at kwinelyuhan. "Sabihin mo kung ayaw mo kaming naririto sa inyo at aalis kami," galit na niyang wika rito.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Mickey."
"Iyon naman talaga ang ipinupunto mo! Pwes, aalis kami!" nanggigil na binitiwan niya ito.
Tinungo nila ang mga kamalig kung saan naroon ang kanilang mga kasama. Nagulat pa ang mga ito ng makita ang baril na hawak nila. Agad niyang nilapitan si Jung Soo at binuhat.
"Bal, gisingin mo na ang iba pa nating mga kasama," utos niya kay Stuart.
"Bakit?"
"Wag ka ng magtanong pa!" nasigawan tuloy niya ito dahil sa laging pumapasok sa isipan niya ang mga sinabi ni Alex kanina.
Ginising nga nito ang lahat nilang mga kasama. Hindi na nagtanong pa ang mga ito kung bakit.
Nagtaka ang lahat kung bakit biglaan ang kanilang pag-alis lalo na ang mga katutubong nagising din at nakatingin sa kanila. Tiningnan niya ng masama si Alex ng makasalubong nila ito habang patungo sila sa kinaroroonan nina James na paikot na nakapaligid sa ginawa nilang ningas sa gitna.
"Ano na naman ba ito Mickey?" si James na hindi gusto ang mga nangyayari. At natatakot siya sa maaaring kaligtasan nila kung hindi niya pipigilan ang kapatid sa gusto nitong mangyari. Masyadong mapanganib sa daan kung lilisan sila ngayong gabi.
"Kung ayaw mong sumama di magpaiwan ka!" pabalang na sagot ni Mickey dito.
Isang malakas na suntok ang ipinadama niya sa mukha ni Mickey. "Baka nakakalimutan mo na mas matanda ako kaysa sa'yo," tumingin siya sa lahat na mga kasama nila. "Hindi tayo aalis!" matigas niyang sabi sa mga ito.
"Kung ayaw n'yo, pwes ako ang aalis kaysa ang manatili ako rito kasama ang mga taong ayaw sa akin!" galit na sigaw ni Mickey sa mga ito.
"Hindi ka aalis Mickey!" At hinawakan siya nito sa braso.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...