Chapter 17

83 4 0
                                    


Kumuha kayo ng mga bagay na maaaring ipandepensa sa inyong mga sarili," utos ni Soo-hee sa mga kasama habang kinukuha sa lapag ang kutsilyo na nababahiran ng pinaghalong kulay itim at berde na dugo ng infected. Alam nila na mga infected ang may likha ng ingay na iyon. Dahan-dahan siyang pumanaog paitaas ng hagdan upang alamin kung gaano karami ang kahaharapin nila.

"S-Saan ka pupunta?" kinakabahang tanong ni Jelly sa kanya.

Sinenyasan niyang wag maingay ito at baka agad silang mapansin ng mga infected. Anumang likhain nilang ingay nadirinig ng mga ito.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng mabilis siyang sugurin ng isang agressibo. Mabilis naman ang mga pagkilos niya. Patagilid na lumipat siya sa kaliwang bahagi ng hagdan upang maiwasan niya ito. Tuloy-tuloy naman ang infected paibaba ng hagdan. Unang bumagsak ang ulo nito. At kahit pa nga nakatama sa matigas na bagay ang ulo nagawa pa rin nitong makatayo. At akmang aatakihin nito si Jelly mabilis naman ang pagkilos ni Nickhun. Hinatawan nito ng malakas na palo ang ulo ng infected gamit ang rolling pin. Sinigurado nitong hindi na ito makakagalaw pa.

Nagmamadali namang binaybay ni Soo-hee ang bawat baitang ng hagdan paitaas. Nanlaki ang kanyang singkit na mga mata ng makita kung gaano karami ang mga infected na naroon sa ikalawang iskalon. Sabay-sabay ang mga ito na napalingon sa kanya at ilang sandali pa pasugod na mga ito sa kanya.

Isang mabilis at agressibo ang sumugod sa kanya. Mabilis naman niyang inihagis ang hawak na combat knife. Tinamaan ito sa noo na agad na ikinamatay nito.

Unti-unting lumalapit sa kanya ang mga di gaanong agressibong mga infected. Hinawakan niya ng mahigpit ang nadampot na dalawang spatula. Kagagahan man nga na iyon ang nadampot niya hindi na iyon mahalaga. Agad niyang ibinaon sa magkabilang mata ang dalawang spatula ng may lumapit sa kanya na isang lalaking infected. At gigil na pinilipit niya ang ulo nito. Hindi niya alam kung paano siya nagkaroon ng lakas para gawin iyon. Ng matanggal niya ang ulo, inihagis niya ito sa ibaba na ikinagulat nina Jamaica at Jelly ng bumagsak ito sa kanilang may paanan.

Marami na ngayon ang malapit na sa kanya. Hindi niya pinansin ang takot na baka muling makagat na naman siya. Kung magpapadala siya sa takot lalo siyang malalagay sa kapahamakan.

Dinampot niya sa gilid ng pintuan ang bakal na dustpan at gamit ang pandakot ay mabilis na itinatarak niya sa leeg ng bawat infected na susugod sa kanya. Sinisiguro niya na mapapabagsak ang bawat susugod sa kanya.

Hawak ang malaking rolling pin patakbong inakyat ni Nickhun ang hagdan paitaas upang tulungan ang kanyang kapatid na mag-isang nakikidigma sa mga infected. Ang bawat susugod sa kanya hinahatawan niya ng malakas na palo sa ulo upang agad na mapatumba. Tinuruan siya ni Mickey kung saang bahagi ng katawan ang pupunteryahin upang agad na mapabagsak. Ang ulo ang dapat nilang mapatamaan upang madali nilang mapabagsak ang mga ito. Ang utak lang naman ang nagpapagana sa mga ito dahil ang katawan ng mga ito ay talagang patay na. Ang utak na lamang ang kumukontrol sa ibang bahagi ng katawan ng mga ito.

Si Jelly naman gamit ang dalawang kutsilyo na nahagilap, tumulong na rin ito. Tarak dito, tarak doon. Hindi na nito inaalam kung saan pinapatama ang hawak-hawak na sandata. Ang mahalaga para rito ang mapabagsak ang mga ito.

Si Stuart naman gamit ang baril na Ruging Ball na nahalungkat sa isang silid na tiyak niya iyon ang office ng tagapamahala ng bakery. Nakuha niya ito sa drawer sa ilalim ng mesa. Alam niya kung paano gamitin iyon dahil tinuruan siya ni Mickey kung paano umasenta ng kalaban. Ayon rin dito ang Tito Zein na laging ibinibida sa kanila nito ang nagturo rito. Isa raw itong magaling na sundalo. Walang tigil niyang inasinta ang bawat infected na lalapit sa kanya.

Si Jamaica naman gamit ang frying pan, sa mukha nito inihahampas. Tumilamsik ang mata ng isang infected na nasalo naman ni Jelly sa pag-aakalang may inihagis sa kanya ito. Sa gulat niya ng makita kung ano iyon inihagis niya ito patungo kay Stuart na nakapasok sa loob ng bulsa ng suot nitong itim na t-shirt. Abala ito sa pag-aasinta ng mga infected. At sa gulat naman nito kung ano ang inihagis niya ng tingnan kung ano iyon. Ginawa nito iyon na parang isang bola at sinipa paitaas. At sa pagbagsak ng mata sa loob na hawak na frying pan ni Jamaica, ng hambalusin nito ang nasa harapang infected nakapasok naman ang mata sa bibig ng huling infected. Nagulat pa silang lahat ng bigla na lamang ito bumagsak sa suwelo kahit hindi pa nga kinakalabit ni Stuart ang gatilyo ng baril.

Ngayon wala ng panganib sa loob ng bakery na kinaroroonan nila.

Napatakbo sila sa ibaba ng marinig ang biglang pag-crack ng salaming dingding. Unti-unti na itong nababasag dahil sa dami ng mga infected na gusto silang mapasok sa loob.

Isa itong napakalaking suliranin. Kung magkataon man na tuluyan ngang mabasag ang mga salaming dingding, wala na silang kawala sa naghihintay na kamatayan. Tiyak ni Soo-hee tanging si Stuart lang ang makakaligtas sa kanilang lima. Kailangan nilang makaisip ng paraan upang hindi sila mapasok ng mga ito. Kailangan nilang manatiling buhay. Ngunit, ano ang kanilang gagawin?

#

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon