Chapter 62

31 2 0
                                    

BIGLANG nagising sa mahimbing na pagkakatulog sina Zein dahil sa malakas na mga pagsabog. Nang lumabas sila, Nakita nila ang teritoryo ng mga katutubo na patuloy na hinahagisan ng mga bomba ng mga sakay ng helicopter. Nagliliwanag sa bahaging iyon ng kagubatan. Silakbo ng takot at pangamba ang nararamdaman nila. Lalong-lalo na si Woo Young dahil naroroon ang kanyang mag-iina. Paanong natunton ng pangkat ni Steven ang lugar ng mga katutubo?

Isang mabilis na pasya ang ginawa ni Woo Young. Sakay ng kabayo, mabilis niyang tinahak ang daan patungo sa bahaging iyon. Sumunod rin sa kanya si Hener dahil nag-aalala rin ito sa mga kapatid at baka kung ano na ang nangyari sa mga ito. Naiwan sina Zein, dahil tiyak nila sila na ang isusunod ni Steven. Kung alam lang nila na mangyayari ang ganito sana hindi na lamang niya pinayagan ang lahat na mga kasama nila pumunta sa dakong iyon.

Ngunit, ilang minuto na ang nakakalipas ng makaalis sina Hener at Woo Young nagbago ang kanyang isip. Susundan niya ang dalawa. Sakay din ng puting kabayo mabilis na siyang tumalilis. Hindi talaga siya mapapalagay kung mananatili lamang siya roon. Iniwan na lamang niya sa magpinsang Jericho at Dane ang pagprotekta sa de kuryenteng bakod.

Subalit walang kamalay-malay ang mga ito na susugurin din pala sila ng mga inutusang tauhan ni Steven. Maingat ang bawat hakbang ng mga ito sa pagpasok. Hindi alam ng mga ito oras na matapakan nila ang mga mine na itinanim sa ilalim ng lupa magiging giniling silang karne. At isang sundalo ang nagkamali ng naapakan.

Nagulat naman ang lahat ng mga nasa loob ng de kuryenteng bakod dahil sa malakas na pagsabog sa labas lalong-lalo na sina Jamaica at Dane na parehong humihigop ng mainit na kape. Muntik pa nga silang mabuhusan. Nagmamadali nilang kinuha ang kanilang mga baril ng marinig ang mga putukan sa labas. Agad na silang humanap ng ligtas na pag-pwestuhan. Nakipagpalitan na rin sila ng bala sa mga tauhan ni Steven.

Sunod-sunod din na mga pagsabog ang nilikha ng maapakan ng mga kalaban ang mga mine na itinanim nila. Kasabay niyon ang hindi matigil na putukan ng baril. Isang lalaking katabi ni Jericho ang tinamaan ng bala, sapol ito sa dibdib nito na agad na ikinasawi nito. Sa galit niya sunod-sunod na pinatumba niya ang bawat makitang mga kalaban sa kadiliman.

Litong-lito na ngayon si Zein kung sino ang kanyang uunahin. Hindi pa siya nakakalayo ng magulat siya sa sunod-sunod na mga pagsabog sa labas ng teritoryong pinangangalagaan nila. Mas pinili niya ang bumalik upang matulungan ang mga kasama nilang naiwan.

•••••••••

"SASAMA ako sa inyong dalawa ni Nickhun, Mickey," habol ni Stuart. Paalis na sana silang dalawa.

"Dumito ka na lamang. Samahan mo na lang ang bunso natin," pagtutol ni Mickey sa nais ng kapatid.

"Pero..." may pagtutol sana si Stuart.

"Tama ang kakambal mo, Stuart. Mabuting maiwan ka na lamang dito," sang-ayon ni Nickhun sa mga sinabi ng kaibigan.

"Ayaw mo ba akong samahan dito kuya Stuart?" tanong ni Jung Soo habang kaharap nito si Jenny.

"Oo nga kuya Stuart, samahan mo na lang kaming dalawa rito ng kapatid mo," pagsang-ayon din ni Jenny.

Sinenyasan naman ni Mickey ang kanilang bunso na mag-iyak iyakan ng hindi si Stuart nakatingin sa kanila. Ginawa nga rin ito ng kanilang kapatid.

Mabilis na lumapit dito si Stuart upang patahanin sana nito si Jung Soo. Si Mickey naman pinipigilan ang matawa dahil sa ginawa ng kanilang kapatid.

Umalis na sila. Habang pababa ng bundok wala pa ring tigil ang palitan ng putok ng bawat panig. Tila walang ibig magpatalo. Tumigil na rin noon sa paghulog ng mga bomba ang mga lulan ng helicopter. Ngunit nagpaikot-ikot pa  rin sila sa kabuuang paligid. Tinutulungan ng mga itong mahanap ang mga kalaban nila na nagtatago.

Sa bawat putok ng baril, hindi mabilang kung ilan ng katawan ang bumabagsak sa lupa na wala ng buhay. Patuloy pa rin na nakikipagpalitan ng bala ang pangkat nila Alex. Ang iba sa kanila ang mga helicopter ang pinupunterya. At isa ngang helicopter ang tinamaan sa may nilalagyan ng gasolina. Agad itong nagliyab at sumabog. Takbuhan ang mga tauhan ni Steven ng sa kanila babagsak ang bahagi ng katawan ng helicopter na nasusunog.

Samantala ang mga infected naman isa-isang tumatalon sa malakas na agos ng ilog upang tunguhin sana ang naririnig nilang mga ingay. Naaamoy din kasi nila ang dugo ng bawat taong bumabagsak ng wala ng buhay. At dahil sa malakas na agos ng tubig ang karamihan sa mga ito ay tinatangay patungo sa hangganan ng ilog- ang karagatan. Mabuti na lamang ay hindi ng mga ito nakita ang hanging bridge na gawa sa kawayan at kahoy.

Ng mga oras na iyon nag-aagawan na rin ang liwanag at dilim. Hindi pa rin tumitigil ang palitan ng mga putok.

Nakarating na rin sina Mickey at Nickhun. Agad silang tumulong upang pabagsakin pa ang mga natitirang helicopter ni Steven. Dalawa agad ang napabagsak nila gamit ang M16AA Assault.

Ngunit hindi pa rin nila magawang maubos ang mga kalaban dahil may mga ipinapadala pang mga tauhan si Steven. Nauubusan na rin sila ng mga bala. At hindi lamang iyon, kumukunti ang kanilang bilang.

Sa pagpapakita ng Haring araw sa Silangan nawalan na sila ng pag-asa na matalo pa ang mga ito. Kakaunti na lamang ang magazine ng bala ang mayroon sila. Kahit marami na sa mga helicopter ang napapabagsak nila ang mga sundalo naman ni Steven ay tila baga hindi nila maubos-ubos. Patuloy silang pinapaulanan ng bala ng mga ito. Iilan na lamang sila at ang iba ay inutusan na nilang tumakas na. Silang tatlo nina Alex at Nickhun hindi nila magawang iwan ang mga sugatan nilang mga kasamahan. At hindi nila magawang daluhan ang mga ito dahil sa tuwing tinatangka nilang lumabas mula sa pinagkukublihan binabaril sila.

Ang ilang mga sundalo naman ay sinusunog ang mga kubo at tinutuluyan ng mga ito ang bawat sugatan na makita. Hindi rin pinapaligtas ang mga paslit na mga katutubo na nakikita ng mga ito.

Mula sa kanilang pinagtataguan kitang-kita nila kung paano taniman ng bala ang mga kasamahan nilang sugatan. Gustuhin man nilang tulungan ang mga ito wala naman silang magawa. Ang magagawa lamang nila ay ang panoorin ang mga ito kung paano tapusin ng mga tauhan ni Steven ang mga buhay ng mga kasamahan nila.

Matinding galit at pagkamuhi naman ang nararamdaman nila pare-pareho. Lalong-lalo na si Alex. Wala itong magawa kundi ang umiyak. Hindi nito alam kung kanino ibabaling ang sisi. Kay Mickey ba? Kung wala sana ito sa kanilang teritoryo hindi aabot sa ganito ang lahat. O sa isang taong nag-traydor sa kanila?

Ibinaling niya ang tingin kay Mickey na katulad rin niya tumatangis ito sa sobrang sakit na mga senaryong nakikita. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng awa para dito lalo ng makita niya kung paano ito pa-impit na umiyak. Katulad niya wala rin itong magawa. Gustuhin man nilang sugurin ang mga ito wala na silang laban. Ilang piraso na lamang ng bala ang nakalagay sa kanilang mga baril. At ng magkaroon nga ng pagkakataon lumipat siya sa pinagkukublihan nito mula sa mga ugat ng malalaking punongkahoy.

Ngayon, isa lang ang gusto niyang gawin ang protektahan ito upang hindi makuha nila Steven. Ngayong alam na niya kung gaano ito kahalaga  para sa heneral. Hindi magiging agressibo ang mga ito kung wala naman silang mapapala kay Mickey. Kapag nakuha sa kanila ito tiyak na mawawalan na rin sila ng pag-asa. Lumiliit na lamang ang espasyo ng mundong ginagalawan nila mula sa mga infected.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon