Chapter 6

204 7 0
                                    


"Mickey, dito!" sabay silang napatingin sa itaas ng terrace ng makita si Soo-hee at ang iba pa nilang kasama. Inihulog nito ang telang pinagdugtong-dugtong at itinali sa mga grills ng bintana.

"Mickey, dalian n'yo!" natatarantang sigaw ng mga ito ng makita ang mga infected na malapit na sa kanilang dalawa ni Stuart.

Nalilito naman si Soo-hee kung sino sa dalawa si Mickey.

"They are twin?" pabulong na tanong niya sa sarili na narinig pala ni Jelly.

"No," agad na sagot nito na nasa katabi lang niya.

"Mauna ka Stuart!" ani Mickey.

Agad namang tumalima ito.

"Oh my God...Mickey!" sigaw ni Jamaica ng nasa harapan na niya ang mga infected.

Inihanda niya ang sarili. Hinawakan niya ng mabuti ng palakol. Ang sinumang tumatangkang umataki sa kanya mabilis niyang pinapalakol. Sa ulo, sa mukha, kahit saan basta mapabagsak niya. Marami na siyang napapabagsak ngunit tila yata hindi nababawasan ang bilang ng mga ito.

"Bilisan n'yo namang hilain si Stuart!" sigaw niya ng hindi pa rin nakakaakyat ito.

"Ikaw kaya dito, kami riyan!" Namimilosopo pang sabi ni Jelly. Silang dalawa lang ni Soo-hee ang humihila ng tali paitaas. Hindi man lang tumulong si Jamaica. "Ang bigat kaya ni Stuart!" pagrereklamo pa nito.

"Ako na nga riyan!" ani Roy ng lumabas ng marinig na nagkakagulo ang kanyang mga kasama.

Patuloy pa rin siyang nakikipagpatintero sa mga infected.

Ng makaakyat na si Stuart nagmamadali itong nagtungo sa loob ng silid ng kuya Jayson nito na noo'y wala pa ring malay. Naghalungkat ito sa loob, hinahanap nito kung saan nakatago ang shotgun ng kuya nuto. Ng makita nito ito sa loob ng closet sa ilalim ng damitan ni Jayson nagningning ang mga mata nito.

Kumuha ito ng maraming bala at nagtungo sa may terrace upang  tulungan nito si Mickey.

Nagulat naman ang mga kasama nito ng barilin nito ang mga infected. Sunod-sunod at walang tigil.
Napabagsak na nito ang ilan.

"Mickey!" sigaw ni Stuart ng makita ang malaking lalaking infected na pasugod rito. Agad niyang inihagis rito ang shotgun na agad naman nitong sinalo.

Dalawang magkasunod na putok ng baril ang pinakawalan nito para sa isang malaking infected. Sabog ang ulo nito. Isang mapaklang pag-ilag ang ginawa niya ng makita niyang sa kanya babagsak ito.

Nagtataka naman ang mga kasama niya kung bakit marunong siya gumamit ng baril.

"Remember, sundalo ang Tito ni Mickey," ani Jelly ng makita ang labis na pagkamangha sa ginawa ni Mickey.

"Mickey sa likod mo!" sigaw ni Soo-hee.

Mabilis namang nakaalerto si Mickey. Hinampas niya ng dulo ng baril ang mukha ng babaing infected. Bumagsak ito.

"Mickey, bilisan mo!" sigaw na naman ni Soo-hee ng makakita ng pagkakataon upang makaakyat  na siya.

Marami na namang pasugod sa kanya.

Malalaking hakbang naman ang ginawa niya at tinalon niya ang tali. Ng nasa kalagitnaan na siya. Pinulupot niya ang tali sa isang paa at patiwarik na pinagbabaril ang mga infected.

Ng maubusan ng bala umakyat na siya. Niyakap niya sina Stuart at Soo-hee, at nagpasalamat sa mga ito.

Nakita niya ang sunod na panganib. Ang pinto ng silid kung saan sila naroroon. Anumang sandali ay maaari iyong bumigay dahil sa dami ng mga infected na gustong makapasok at makalasap ng sariwang karne.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon