"May I know, who are you?" maangas na pagkakatanong ni Stuart sa katabi. Nasa likurang bahagi sila ng sasakyan nakaupo.Tinangka niyang alisin ang suot na facemask nito na akala niya ay natutulog dahil hindi ito sumasagot. Naging mabilis naman ang kilos nito at hindi niya nagawang maialis ang nakatakip na facemask sa ilong at bibig nito.
Hinarap siya nito. "You know who am I!" matigas na sabi nito at isang seryosong titig ang pinukol nito sa kanya. "Tingnan mo ang mga mata mo sa salamin malalaman mo kung sino ako."
Dinukot niya ang cellphone mula sa bulsa ng pantalon at tiningnan sa screen ang kanyang mga mata.
Bakit magkapareho ang kulay ng kanilang mga mata? Bakit ngayon lang niya napagtuunan ito ng pansin?Tumawa ng mahina ito at may ibinulong ito sa hangin. "Ikaw ang matagal ko ng hinahanap Stuart."
"May sinasabi ka?" napatingin siya dito.
Tumawa lamang ito.
Inalis nito ang suot na baseball cap. Hindi siya maaaring magkamali. Kahit nakasuot itong facemask nakikilala niya ito.
Muling isinuot nito ang sumbrero matapos maayos ang nagulong buhok.
Pasimpleng inakbayan niya ito. Sabik siya kay Mickey. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil wala na siyang aawayin na katulad nito.
"Alam ko na kung sino ka!" biglang bulalas niya. Sabay halos na napalingon sa kanila ang lahat maliban kay James na ang paningin sa unahan lang nakatuon. Mahirap na.
Natuwa naman ang batang si Jenny ng makitang masaya silang dalawa. "Yehey! Bati na ang kuya Stuart at Kuya..."
"Sshh!" Senenyasan nito ang bata na wag sambitin ang pangalan nito.
"Akala mo hindi kita nakikilala!" baling niya sa katabi. "Ikaw si..." tinakpan nito ang kanyang bibig bago pa niya masambit ang pangalan nito.
"Kilala mo ba talaga ako?" seryosong tanong nito sa kanya.
Alam niyang si Mickey talaga ang katabi niya ngunit may pagdududa pa rin sa kanyang isipan. Paano kung hindi talaga ito si Mickey, aasa na naman ba siya sa wala?
"You are crazy Stuart!" inis si Jelly at umayos na ito ng upo. "Stop thinking Mickey is alive. Si Dane na mismo ang nagsabi na nakagat siya sa leeg at ng iwan isa na siya sa mga infected."
"You heard that, you're crazy! bulong na sabi ng katabi niya. "By the way who's Mickey?" kunwaring tanong nito. "Is he important in your life, dude?"
Matagal bago siya sumagot. Mahalaga nga ba talaga sa buhay niya si Mickey?
"Not really!" tugon niya dito. Kahit ang totoo masakit sa kanyang kalooban ng malaman na wala na ito. Nasasaktan talaga siya.
"Ouch, ang sakit naman pala na hindi siya mahalaga sa buhay mo." May lungkot na lumukob sa mga mata nito, napansin niya iyon. "Alam mo bang ikaw ang lagi niyang inaalala? Iniisip niya lagi ang kaligtasan mo."
"Eh, di thank you na lang sa kanya!" balewala pa ring sabi niya kahit ang totoo'y gusto na naman niyang maiyak.
"Sus! Kunwari lang ang taong iyan!" biglang sabi ni Jelly. "Kung makaiyak nga 'yan daig pa ang nanay ni Mickey."
"Magtigil ka nga Jelly Han!" pikon ng sigaw niya.
"Ganito nga 'yan makaiyak at sambitin ng paulit-ulit ang pangalan ni Mickey." At ginaya nito ang pag-iyak niya.
Tawanan ang lahat maliban sa kanya na asar na asar sa pinaggagawa nitong si Jelly.
"Totoo bang nag-aalala ka para sa akin?" mahinang sabi ng misteryosong lalaki sa sarili nito na narinig niya.
"Anong sabi mo?" biglang tanong niya sa katabi.
"Wala. Ang sabi ko magpahinga ka na muna baka paggising mo buhay na ulit siya."
Bumaling siya ng masamang tingin dito.
"Anong ibig sabihin ng tingin na iyan, aber? hamon nito sa kanya.
"Kapag nalaman ko kung sino ka talaga, humanda ka sa akin!"
"Anong gagawin mo sa akin, yayakapin?" sabay pagkawala ng malakas na tawa nito.
Natigilan siya. Ang tawang iyon ang pumukaw ng kanyang atensiyon. Hindi niya nakakalimutan ang tawang iyon. Alam niya sa sarili na si Mickey nga talaga ang kanyang katabi.
Napatingin siya kay James. Tahimik nitong minamaneho ang sasakyan. Marahil, kilala nito ang katabi niya. Napaisip siya ng lingunin siya nito saglit. Ang mga mata nito. Kapareho rin ng kanyang mga mata at sa katabi niya. Hindi kaya magkapatid silang dalawa? Pero siya, ano niya ang mga ito?
Gusto niyang malaman kung sino at ano ba niya ang misteryosong lalaki at si James.
"Mabuti na lang wala na ritong gaanong maraming zombie," puna ni Jelly. Nasa bahagi na sila ng Atimonan, Quezon. Latag na ang bumabalot na kadiliman sa buong paligid. Wala kang madirinig na kahit anong ingay maliban sa ugong ng makina ng sasakyan na sinasakyan nila.
"Wag kayong magsaya muna, marami pang mga mapanganib na lugar ang daraanan natin," sabi ng misteryosong lalaki sa kanila. "Magpahinga na muna kayo."
Nagpalit ng pagmamaneho ng sasakyan sina James at ang misteryosong lalaki. Mukhang dinadapuan na ng antok ang diwa nitong si James.
Mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan ng misteryosong lalaki. May panganib itong naramdaman sa mataong lugar na kanilang dinaraanan. Mabibilis tumakbo ang mga agressibong infected sa lugar na ngayon ay binabagtas nila.
Binagalan lamang nito ang pagpapatakbo ng sasakyan ng makalayo na sila sa naturang lugar.
"Nasaan na ba tayo?" tanong ni Soo-hee na naalimpungatan dahil sa paggalaw ni Jelly. Nakahilig ang ulo nito sa balikat niya.
"Gumaca!" nanlaki ang singkit na mga mata ni Jelly ng magising rin at biglang napatangin sa isang sign board at nabasa ang pangalan ng lugar. "Hindi ba't sibilisado na rin ang lugar na ito? Mukhang mapapasabak muli tayo," inihanda nito ang UZI na nasa tabi lang nito.
Nadismaya ito ng mapadaan sila sa lungsod ng Gumaca. Akala nito muling masusubukan ang magpatumba ng mga infected. Nakakabinging katahimikan lamang ang sumalubong sa kanila sa lugar na iyon.
Ligtas silang nakadaan sa lungsod. Ilang kilometro na lamang mararating na nila ang bungad ng probinsiya ng Camarines Norte. Kung saan dito ang pinakabungad upang makapasok sila sa Bicol. Sinarahan ang bungad ng Del Gallego, Camarines Sur upang walang makalusot na mga tao. Kailangan maging maingat sila sa mga taong pinapapasok sa pinangangalagaang teritoryo laban sa mga nahawaan ng virus. Isa lang ang maging infected sa kanila, mauubos na silang lahat.
Malapit na ring magliwanag ng mga oras na iyon. Ngunit binabalot pa rin ng kadiliman ang buong kapaligiran ng marating nila ang bayan ng Calaug, Quezon. Ang lugar na ito ay dati ng pinag-aagawan ng dalawang probinsiya- Quezon at Camarines Norte. Ayon sa kwento ang bayan na nasabi ay sakop talaga ng Camarines Norte. Ngunit hindi naman napatunayan kung kaya't ng makarating ang virus sa Pilipinas. Ang lugar ay hindi binigyan ng seguridad ng mga taga Rehiyon Singko.
"Andito na tayo sa Bicol!" bulalas ni Nickhun dahilan upang magising ang lahat niyang mga kasama.
Ngunit nagulat sila sa sunod-sunod na putok ng mga baril kaya madaling inihinto ng misteryosong lalaki ang sasakyan ng makita ang puting linya sa kalsada. Ito ang palatandaan na ang sinumang lumagpas mula roon ay babarilin ng mga sundalong nagbabantay sa bungad ng pinangangalagaang teritoryo. Ito ang ipinag-uutos sa kanila ng punong heneral.
BINABASA MO ANG
Z-VIRUS: End Of Mankind
Science FictionAn unusual virus continues to destroy humanity on seven continents of the world. The virus is contagious through bites and scratches. It has no medical cure. In a laboratory in America they called it, the Z-Virus. January 6, the virus entered in the...