Chapter 64

110 3 9
                                    

HABANG binabagtas ni Stuart ang makipot na daan sa gitna ng mga nagtataasang talahib nakarinig siya sa di kalayuan na mga yabag ng tao. Iniiwasan ng mga ito ang makagawa ng anumang ingay. Sinundan niya ang pinagmumulan ng mga yabag. Maingat niyang sinundan ang bakas ng mga dinaan ng mga ito. Binilisan niya ang paghakbang ng mga paa nagbabakasakali siyang sana sina Mickey ang sinusundan niya.

Tirik na tirik na ang sikat ng araw ngunit hindi niya ito iniinda. Ang kanyang hangarin ay maabutan kung sinuman ang mga taong nasusundan niya. Hindi na siya tumuloy sa teritoryo ng mga katutubo dahil alam niya na wala na siyang maabutan pa roon.

Napatigil siya sa paghakbang ng mga paa ng makita ang mapulang likido sa mga dahon ng ligaw na halaman. Pinahid niya ito sa kanyang daliri at sinuri kung ano iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Alam niyang dugo ito ng isang tao. Mas binilisan niya ang paghabol sa mga ito. Nakatitiyak siyang sina Mickey ang sinusundan niya. Ang kaninang lakad ay patakbo na.

Sa di kalayuan natanaw niya ang nagtataasang mga puno. Dito pansamantala tumigil ang pangkat na sinusundan niya kanina pa. Napangiti siya ng marinig ang isang pamilyar na boses- si James. Halos lundagin na niya ang mga matataas na talahib patungo sa kinaroroonan ng mga ito.

"Sandali," senenyasan ni Ara na tumahimik ang lahat. Pinakiramdam nito kung saan nanggagaling ang mga kaluskos. Ng makatiyak siyang may nakasunod sa kanila sinabihan niya ang mga kasama na maghanap ng mapagtataguan. Mahigpit ang pagkakahawak niya ng baril habang nakasilip sa kanilang pinagkukublihan. Ang mga kasama naman niya ay takot na takot, ang iba nagpipigil ng pag-iyak.

Nadismaya naman si Stuart ng wala siyang makitang anumang tao ng marating niya ang lugar kung saan narinig niya ang boses ng kanyang kuya James. Iniisip niyang baka nakaalis na ang mga ito. Hindi niya alam kung saan ang mga ito dumaan dahil may ilang daanan sa lugar na iyon. Ipinagpasya na lamang niyang bumalik patungo sa teritoryo ng mga katutubo. May mga naririnig pa rin siyang putok ng baril doon. At baka nagkamali lamang siya ng narinig na boses kanina.

Lumabas naman si James sa pinagtataguan ng makita na si Stuart lang pala ang nakasunod sa kanila. Palinga-linga ito sa buong paligid at mukhang hinahanap sila nito. At ng makita siya ng kapatid patakbo itong lumapit sa kanila at niyakap siya. Lumabas na din sina Ara at ang iba pa. Ng makita ni Stuart si Nurse Patricia nilapitan nito ito at nagyakap ang dalawa. Ngunit natigilan ito ng hindi roon makita ang kakambal nito at ang kanilang ina.

"Nasaan sina Mickey at ang ating ina, kuya James?" tanong nito.

"Akala ko ba kasama mo si Mickey? Hindi ba't sinundan kayo ni mom?"

"Lagot na!" Hindi alam ni Stuart ang gagawin. Sinabi niya sa mga ito na pumunta sina Mickey at Nickhun sa teritoryo ng mga katutubo dahil nag-aalala ang mga ito sa kanila. At tiyak niyang ang kanilang naririnig na mga putok ng baril ay ang mga ito ang patuloy na nakikipaglaban sa mga tauhan ng heneral.

Nag-aalala naman ng sobra ang ina ni Nickhun ng marinig ang kanyang mga sinabi. Iniisip nito na baka napano na ang anak. Hinanap din nito si Soo-hee. Sinabi niyang nasa yungib ito kasama sina Jelly at ang dalawang bata.

Hinanap niya si Jonghyun ng hindi ito makita. Napatingin siya kay Ara. Tahimik lamang ito. Napansin niya ang lungkot sa mga mata nito.

"Pupuntahan ko sina Mickey. Samahan mo na sila Stuart sa yungib na kinaroroonan nina Soo-hee." May kung anong kabang naramdaman si James. Ayaw niyang isipin na may masamang mangyayari sa kanilang kapatid.

Bitbit ang de sabog na baril agad siyang nagtungo sa teritoryo ng mga katutubo.

Sinamahan na rin ni Stuart ang mga kasama nila sa yungib kung saan mas ligtas sila. Kailangan nilang magmadali ibig din niyang sundan ang kuya James niya.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon