Chapter 29

56 4 0
                                    


SUNOD-SUNOD na putok ng baril ang nagpahinto sa sinasakyan nina Stuart. Kapuwa nagulat sila sa mga di inaasahang pangyayari. Nagsikubli sila pare-pareho sa loob. Ang misteryosong lalaki naman na kasama nila hindi ito nababahala. Nanatili lamang ito sa kinauupunan.

Pinaputukan sila dahil muntik na silang lumagpas sa puting linya na nasa gitna ng kalsada. Kailangan maging maingat ang mga nasa loob ng pinangangalagaang teritoryo sa bawat mga pinapapasok upang maiwasan ang second wave na pagtama ng sakuna. Kung hindi sila magiging maingat wala ng matatakbuhan na ligtas na lugar ang mga survivors. Ang rehiyong ito na lamang ang natitirang ligtas na tirahan ng mga tao.

Patuloy pa rin ang mga sundalo sa pagpapaputok. Nang masigurong hindi sila manlalaban saka lamang ang mga ito tumigil. Lumapit sa kanila ang mga ito. Nakatutok pa rin ang baril ng mga ito sa kanila. Sa maling galaw naman nila iyon ang magiging mitsa ng kanilang kamatayan.

"What are we going to do now?"  natatakot at nababahalang tanong ni Jelly sa mga kasama at hinawakan nito ang baril na UZI.

"Wag," saway ng misteryosong lalaki rito na wag ipakita sa mga sundalo ang baril. Lumingon ito sa likuran at sinenyasan ang mga kasama na itago ang mga baril.

May ilang sundalo na inutusan ni Capt. Levi Carpio ang lumapit sa kanila habang nakatutok pa rin ang baril ng mga ito sa kanila. Sapilitan silang pinababa ng mga ito habang nakataas ang dalawang kamay.

Napatingin si Private Army Zein Dee Han ng may makilala sa mga bagong dating. Niyakap niya ng mahigpit si Stuart sa pag-aakalang ito ang kanyang pamangkin na si Mickey. Maluha-luha siya habang tinatapik-tapik ang kanang balikat nito.

Nagtataka naman si Stuart kung bakit ito niyakap ng sundalong kaharap.

"Uy, ikaw!" turo at baling nito sa lalaking  katabi ni Stuart. "Hindi mo ba aalisin iyang suot mong sumbrero at facemask?"

"Oo nga naman para malaman namin kung sino ka talaga!" sabat ni Jelly, disperado na talaga ito na malaman kung sino ang lalaking kasama nila.

Hindi ito gumalaw upang sundin ang pinag-uutos ni Zein. Kailangang hindi malaman ng mga kasama niya na buhay siya. Anong gagawin niya?

"Hindi maaari!" pagtutol ni James sa ibig mangyari ng sundalo. Akmang lalapitan nito ang lalaking kasama nila tinutukan ito sa mukha ng baril ng isang sundalo.

Lahat halos ay nakatingin kay James. Iisa ang pumasok sa isipan ng mga ito. Kilala niya ang lalaki. At pinangangalagaan niya ang katauhan nito.

Ayaw naman mapahamak ng lalaki si James kaya sinunod na lamang nito ang pinag-uutos ng Private Army. Nagulat ang mga kasama nito ng tanggalin nito ang suot na facemask. Lalong-lalo na si Dane.

"Mickey?" halos sabay-sabay na sabi ng mga ito.

Si Dane naman hindi akalaing buhay ito. Ngunit, paano iyon nangyari? Ito ang katanungang gumugulo ngayon sa isipan nito

Nagpalipat-lipat ng tingin si Zein kina Mickey at Stuart.

"Nahanap ko na siya Tito Zein," sabi ni Mickey na hindi maintindihan ng mga kasama niya kung ano ang kanyang ibig sabihin.

Niyakap siya ng kanyang Tito Zein ngunit napaurong ito ng makita ang marka ng sugat sa kanyang leeg. Alam nito na ang pamangkin ang lalaking immune na tinutukoy ng nagngangalang Casper. Kailangang hindi malaman ni Heneral Steven Jackson na nahanap na nito ang pinapahanap na immune mula sa naturang virus.

"Zein wag mo ng patuluyin ang pamangkin mo at ang iba pa niyang kasama sa loob," halos pabulong na sabi ni Capt. Levi Carpio.

"Makinig ka Mickey. Hindi ka maaaring tumuloy sa loob. Kailangang hindi ka nila makita," seryosong sabi nito sa kanya.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon