Chapter 16

80 4 1
                                    

Patuloy sa pagtakbo sina Soo-hee, Nickhun, Stuart, Jelly at Jamaica. Maraming mga infected ang nakasunod sa kanila. Hindi nila alam kung nasaan na sila. Kung nasaan na ang iba nilang mga kasama.

Gustong maiyak ni Soo-hee para sa kaligtasan nina Dane at Mickey. Ang dalawang lalaking napakahalaga sa kanyang buhay. Masakit isipin na mawawala sa kanya ang mga ito. Hindi pa nga niya naipaparamdam ang sakit na ginawa sa kanya ni Dane. Masakit ding isipin na kasama ng kanyang bisexual na ex-boyfriend ang lalaking ngayon ay mahal na mahal na niya. Nakipaghiwalay ito sa kanya dahil sa nabuong pagmamahal nito sa kaibigan. At tama, si Mickey nga ang kaibigang tinutukoy ni Dane na mahal nito. Kung bakit iniwan siya nito. Ngunit hindi alam ni Mickey na gusto ito ng kaibigan. Nananatili pa ring lihim ang pagtingin nito.

Hindi niya alam kung nagseselos ba siya? Tulad rin naman niya nagmamahal din si Dane. At wala pa naman siyang karapatan na ariin ang lalaking saglit pa lamang niyang nakikilala. Kahit siguro sandali pa lamang na nagtatagpo ang landas nilang dalawa ni Mickey sigurado na siyang ito na ang 'the one' niya na mamahalin siya ng habang buhay.

Ang matamis at masarap na mga halik nito nalalasap pa rin ng kanyang mga labi. Bagay ding hinihintay niyang gawin sa kanya ni Dane ngunit hindi naman nangyari. Tanging sa noo lamang ito humahalik sa kanya. Ngayon hinahanap-hanap lagi ng kanyang labi ang mapang-akit na halik ni Mickey. Gusto niyang malasap muli ang mga labi nito. Hindi niya alam kung nasaan ito. Kung kasama ba nito si Dane?

"Kailangan makahanap tayo ng mapagtataguan. Maraming mga zombies ang bigla na lamang sumusulpot sa kung saan-saan nanggagaling," puna ni Jamaica ng mapansing dumarami ang mga humahabol sa kanila.

"Oo," pag-sang-ayon ni Jelly dito. "Ayun, doon tayo sa mataas na gusaling iyon!" turo nito sa isang condominium unit.

Patungo na sila sa gusaling iyon ngunit maging man sa bahaging iyon sinalubong sila. Tumakbo na naman sila ng mabilis upang hindi maabutan.

"Bilis! Malapit na nila tayong maabutan!" sigaw ni Nickhun na nauna at binilisan ang pagtakbo.

Dahil sa labis na pagod at gutom na kanina pa nararamdaman. Nanghihina na ang katawan ni Stuart. Ayaw ng humakbang ng mga paa nito. Pilit na lamang kung ihakbang nito ang mga paa. Ilang metro na lamang maaabutan na ito.

Nang isa-isahin ni Soo-hee ang mga kasamang nasa kanyang unahan hindi niya makita ang lalaking kamukha ni Mickey. Alam niyang magagalit sa kanila si Mickey kapag pinabayaan nila ito.

"Nasaan si Stuart?" hanap niya sa mga ito.

Malapit na talaga siyang maghestirikal ng lingunin niya si Stuart na malapit ng maabutan ng mga infected. Nilakasan niya ang loob at pilit na inalis ang takot sa dibdib upang balikan ito.

Napatigil naman sa pagtakbo sina Jamaica, Jelly at Nickhun ng marinig ang biglang pagsigaw ni Stuart. Inaataki ito ng dalawang infected at pilit na kumakawala mula sa mga ito.

"Aaaaray!!!" daing nito ng makagat sa kamay.

"Nooooo!" sigaw ni Soo-hee ng makalapit kay Stuart.

Akma pa sanang kakagatin ng mga ito si Stuart. Ubod lakas na sinipa ni Soo-hee ang mga ulo nito upang makaalis mula sa pagkakadaghan dito. Ng Makita niyang babangon ang isa dinaganan niya ito. Pinagsusuntok niya ang mukha nito. Ang bawat suntok bumabaon sa mukha. Tumigil lamang siya ng makitang durog-durog na ang mukha nito. Ang isa pang infected gigil na pinilipit niya ang leeg nito at tinanggal ang ulo.

Napangiwi naman ang gulat na gulat na sina Jamaica at Jelly dahil sa kanyang ginawa sa dalawang infected. Si Nickhun naman natulala.

Nilapitan niya si Stuart habang sapo nito ang nakagat na kamay. Akma na sana niyang puputulin ang kaliwang kamay nito gamit ang combat knives na ibinigay sa kanya ni Mickey ng matigilan siya.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon