Chapter 3

350 8 1
                                    


"Halika na, Jamaica!" mabilis na hinila ni Mickey ang kamay ng pinsan at kinuha sa kamay nito ang baseball bat. Nagsisimula ng bumangon ang mga taong nakagat.

Tumakbo sila ng marahan palabas upang takasan ang mga infected.

Mabilis ang pagtibok ng kanilang puso habang tumatakbo dahil sa pinaghalong takot at pagod. Nakahinga lamang sila ng maluwag  ng makalayo mula sa covered court. Wala pa ring tigil sila sa pagtakbo.

"Mickey, ano bang nangyayari sa mga tao? Para silang mga nababaliw!" nangingilabot pa ring si Jamaica.

Magkasinggulang lamang silang dalawa, nauna lamang ng pitong buwan si Jamaica bago ipinanganak si Mickey.

"Nakapasok na rin sa atin ang virus at ilang sandali lamang matutulad na rin ang bansang ito sa lahat na mga bansa na apektado ng krisis."

"Ha?" puno ng takot ang makikita sa mga mata nito. "P-Paano na tayo? A-Ano ng mangyayari sa atin?"

"Kailangan nating labanan sila kung gusto pa nating mabuhay," ito ang tanging sagot niya sa sunod-sunod na tanong ng kanyang pinsan.

Napatigil sila sa pagtakbo ng marinig ang nag-uunahang mga yabag. Ng bumaling sila ng tingin sa likuran nakita nila ang napakaraming mga infected na iniluwa mula sa madilim na bahagi ng paligid. Nag-uunahan ang mga ito patungo sa direksiyon nila.

Nauna ng tumakbo si Mickey, samantalang si Jamaica naiwan na nakatulala pa rin. Nangangatal ang buong katawan nito sa pinaghalong sindak at takot.

Napatigil naman sa pagtakbo si Mickey ng maramdamang walang sumusunod sa kanya. Nanlaki ang kanyang singkit na mga mata ng lingunin ang pinsan na malapit ng maabutan ng mga infected.

Mabilis niya itong binalikan, hinila niya ang nanginginig nitong mga kamay. Ramdam niya ang matinding takot nito.

"Anong ginagawa mo at hindi ka sumunod sa akin? Gusto mo na bang maging katulad nila?" nagagalit na niyang tanong sa pinsan.

"Sobrang takot na ang nararamdaman ko Mickey. Wala namang kasiguruhan na mabubuhay pa tayo ng matagal."

"Kapag ginusto ng tadhana na mabuhay tayo, mabubuhay tayo. Naiintindihan mo ba ako Jamaica?"

Tumango ito bilang sagot. "Di na kaya ng mga paa ko ang tumakbo, Mickey," pilit na lamang ang ginagawang paghakbang ng mga paa nito.

"Malapit na rin naman tayo," pilit ring hinihinila niya ang pinsan habang natatanaw na nila na malapit na sila sa apartment na kanilang tinutuluyan.

Ng marating nila ang bukana ng gate malakas nila itong kinalabog ng hindi sila makapasok dahil naka-lock na ito mula sa loob.

"Dane!" tawag niya sa kaibigan. "Jayson, Dane buksan ninyo ang gate!" paulit-ulit niyang sigaw ng walang tumutugon sa kanilang mga pagtawag.

Samantala si Jamaica naman paulit-ulit na tinawagan sa cellphone ang kaibigang si Gemma na hindi rin sinasagot ang kanyang mga tawag.

Kinuha ni Mickey ang baseball bat na inilapag niya sa gilid upang hampasin ang bakal na gate. Paulit-ulit niya iyong ginawa ngunit wala pa ring tumutugon sa kanila.

Nanlaki ang mga mata ni Jamaica ng makitang malapit na sa kanila ang mga infected.

"Mickey! Mickey!" alog nito sa balikat ni Mickey na walang tigil sa paghampas ng bakal na gate.

May isang agressibong infected ang pasugod sa kanila.

"Mickey!" napasiksik si Jamaica sa likuran niya

Inihanda naman niya ang sarili. Hinawakan niya ng mahigpit ang baseball bat at bumwelo. Malakas na hinatawan niya ng palo sa katawan ang lalaking pasugod sa kanila. Tumilapon sa malayo ang lalaking infected.

Z-VIRUS: End Of Mankind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon